Natapos maligo si Iya,naalala niya na madami pang bilin sa kanya ang kanyang nanay...
So far, pagdidilig pa lang ang natapos niya..magliligpit pa siya sa kusina at magtutupi ng mga damit na bagong laba ng nanay niya
Naisip niya i-pm si Neil, sabihin na sa hapon na lang sila manood...
" Mr. Snuggle, is it ok if mamaya mga 4pm na tayo mag-start ng Kdrama?"
" Biktima ako ng child labor eh😁, baka malagot ako sa Madam Gina if hindi ako magtrabaho...🤭" pm ni Iya kay Neil.Napangiti si Neil sa message ni Iya habang nagta-type din ng message niya.
" My Cuddle Bear, ok lang basta ba may kiss and hug ako mamaya..."
Kinikilig habang binabasa ni Iya ang cheesy message ni Neil.
"Baliw...andito na si nanay non, sorry ka na lang..." reply ni Iya.
"So, utang muna?"reply ni Neil.
"Sige ilista mo sa tubig.." reply ni Iya.
" 🥺 " simpleng emoji reply ni Neil.
"Actually naunahan mo lang ako,kasi tumawag si mommy, nagpapasundo sila sa akin" inform ni Neil.
"Sabay na ako kay tita Gina mamaya papunta diyan.." dagdag pa ni Neil.
"Ok, ingat sa pagda-drive Daddy Bear🐻" message ni Iya.
"I will, Mommy Bear❤️.." reply naman ni Neil.
Sa tuwing makikita ni Iya ang heart sign mula sa message ni Neil super kinikilig siya..
Dahil masaya ang puso niya, magaan niyang natapos ang homework niya sa kanyang nanay Gina. Naligo siyang muli, knowing na darating si Neil lalo na't pinagpawisan siya sa kanyang mga ginawa.
Naisipan niyang magpatugtog ng music...kinuha niya ang kanyang cellphone at nagconnect siya via bluetooth sa speaker nila. Nakita niya ang mga playlist na download ng kanyang kuya sa kanyang cellphone.
Nakita niya ang folder ng "The Corrs" ,which is according sa kanyang kuya, magugustuhan daw niya.Intro pa lang ng song, may appeal na nga sa kanya..
(🎵What can I do is playing🎵)
Kinuha niya ang kanyang laptop at search ang lyrics nito upang pag-aralan at sabayan na din sa pagkanta...
Nalibang siya sa mga songs nito pero nakaramdam siya ng pagbigat ng kanyang mga mata...3:00pm pa lang, kaya naisipan niyang mahiga muna sa sofa.
Maya-maya tumabi sa kanya si Beauty at hindi na niya namalayan na nakatulog siya.
Mula sa gate,madidinig ang pa-music ni Iya, kaya hindi na nag-atubili si aling Gina na kunin ang kanyang susi para buksan ito.
"Ang batang iyon talaga, baka nakalimutan na niya ang usapan niyo Neil..." Naku pagpasensiyahan mo na kung minsan kumilos ay parang bata pa..spoiled kasi iyan sa kanyang kuya Alex at tatay niya.." kwento ni Aling Gina.
"Natutuwa nga ako at mabilis kayo nagka-palagayan ng loob..matuto siyang mag-enjoy at maki-mingle din at ng hindi naman maging boring ang summer vacation niya..."mahaba pang explain ni Aling Gina.
"Nakaramdam ng guilt si Neil kaya sinamantala niya ang pagkakataon na iyon upang kausapin si aling Gina about kay Iya..ayaw naman niya itong mawalan ng tiwala sa kanya...Pero nakahingi na din naman siya indirectly ng basbas mula sa kuya Alex nito.."
Naalala pa niya yung tagpong binigyan siya nito ng chance na makausap tungkol sa tumutubong damdamin niya kay Iya..
( Night before dalhin si Iya sa hospital)
BINABASA MO ANG
Sweet Summer Love
RomanceSummertime-- for Iya, this is not like any other typical summer vacation na dumaan sa buhay niya. It was something special because for the very first time she fell in love with Neil na isang bakasyunista. They were both attracted to each other and t...