The worst day of my life.
Nagkasakit ang lolo ko, ang mahal kong lolo; ang tumayong tatay ko; ang katabi ko sa kama na lolo ko.
Nahawa kami ni lola sa sakit ng lolo ko.
My lola and my lolo is my only comfort. Kahit pagalitan nila ako nang pagalitan sa huli mahal na mahal parin nila ako.Hindi nagtatagal ang away namin ni lolo or ni lola.
Naaalala ko pa nga pag ka gising ko sa umaga tatawagin agad ako ni lola at sasabihan nya sa mga nasa baba na nandyan na daw ang pinakamaganda nyan apo sa balat ng lupa, tapos si lolo naman hahalikan nya ko sa ulo.Hindi ko inaakala na yun na pala ang last naming magkakatabi kami.
Alam kong nasa hospital sila lola at lolo ko. Sabi sakin ni mama na ok naman sila, at sabi nya na ooperahan na si lola.
Hindi ko inaakala na may malalaman akong totoo sa dati kong akala.
Na may ibang anak at babae si lolo.
Nang nalaman ko kasi yun dati sinabi ko agad sa lola ko, hindi ko alam na sasabihin nya yun kay lolo. Kaya pag ayos ko ng gamit ko papuntang school, si lolo nag hatid sakin kasi busy magulang ko. At kinausap ako ni lolo sa sinabi ko kay lola. Sabi nya wag akong magalala at wala yang yun. Sabi nya umutang daw sila sakanya, kaya hindi ko nalang masyado inisip.
Nang nalaman ko na totoo ung akala ko dati, in that morning i lost someone.
Someone that is a big part of my world, my heart and my brain.
Ang aking mahal na lola.
Nang sinabi sakin ni daddy akala ko joke lang, bigla syang umiyak at dun ko nalaman na hindi pala joke lahat. Na hindi ako nananaginip, Na nasa totoong buhay ako.
Agad akong nag cr at umiyak ng tahimik. Pag kapatos ko umiyak pumunta ako sa kwarto namin. Namin tatlo nila lola.
Umiyak ulit ako kasi ang last words nya ay gusto daw nya umihi ng maayos. Hindi mahal kita.
At naalala ko tuloy ang kasalanan ng lolo sa lola. Hindi man lang sya nakapag patawad ng maayos. Nang araw na yon nagkulong lang ako. Pero alam kong kahit anong kulong ko hindi na babalik si nanay.
And at that time i was isolated beacause meron din akong sakit.
Nang nawala ang sakit ko, binisita ko agad ang mahal kong lola sa church.
I tried my best not to cry, but i failed.
Alam kong hindi matutuwa si lola sa ginagawa ko, Ayaw na ayaw nya akong umiiyak. Kaya ako natutulog sa kwarto nila lolo at lola dahil palagi nalang ako pinapagalitan ni mama sa mga maliliit na bagay. Kaya dun nila ako pinapatulog para hindi ako umiyak.
Makalipas ang ilan araw last two days nalang ni lola sa church. Dumalaw si lolo.
Alam kong nahihirapan si lolo sa kalagayan nya ngayon, hindi na sya katulad ng dati na kaya nya ko i drive papuntang school. Meron na syang malaking oxygen palagi sa tabi nya. Kaya hindi ko magawang sabihan sya sa kasalanan nya.
Sa oras na yan alam nya na ung ginawa nya kay lola, pero tahimik parin sya sa topic na iyon.
Makalipas ang ilang araw natapos na rin ang libing ni lola at umuwi na kami kasama ni lolo.
Sinabihan sya ni mama na sa Christmas party daw ng pamilya sya na ang magbibigay ng red pocket sa pamilya. Natuwa naman si lolo.
Pero bad luck strikes again.
Mga ilang araw,
Lolo died.
Nang nalaman ko na namatay si lolo, ang gulo na ng isip ko. Sa oras na iyon di ko alam kung anong gagawin ko.
Iiyak ba ko?
Hahayaan ko ba?
Deserve ba nya?I remember hiding in behind the boxes and talking to lola.
But naalala ko na kahit anong gawin ni lolo sakanya, they will always end up happy.
So i decided to go sa burol ni lolo.
Sa umaga dumalaw ang pamilya ni nanay. Naalala ko nga kahit niloko ni lolo si lola nandyan parin ang pamilya ni nanay sa burol nya. Pero ang sarili nyang pamilya, Isa lang dumalaw.
Then night strikes.
The other family of lolo arrived, pagkadating nila ay pinuntahan nila agad si lolo at umupo.
Habang tinitignan ko sila nadidiri ako. What did you expect? Matatangap ko agad, syempre hindi.
Bigla ako pinapunta ng anak ni lolo sa mama nya. I never ever thought na kakausapin ko ang babaeng sumira ng buhay namin.
Nang nagusap kami pinipigilan ko umiyak. Hindi ko inaakala na maiiyak ako sa sinabi nya.
"Alam mo ba, palagi ka nya sinasabi sakin."
That 8 words that broke me.
That 8 words that made me cry.
That 8 words that made me not hate him for a second.Nang matapos ang usapan namin ng mommy ng kapatid ni mama, i cried outside the church.
Because i couldn't accept the fact that he cheated. I couldn't cry in front of him because i will look weak infront of him.
Pag katapos nya ko kinausap, kinausap nya din si mama. As I expect umiyak din si mama.
I remember mom saying that she said-
"Sorry sa ginawa namin ng papa mo."
Napaisip lang ako. Bat si mama na patawad nya na agad, samantalang ako hindi pa?
Hindi ko naman ma tanong sa mama ko dahil takot na takot ako mag open up sakanya. Mostly kela lolo at lola ako nag open up.
But there gone.
After a few days, natapos din ang burol. Bumalik na kami sa dati. Atleast we tried.
I spent my days gaming, eating, resting and studying.
Nang mga araw na yan nag papaka saya ako dahil ayoko naman maging madrama sainyo.
I annoyed you guys. So that i can laugh, or that's what i thought i'll be doing.
YOU ARE READING
Were/Weren't meant to be
RandomA simple girl who just wants to live life after getting dumped. Will she love again and get dumped again? Or she will just ignore her feelings for him?