Kabanata 33

65 1 0
                                    

Hiking

Para akong nakalutang sa ere habang iniisip ang mga nangyari kanina. I confessed. Inamin ko ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko napigilan. I planned to hide it until I die but it's now expose. I can't hide it from now on. Napapikit ako nang mariin at nagtaklob ng kumot.

Habang iniisip ko ang mga nangyari kanina mas lalong hindi ako makatulog. Parang may kung anong kumikiliti sa akin sa tuwing naaalala ko ang masasaya niyang ngiti at mga mata nakatitig sa akin na para bang ako ang pinakamagandang babae na nakita niya.

Pero sa gitna nang aking kasayahan naaalala ko na naman ang plano kong pag-alis. Sa oras na mag-reply si ate Rosa...aalis ako. Ayaw kong maging pabigat kay Edward. Alam kong naiiipit siya sa sitwasyon. My dad is searching for me right now, at kung magtatanong siya sa daddy ni Edward alam kong mas lalong magkakagulo.

Kinabukasan ay nagsikap ako na gumising nang maagap para makatulong sa kusina. Kaya naman ala-singko pa lang nang umaga ay gising na ako. Nakita ko ang mga katulong na nagluluto nang umagahan para kay Edward kaya naman nakihalo ako sa kanila. Ayaw pa nga nila pero nagpumilit ako.

"Sigurado po ba kayo ma'am? Mahirap po ang pagluluto-"

"Marunong ako. I learned from the best. Trust me," ngumiti ako sa kanila at nagsuot na ng aipron. Nagtanong ako kung anong una kong gagawin at sinabi naman nila at ang instructions.

Madali lang naman ang menu nila for breakfast. Sabi nila mahilig daw si Edward sa soup sa umaga. Ito daw ang lagi niyang hinahanap sa umaga. Hindi rin daw dapat mawala ang mga fresh fruits. Kapag wala nito paniguradong magagalit ang señorito.
I can't help but to imagine Edward's face with fire on his nose because there's no fresh fruits in front of him. It will be hilarious.

Naghahain na kami sa mesa nang bigla kong nakita si Edward na pababa nang hagdan. Kunot noo siyang tumingin sa akin. Ako naman ay ngumiti lang, dahil hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang nangyari kagabi. Damn it!

"Kanina ka pa gising?" He asked.

"Tinulungan ko silang magluto sa kusina..." sabi ko sabay turo sa mga katulong. Hindi sila makatingin kay Edward dahil kitang kita ko ang pagsama nang tingin niya sa mga katulong.

"Bakit niyo siya hinayaan-"

"Edward!" Pinigilan ko siya. Lumapit ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Itong lalakeng ito nagsasalita kahit hindi naman niya alam ang nangyari! At ano namang masama kung tumulong ako 'di ba?

"Ako ang may gustong tumulong!" untag ko. Bumaling siya sa akin, ngayon ay malalambot na ang matang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako nang tingin at tinanggal ang aipron sa aking katawan. Inabot ko ito sa isang katulong at umupo na sa dining.

"Anong niluto mo sa mga pagkain na 'to?" Tanong niya nang makaupo na rin siya sa kanyang upuan. Kumunot ang noo ko at kahit nagtataka ay tinuro ko pa rin 'yong soup.

"Talaga? Ikaw nagluto nito?" Tanong niya. Napangiti ako. Mukhang paborito niya nga ang mga soup.

"Bakit ayaw mo?" Biro ko. Kumunot ang noo niya at mabilis na kinuha ang soup sa kanyang tabi at tinikman. Kinabahan naman ako. Marunong akong magluto dahil kay mommy pero hindi ko alam kung masarap ba ang mga niluluto ko. Sana naman ay hindi ako pumalpak ngayon.

Bumaling siya sa akin pagkatapos niyang tikman ang soup. Kinabahan ako sa seryoso niyang mukha.

"M-Masarap ba?" Hindi ko mapigilan ang mautal.

"Lahat naman ng soup ay masarap para sa akin dahil paborito ko ito..." saad niya na may kasabay nang pagtango.

"Ibig sabihin...katulad lang din 'yan nang mga natikman mo noon?" Tanong ko. Hindi siya tumango at tumitig lang sa akin. Ano bang iniisip niya at titig siya nang titig sa akin?

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon