Maaga kaming umuwi kaysa sa nakagawian. Seven pa lang ay nasa condo na kami ni Dale. Zeleina fell asleep on our way here kaya idineretso na ni Dale sa kwarto. Naabutan ko si Winter na nanunuod ng tv.
"Will you come with us tomorrow?" Tanong ni Dale kay Winter nang makabalik.
"Where?"
"Batangas."
"Yes. Of course, besides miss ko na din si tita at tito. Who will be joining us?" She asked excitedly
"The band, Zeleina and Louise.""Sige. This will be fun. Tita will be happy to meet Zeleina," she giggled.
"By the way, I want introduce you to you my fiance," hinila niya ako at inakbyan. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Winter.
"For real? OMG. So kelan ang kasal? I know tita will be really glad to know this. Where's the ring?" Tuwang-tuwang tanong niya. Nakakagulat lang na natutuwa siya ngayon. Noong mga nakaraang araw kasi ay parang nagagalit siya akin.
"Well I already gave her the ring four years ago. I just don't know where is it now," napapakamot sa ulong sabi niya.
"I'll be glad if I see you wearing that baby," he whispered. So pati pala sa harap ni Winter kailangan naming magpanggap.
"Ah, nasa bag. Kunin ko lang," nakangiwing sabi ko bago pumasok sa kwarto ni Dale.
"You're sweet pala," dinig kong komento ni Winter bago ako pumasok sa loob ng kwarto.
Ang totoo niyan, itinago ko ang singsing na ibinigay niya sa akin noon pati na rin ang kwintas na may initials namin at surname niya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay hindi ko dapat itapon 'yon.
Hinalungkat ko ang bag ko pero hindi ko yon makita kaya tinanggal ko isa-isa ang laman. Ilang minuto din ang ginugol ko sa paghahanap bago 'yon nakita. Magkasama sila sa loob ng napakaliit na red purse. Kinuha ko 'yon at tinitigan.
Memories cross my mind. Nang ibigay niya sa akin ang singsing na 'to ay napakasaya ko. Nagulat ako nang bumukas ang pinto kaya nabitiwan ko ang singsing. Gumulong iyon patungo sa kaniya.
Pinulot niya iyon at lumapit sa akin bago iniabot at sinabing, "Wear this, kakailanganin natin yan."
At ako naman 'tong si masunurin kaya I put it MYSELF. Alangan namang iasa ko pa sa kaniya eh kayang kaya ko naman.
Nang makapaglinis ng katawan ay nahiga na siya sa kabilang gilid ng kama. Kumuha ako ng damit at naglinis na din ng katawan. Sa kabilang gilid naman ako ng kama pumwesto kaya napapagitnaan namin si Zeleina.
Sa palagay ko naman ay tulog na siya. I get my phone at naglaro, pampaantok. Maya-maya pa ay tumunog 'yon. Agad ko naman 'iyong sinagot. It was Mommy.
"Hello mom."
"How's Zeleina?" She asked.
"She's fine mom. She's happy kasi kasama namin ang daddy niya."
"That's good to hear. How about you are you happy?" tanong na naman niya.
"Mom, of course I am and I'm doing anything I can para maging maayos ulit kami."
"Anong aayusin? Is there a problem? Akala ko ay okay na kayo? Napanood ko ang interview niyo."
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
عاطفيةIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...