PROLOGUE

2.9K 73 7
                                    

"Nanang, mauna na po ako."

Paalam ko kay Nanang habang inililigpit ang gamit ko. Maging ang mga kakailanganin ko sa trabaho ay dala-dala ko na. Ngayon ko lamang susubokan ang lupit ng buhay sa syudad, naisipan kong magtrabaho sa Maynila upang may maipangdagdag gastosin sa pagpapagamot ni Tatay. Baldado na kase ang isa nitong paa dahil sa stroke, at kinakailangan n'ya rin ng gamot dahil sa malala n'yang ubo.

"Magiingat ka, Anak." Wala pa man ay ayon na ang mga luha ni Nanang.

Pabiro akong nagmaktol saka s'ya niyakap, "Nanang naman, magtatrabaho lang ako sa Maynila. Uuwi naman ako tuwing magkakaroon ng pagkakataon." Pagpapagaan ko ng loob n'ya.

"Alam ko." Nakangiti ngunit umiiyak parin n'yang tugon, "Nalulungkot lang ako dahil mahihiwalay ka sa amin ng Tatay at kapatid mo."

"Nanang, para sa inyo naman po ito." Ngumiti ako, "Kapag po nakaipon ako at nakaluwag-luwag tayo, ililipat ko kayo sa Maynila."

Tiningnan n'ya ako sa matamis na natawa, "Nako, Anak. Hindi kami bagay doon, ayos na kami rito. Basta, magiingat ka at sisiguradohin mong tatawag ka kay Anthony, ha?" Pagtukoy n'ya sa kapatid ko.

"Promise po, Nanang." Pangako ko, "Kailangan ko na pong umalis, baka ararohin ako sa mukha ng Boss ko kapag nalate ako." Natatawa kong sambit.

"Ay nako, huwag ka nang tumuloy." Natatakot n'yang pigil sa akin.

"Nanang, nagbibiro lang po ako." Natatawa kong sabi, "Mabait ang boss ko, panigurado 'yon."

"Tunay ba?"

"Opo, Nanang."

Sa huli ay nakumbinsi ko rin si Nang sa pagalis ko. Kahit pa ang totoo, ay hindi ko alam ang ugali ng mga tao sa trabahong papasokan ko. Buti na lamang at may pinagaralan ako kahit papaano, may silbi parin ako sa kompanya nila.

Isinakay ko na ang mga gamit ko sa pedicab saka ko muling nilingon si Nanang. Ang bilin n'ya sa akin ay huwag na akong magpaalam kay Tatang, baka daw kase muli itong atakihin ng hika dahil kakagaling pa lamang nito kahapon. S'ya na daw ang bahalang magsabi kapag maganda na ulit ang kalagayan nito.

"Ate!" Sigaw sa akin ng kapatid kong si Anthony.

Nakangiti ko naman s'yang nilingon.

"Ate, bilhan mo po ako ng touch screen, ha? Lagi po kase akong inaasar ng mga kaklase ko dahil wala daw akong touch screen." Bilin n'ya.

Lumapit ako sa kan'ya saka ginulo ang buhok n'ya. Labing limang taon pa lamang ang kapatid ko, ngunit masipag na sa gawaing bahay. Natuto s'ya dahil sa hirap ng buhay, imbis na maglaro ay ginugugol n'ya ang oras n'ya sa pagiigib at paglalaba ng mga damit. Kaya ganoon na lamang ang pangarap kong bigyan sila ng marangyang buhay, nang sa ganon ay hindi na sila maghirap.

"Kapag nakaipon si Ate, bibilhan kita ng laptop." Sambit ko.

"Talagaaa?" Natutuwa n'yang tanong.

"Mm, laptop tapos touch screen."

"Salamat, Ate!" Agad n'ya akong niyakap.

Sa huli, ay kinailangan ko paring lumayo sa kanila bagaman hindi ko gusto. Mangungulila ako ng sobra sa kanilang lahat, ngunit ang kagustohan kong maiparanas sa kanila ang buhay na pinapangarap namin noon pa man ay mas pipiliin kong lumayo at magsumikap.

Umiiyak na kumaway sa akin sila Nanang at Anthony nang umandar palayo ang pedicab. Palihim akong nagpunas ng luha saka huminga ng malalim. Kinakailangan kong tatagan ang loob ko, dahil sa aming pamilya ay ako lang ang maaari nilang asahan.

"Nandito na tayo, Jai." Ginising ako ni Mang Efren nang makatulog ako sa byahe.

"Gano'n po ba, teka po." Ibinaba ko ang mga gamit ko.

Nakita ko ang nagdadagsaang tao sa terminal ng bus papuntang Maynila. Isa-isa kong isinabit sa balikat at likod ko ang mga bag na dala ko saka luminga sa paligid. Napakaraming tao, hindi ko alam kung paano ako susuot sa ganito kagulong lugar. Tinatagan ko ang loob saka nilingon si Mang Efren.

"Salamat po." Pasasalamat ko.

"Magiingat ka don, Jai."

"Opo, Mang Efren."

"Oh sya, sige na. Baka maiwan ka pa ng bus."

Agad akong nag mano saka diretsong tumakbo papunta sa bus na sasakyan ko. Nang makakita ako ng bus papuntang Maynila ay ayon ang sinakyan ko.

Hindi ko alam ang buhay na naghihintay sa akin doon. Kung gaano nga ba kahirap ang mabuhay sa Maynila ay wala akong ideya. Ngayon pa lamang ako makakatapak sa lugar na iyon, at hindi ko alam kung paano makikisabay sa paguugali ng mga tao doon. Ang naririnig ko, ay magulo raw ang Maynila. Ang sabi naman ng iba ay masaya doon, dahil napupuno ng pasyalan at mga pamilihan. Hindi ko alam kung alin ang paniniwalaan, ngunit kung ano man ang kapalaran na naghihintay sa akin doon ay haharapin ko.

Kung ito ang paraan upang maiahon ko sa kaharapan ang pamilya ko ay gagawin ko. Sa kahabaan ng byahe ay hindi ko namalayang naipikit ko ang mga mata ko at tuloyang nahimbing sa pagtulog.

Nang magising ako ay wala nang laman ang bus, tanging kundoktor na lamang ang nasa harap ko. Humikab ako saka nagitla nang mapagtantong masama ang tingin nito sa akin.

"Hindi ito lilipad papuntang Canada, ineng. Bumaba ka na." Sambit nito sa akin.

"P-Pasensya na po." Napapahiya kong paumanhin saka agad na bumaba.

Nang makababa ako ay labis akong nanibago. Napakaganda ng terminal ng nga bus dito kumpara sa terminal ng probinsya namin. Ang binabaan ko ay napaka-kinis na simento, may bubong ang buong terminal at bakal ang nagkikintabang mga upoan.

"Ganito pala sa Maynila." Bulong ko sa sarili.

Ang gaganda rin ng mga gusali sa paligid. Ang katapat na gusali ay napakaraming tao, labas pasok ang mga ito rito. Napapangiti akong inisip ang saya kung sakaling magkakaroon ako ng pagkakataong mamasyal sa Maynila. Napapatango akong pinalakas ang loob habang iniisip ang kapalaran na haharapin sa ganito karangyang lungsod.

Tinapik ko ang sariling balikat saka nag-unat.

"Kaya mo 'to, Jaiannara Carvañes. Kaya mo 'to." Sambit ko sa sarili.

______

Chapter 1: coming soon...

THE MOMENT WE FALL: (Tiktok Story - 'Ninong')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon