Kabanata 23

45 1 0
                                    

Hello! This will be ny update for now. I'll be back after finals. Btw, I'm thinking if I'll extend another five chaps after 30. What are your thoughts about it? Beke nemen jen. Hihihi anyway, enjoy!

xxxx

Kabanata 23

“Saan tayo ngayon?” I asked Zhigor while I adjusted the strap of the bag on my lap.

“Sto. Niño Cold Spring.” Aniya at sumulyap saglit sa akin bago ibinalik ang atensiyon sa daan.

I was in awe when he effortlessly turned the steering wheel, the veins on his arms displayed, protruding like they should be recognized. They looked sexy on him, not to mention the wrist watch on his writs hugging it.

Umangat ang tingin ko sa braso niyang hapit sa sout na puting t-shirt. His prominent jaw clenched as his thick black brows were probably in a straight line. Hindi rin nakatakas sa akin ang matangos niyang ilong. His lips slightly pouted while focused in manoeuvring the car.

“’Yong sa Catarman?” Tanong ko dahil hindi ako sigurado roon. Iniwas ang tingin sa kaniyang mukha dahil biglang sumagi sa isipan ko ang nagawa naming kagabi.

What the hell, Karita? Pinagpapantasiyahan mo na naman iyang nobyo mo! Mag hunos-dili ka! You’re fantasizing too much! Ugh! Kasalanan talaga ‘to ni Zhigor.

“Yes, baby. Did you pack foods?” He asked again.

Kagat labi habang umiinit ang pisnge ko ay tumango ako. “Yes. Nandito ‘yong eskabetseng paborito mo…” mahinang sambit ko.

“Ang pansit canton mo? Dinala mo ba? I made a new one just this morning.”

“’Oo. Dala ko.”

“Alright. Can you turn the stereo on, baby?”

Sinunod ko ang sinabi niya. I turned the stereo on and chose a song. Nang tumugtog ang kanta ay hindi na ako umimik. Pumikit ako saglit upang mawaglit ang iniisip ko.

Damn! I think I’m turning into a wanton woman! Ano ba Karita!

Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya napadilat ako. Bigla akong nagging alerto. I shifted my gaze towards Zhigor only to find his worried eyes darted on me. Nakahawak pa siya sa manibela.

“You alright, baby? Masama ba pakiramdam mo?” Tunog may pag-aalala si Zhigor.

Kaya ba tinigil niya ang sasakyan dahil akala niya’y masama ang pakiramdam ko? Mabilis akong umiling sa sinabi niya.

Hindi. Hindi masama ang pakiramdam ko, Zhigor. Kundi ay…

“Ayos lang ako, Zhiggy. Tuloy na tayo…” nginitian ko siya ng malambing.

Tumango-tango naman siya at pinausad na ang sasakyan.

Habang nasa biyahe ay naaliw na ako sa mga nadadaanang tanawin lalo na nang mag stop over kami sa may Tongatok.

It’s actually a small spot above the cliff with an overlooking view of the blue ocean. The waters sparkled, reflected by the sun above. The wind from the west kissed our skin like it never had for a long time. Tanaw din mula rito ang bahagi ng isla patungo sa Catarman.

May iilang mga kabataan na nag papakuha ng litrato roon. Ang background ay iyong malawak na karagatan at iyong bahaging nasa unahan.

Nakatayo lang kami ni Zhigor sa may gilid ng kalsada habang hinihintay ang mga kabataan sa di matapos-tapos nilang photoshoot. May iba pa ngang naroon na mismo sa kalsada. Nakaupo at nagpapakuha rin ng litrato. Wala kasing masyadong dumadaan dito kaya hindi abala ang daan.

Memory in the Street (Paraiso Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon