Chapter Two

17 1 0
                                    


He messaged me again! Napaubo ako dahil sa excitement, binaba ko ang donut na kinakain ko kanina.

Bago pa ako makapag-reply ay nag pop up ulit ang pangalan niya siya screen ng phone ko.

Kiel:

Bring Arthur with you.

Agad namang napalitan ng pagkadismaya ang mukha ko. Okay, I get it! Nag message siya dahil sa lalaking nasa tabi ko.

"What's with your face? Kanina nakangiti ka ng wagas tapos ngayon nakabusangot naman." pinagmasdan niya ang mukha ko ng mabuti.

Umirap naman ako bago nagsalita.
"Halika na sainyo!" sambit ko at nag lakad na papalabas ng bahay. Hindi pa siguro umuwi 'tong mokong na 'to. Akala ko naman umuwi na siya sakanila bago nag punta rito.

"Wait, Arianne!" sigaw niya habang nagmamadaling sumunod sa akin papalabas.

We arrived at their house exactly 3 minutes.
Malapit lang kaya hindi naman ako na pagod mag lakad.

Arthur on the other hand was busy flirting with the girls in front of the store close to their house.

Sarap sapakin e! Nakuha pa na lumandi na naman.

Hinayaan ko siya sa labas at tumuloy na sa loob ng bahay nila. Nung nilingon ko siya ang busy pa rin siya sa pakikipag-usap sa mga babae doon.

Bumalik naman ako sa reyalidad ng nakita ko si Kiel na nakaupo sa veranda nila. He was wearing plain white shirt yet he looks dashingas usual. Seryoso siyang nakatingin sa cellphone niya kaya hindi niya pa ako napapansin kahit kanina pa ako nakatitig sakanya.

Babalik ba ako sa labas? O mag kunwari na lang na hindi ko siya nakita?

Damn, Arthur. Kasalanan mo 'to.

Tumalikod ako nung nakita ko siya na bumaling sa direksyon kung nasaan ako. Nakita na niya kaya ako? Should I turn around to check?

Parang nabunutan naman ako ng tinik nang nakita kong papalapit na si Arthur sa akin. Siya ang may kasalanan bakit ako nasa ganitong sitwasyon pero siya din naman ang tutulong sa akin ngayon.

I never visited their house since the past few months, dahil si Arthur naman lagi ang pumupunta sa bahay namin.

"Hindi mo ako hinintay. I was ju--" ani Arthur.

Hindi ko na siya pinatapos at dali-dali ko siyang hinila papunta sa kabilang direksyon kung nasaan si Kiel.

"Let's go."

Nadatnan naman namin si Tita Eve at ang mommy ni Art na si Tita Lina sa kusina nila.
Busy sila sa pag-uusap kaya hindi nila napansin na nandito na kami ni Arthur.

Lumingon naman ako sa hagdan at nakita ko si Arthur na tahimik na umaakyat. Bago pa siya makarating sa second floor ay nagsalita ako.

"Hello Tita Lina! Nandito na po kami ni Arthur." malakas na pagbati ko dahilan kung bakit ako sinamaan ng tingin ni Arthur.

Ano, tatakas ka pa ha? Hmp.

"Hello Arianne." bati naman ni Tita Lina. Sumeryoso naman siya bago ulit nagsalita. "Arthur, come down here." malumanay na sambit ni Tita Lina na para bang alam na niya na nasa hagdan ngayon si Art.

Of course, she knows, this is not the first time.

Wala naman magawa si Art kundi bumaba ulit. Nakatingin siya sakin na parang tinraydor ko siya.

Pero nung tumingin siya sa mommy niya, agad siyang ngumiti na parang wala siyang ginawang kasalanan. Galing talaga mag acting nito.

"Good afternoon my!" nakangising bati ni Art. He always does this every damn time, yung magpapanggap na walang nangyari... though I'm sure papalampasin naman ito ni Tita Lina.

Trapped In LoveWhere stories live. Discover now