HINDI NA AKO ANG MUNDO NIYA
"Happy birthday Sin!" bati ko sa kanya nang makarating ako dito sa bar.
"OMG! Thank you, Svet!" Yumakap siya sa akin at kumalas rin. "Akala ko 'di ka na darating."
"Well, birthday mo e' matitiis ba kita?" Sabi ko. "Bakit kasi dito ka sa bar nag-celebrate? pwede naman sa bahay nyo nalang." Tanong ko.
"Gusto ko dito e' tsaka nasasawa na ako sa bahay." Umismid nalang ako sa sagot niya. Iginala ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa napukaw ng atensyon ko ang lalaking kumakanta ngayon sa stage, habang tumugtog pa ito ng gitara.
"Sa'n darating ang mga salita~"
Napaawang ang labi ko nang makita ko siya.
"Na nanggagaling sa aming dalawa~?"
Nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang malamig niyang boses na kinakanta ang 'Mundo'. Ang kantang hinaharana niya sa akin... dati.
"Kung lumisan ka, 'wag naman sana~"
Tila nag-flash back sa akin ang mga nangyari, kung paano kami nagkakilala, kung paano naging kami at ang mga masasayang alaala nung panahong kami pa.
"Ika'y kumapit na, nang hindi makawala~"
Nag-flash back rin ang mga masasakit na alaala, mga panahong binitawan na namin ang isa't isa. But after three months, heto sya kumakanta ngayon sa harapan ko.
Damn, I miss his voice. I also miss him... so much.
"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw~"Napaawang ang labi ko nang tumingin sya sa direksyon ko at ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti rin. Ngunit agad iyon napawi nang malaman hindi pala ako ang taong tinitingnan at kinantahan niya. Kundi ang babaeng lumapit sa kanya at niyakap siya sa mismong harap ko.
Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
He used to sing that song to me, but now he's singing it to his new girl.
I wipe my tears as I walked away.
Hindi na ako ang mahal niya. Hindi na ako ang mundo niya.
YOU ARE READING
compilation of my literary pieces
Historia CortaAll of my literary pieces that I've posted in my role play account are here. [open for criticisms] [grammatical errors ahead] [plagiarism is a crime] [work of fiction] Facebook: Luna || @moon Wattpad: luna || @lunelyrighther