bench

45 2 8
                                    

BENCH

Naglalakad ako papunta sa tindahan para magpa-load. Nakatutok ako sa aking cellphone nang biglang may bumangga sa akin kaya napaupo ako sa kalsada.

"Aray,"napadaing ako sa sakit. Agad siyang lumapit sa akin.

"Miss, are you okay?" Napatingin naman ako sa kanya. Hala shems! Ang gwapo!

"I-I'm fine," Nauutal kong sabi. Tumingin siya sa binti ko na 'di ko namalayan na may sugat na pala.

"I think you're not." Sinuri niyang mabuti ang sugat ko.

"Can you walk?" Tanong nya sa akin at tumango ako. Inalalayan nya naman akong tumayo at dahan-dahan niya akong pinaupo sa bench.

"Wait here." Sabi niya at pumunta sa may tindahan na dapat pupuntahan ko kung hindi lang ako nabangga nito. Bumalik siya na may hawak na band aid. Umupo siya sa may harap ko at nilagyan ng band aid ang binti ko. Namula ang pisngi ko sa ginawa nya.

"Ahm t-thank y-you." Nahihiyang sabi ko. Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin.

"No prob. Sorry kung nabangga kita, 'di ko kasi napansin na nandoon ka."

"Ayos lang yun, may kasalanan rin naman ako dahil 'di ako tumitingin sa aking dinadaanan."

"I'm Kiel. You?" Nakangiting inilahad niya ang kanyang kamay sa akin, tinanggap ko naman ang kamay niya.

"Azrish, call me Azi for short." Nakangiting sabi ko. Dito nagsimula ang pagkakaibigan namin. Dumaan ang mga araw na lagi kaming magkasama tuwing hapon. Hanggang sa 'di ko na namalayan na nahuhulog na ako sa kanya. Natatakot ako na baka habang tumatagal ay mas lalo pa akong mahulog sa kanya at 'di na makaahon pa. Kaya iniwasan ko na siya simula noon.

Dumating ang araw na nagpasya na akong lumabas para magpaload ng UTP15.

"Paload daw po, UTP15." Sinabi ko na ang number ko sa tindera. Naramdaman ko na may tumabi sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Agad akong umiwas ng tingin nang malaman kong si Kiel pala iyon. Dali-dali naman akong umalis nang matanggap ko na ang load.

Nang makarating ako sa kwarto ko chinat ko si Luna na pumunta dito sa amin. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina. Napatakip naman ako ng tainga dahil sa tili niya. Sana pala hindi ko na kwinento sa kanya yung nangyari kanina, ayan tuloy inaasar na niya ako.

Napatingin ako sa phone ko at binasa ko ang text ng isang unknown number.

From: 09*********
Saan ka?

Tᴏ: 09**********
Sino ka?

May sinend siyang picture na stolen ni- KIEL? Teka paano nya nalaman yung number ko? Hiningi nya ba yung number ko sa tindera? Argh!

Sinuri kong mabuti ang pic na sinend nya. Nakangiti siya sa picture na medyo blurred.

To: 09*********
kiel?

From: 09*********
yup, so back to my question earlier. wru?

Napatingin naman ako kay Luna at inabot sa kanya ang phone ko. Binasa naman niya iyon at tumili nanaman sya. Ang sakit sa tainga sis.

"Kyaaa! Replayan mo na!" Tili niya pa kaya napatakip ako ng tainga. Nireplayan ko naman siya.

To: 09*********
bahay.

From: 09*********
sino kasama mo?

Napalingon naman ako kay Luna na nakangiting nag-aabang sa irereply ko.

To: 09*********
si luna.

From: 09*********
ok, enjoy!

Pinauwi ko na si Luna dahil naiirita na ako sa kakatili niya. Char! Malapit na kasi ang curfew kaya pinauwi ko na siya.

Nang maihatid ko na siya sa kanila bumalik na ako sa bahay namin. Papasok na sana ako nang may humigit sa braso ko. Nagulat ako nung nakita ko kung sino iyon.

"A-ano-" Hindi niya ako pinatapos magsalita at agad hinigit papunta sa bench na inuupuan namin dati.

"Are you avoiding me?" Matamang tanong niya sa akin habang mariin na nakatingin sa aking mga mata. Iniwas ko naman ang mata ko sa kanya at nag-isip kung ano ang isasagot ko.

"H-hindi a-ah! B-bakit naman kita i-iwasan?" Nauutal kong tanong. He raised a brow.

"Bakit nga ba?" Malungkot na tanong niya. Gusto ko man sabihin pero natatakot ako. Pero hindi ko na siya kayang iwasan pa kaya aamin na ako.

"K-kasi g-gusto ah mali, m-mahal na pala kita. Habang tumatagal, kapag kasama kita lalo akong nahuhulog sayo. Kaya iniiwasan kita dahil kapag nalaman mo na may nararamdaman ako para sa iyo, baka iwasan mo ako at masira ang friendship natin." Paliwanag ko habang nakatingin sa ibang direksyon. Nang lumingon ako sa kanya, nakita ko siyang nakangiti sa akin habang namumula ang kaniyang tainga.

"Eh paano kung sabihin kong mahal na rin kita. Iiwasan mo pa rin ba ako?"

compilation of my literary piecesWhere stories live. Discover now