💟Zyrelle's POV💟
"Zyrelle asan tayo?" tanong niya sa akin habang papasok kami sa vacation house na pagmamay-ari ng aking pamilya. Dito kami nagbabakasyon noong mga bata pa kami nila kuya Zach. This is our favorite place pero ngayon bihira na kami makapunta dahil busy na sa kanya kanyang buhay ang bawat isa.
"I know this place. What are you thinking ba papasok ako sa hindi ko bahay?" mahina lang siyang tumawa. Ilang araw kaming hindi nagkita. Tapos iinisin niya lang ako.
"I'm just curious. Bakit parang luma na. Sigurado ka bang walang multo dito." nang-aasar niyang sabi at mukhang tuwang tuwa pa sa reaksyon ko. Tumakbo kasi ako pabalik sa kanya. Eh kanina nauuna ako maglakad.
"What the hell Brix. Huwag ka ngang manakot!" Inis kong sabi sa kanya. Humarap siya sa akin. At Hinalikan ang aking mga labi pagkatapos ay mahinang kinurot ang aking mga pisngi. "Ang cute mo." inirapan ko lang siya.
Maya maya ay may narinig kaming kumalabog. This is not good. Baka tama si Brix na may multo nga dito! But I've known this house. Walang ganon Dito. Ang bahay na ito ay laging pinapaayos ni Mommy. May stocks pa nga ng mga pagkain dito kahit wala namang nakatira.
"Zyrelle ikaw na ang mauna sa Inyong bahay ito diba. Huwag kang mag-alala Andito lang ako sa likod mo." inismidan ko siya. "Duwag ka lang eh, kalalaki mong tao tapos duwag ka lang!"
Bakit ba kasi ang dilim. Asan ung switch ng ilaw. This is going to be the death of me. Nakaharap lang ako kay Brix at hinihintay ang sasabihin niya. Nakatingin lang siya sa likod ko na parang may nakita na kung ano. What the fuck is he looking at?
"Zyrelle may tao sa likod mo." kaya agad akong kinabahan. It's not funny anymore. Hindi na siya nakakatawa. Natatakot na ko.
"Ohh sino sa atin ngayon ang duwag? Natatakot ka sa multo eh hindi naman yun totoo. Matakot ka sa buhay huwag sa patay. Hindi ka naman aanunuhin ng mga yon." seryoso niyang sabi tapos saka siya tumawa ng mahina. Siya na rin ang nakapagbukas ng ilaw. Nahanap niya yung switch. Mamaya dun nalang kaya kami sa labas.
"Maganda dito. Parang gustong gusto mo kong masolo ah. Dito pa talaga." this is embarrassing. Ang lawak ng ngiti niya. Siguro mamula mula na ang mga pisngi ko dahil sa sinasabi niya.
Ang dilim na sa labas dahil gabi na. Bakit ba kasi hindi niya agad ginamit yung cellphone niya kanina para hanapin yung bukasan ng Ilaw. Nanakot pa. Bakit hindi ko kasi nadala ang cellphone ko.
"Seryoso ako Dito Brix. After what they find out. I'm pretty sure hindi na sila sang-ayon sa relasyon natin. You know how oldies mind works. Advance silang mag-isip. Specially my dad. He's that strict. Kita mo naman. Ilang araw na akong hindi pinapapunta sa company. Tapos yun pala ang rason." all my life hindi ako naging ganito kaseryoso.
"Maybe hindi na nga nila ako gusto para sayo. Pero hindi pa rin nun mababago yung pagmamahal ko sayo. Nothing will change. My love for you will stay. Will stay forever." niyakap niya ako ng patalikod.
Ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa batok ko. Libo libong kuryente ang dulot nun sa katawan ko. Kami lang ang nandito. We can do whatever we want. Omy my mind, ang green ng nasa isip ko.
Humarap ako sa kanya. "You know I'm hungry na. Can you cook? Well if I'm the one who will cook. Hindi siya better kainin. Or maybe you just throw out to the bathroom and I don't want that."
"Kababae mong tao hindi ka marunong magluto. Sabagay rich kid ka eh." pang-aasar niya.
"Ikaw din naman ah! You're dad is rich just like my dad! Pareho lang tayo noh! Your just living independently kaya marami kang alam. Ako nga hindi ko naranasang humiwalay ng bahay kila mom." tuwang tuwa pa siya habang nakikita kung paano ako magreact.
"Takot siguro ang mommy mo at ang mga katulong niyo na kapag hinayaan ka nila Masusunog mo ang buong kusina niyo. Walang wala ka kay Katherine." hindi ko na lang siya pinansin. Naglakad ako papasok sa isang kwarto. Bahala siya diyan! Ayokong kinokompara. Mamaya na lang ako lalabas kapag nakaluto na siya.
Humiga ako sa kama. At tumitig sa kisame. I must treasure this moment na kasama ko si Brix because I'm pretty sure na baka paghihiwalayin din nila kami. Not now but maybe soon. Pero sana hindi nila gawin yun Kasi baka hindi ko kakayanin. I just want to be with him forever. He's the who's making me happy.
"Zyrelle oy sorry na! Oy buksan mo itong pinto. Ito na po ang pagkain niyo mahal na prinsesa. Baka lumamig pa. Dali na wala akong kasabay kumain." nakalimutan kong nilock ko pala ang pintuan.
"You! Ang yabang mo. Akala mo naman kung sinong magaling na cook. Fried chicken lang to eh." sinimangutan ko siya.
"Atleast hindi ako natalsikan ng mantika. At para sayo yan. Mahal na prinsesa ng buhay ko."
"Ew ang corny mo ah." kunyaring naiinis na sabi ko.
"Pero kinilig ka naman. Aminin!" Parang kanina lang ay takot na takot kami na pumasok sa bahay. Habang kumakain ay Nakatingin lang siya sa mukha ko. Wala namang dumi eh. Problema nito.
Kumain din pala kami kanina sa bahay ni Tita Scarlett kaya siguro hindi na siya gutom. Unti lang kasi ang kinain ko kanina eh. Dahil nagbiyahe pa kami at ako ang nagdrive dahil hindi niya naman alam ang Lugar na ito eh. Bakit parang gutom na gutom ako. Oh now I know for the past few days wala akong ganang kumain. Pero he's now here kaya meron na.
"Zyrelle tabi tayong matulog." muntik na akong masamid sa sinabi niya.
"Promise I will not do anything to you without your permission. You know how much I respect you. Gusto lang kita katabi. Namiss kita."
"Fine, namiss din kita. And it's okay. Were boyfriend and girlfriend. Hindi naman masama yon. Ang masama yung nasa isip ko este nasa isip mo." natawa na lamang siya.
"Gaano tayo katagal pwede magstay dito?"
"Ahm as long as we want. Kung hanggang kailan mo ba gusto. Siguro Kung wala tayo doon, Maybe maaayos na nila ang gulo sa pagitan nila." magkatabi na kami sa kama. Yung pinggan ako na yung naghugas nakakahiya naman kay Brix, siya na nga ang nagluto kanina alangang siya pa ang maghuhugas atsaka alam ko namang maghugas ng pinggan noh. Pagkatapos kung maghugas ng pinggan nagpunta na kami sa kwarto.
"Kung pakasalan na kaya kita?"
"In that fast? You must be joking. You must marry the person you truly loves. Dahil baka magsisi ka sa huli."
"Mahal naman kita eh. Sobra." napaharap ako sa kanya. My heart is beating so fast na parang nakikipagkarera.
"I love you too, Brix." pagkatapos noon ay napapikit na lang ako sa sobrang kaantukan. Naramdaman ko na lang na yumakap siya sa akin. Bukas na lang kami mag-usap. Tutal mukhang dito kami mamalagi ng mga ilang araw.
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.