Chapter 1

1.3K 44 13
                                    

[KLEIN'S POV]

"Look at that girl."

Agad akong lumingon sa gawi na itinuro ng mga kaibigan. Saka ko nakita ang isang babae na aligagang inaayos ang bitbit na papeles paupo sa swivel chair ng hinihinala kong pwesto n'ya. Ang buhok nito ay magulo, gusot ang suot na longsleeves polo at tila hindi man lang nakapag-ayos ng itsura. Sa madaling salita, ay ang pangit nitong tingnan.

Ang office na ito kase ay nahahati sa dalawa bagaman walang division sa pagitan. Ang kaliwa ay para sa mga babae samantalang ang kanan ay para sa mga lalaki. Walang harang ang kan'ya-kan'ya naming lamesa, tanging ang mataas na transparent glass ang nagsisilbing harang sa amin.

Nagtawanan ang mga kasamahan ko, kasabay ang panlalait nila sa postura ng babae. Natawa nalang rin ako, totoo naman talagang ang pangit ng itsura nito. Sa isip ko ay kinukwestyon ko na kung nakaligo ba ito bago pumasok sa trabaho. Napapailing nalang akong napasinghal saka tiningnan ang mga kaibigan ko.

"Tinanggap 'yan dito ng kuya mo, Klein?" Tanong ni Maynard sa akin.

"Siguro, nandito 'yan eh." Nagkibit balikat ako.

"Ano namang alam n'yan sa architecture?" Natawa rin si Pablo.

"I guess she's hired as your brother's secretary." Dumaan sa harap ko si Terrence, "Walang architect na gan'yan ang postura."

"I know." Sagot ko saka sumandal sa estante ko at humarap sa gawi ng babae na 'yon, "What's her name?"

"We all have no idea, pre. Ngayon ko lang nakita 'yan." Tugon ni Maynard.

"Me too." Tugon rin ni Pablo.

"So as me." Si Terrence.

"Interesado ka don, pre?" Tanong ni Pablo, inambaan ng hampas.

Tatawa-tawa s'yang umiwas.

"Of course I'm not." Depensa ko, "She just look so... Unpleasant." Marahan kong sambit nang makita ulit namin itong aligaga habang papalabas ng main office.

"Akala mo ay hinahabol ng kabayo." Natatawang sambit ni Terrence.

"Kung ako pa ang pinahawak ni Dad nitong kompanya, I will surely not gonna hire her." Wika ko sama naupo.

"Ang kaso ay sa Kuya mo pinagkatiwala ni Tito." Nangaasar na sambit ni Pablo.

"Dahil masyado pa akong bata." Depensa ko.

"Dahil hindi daw pwedeng maging CEO kapag babaero." Pagtatama pa kuno ni Maynard sa sinabi ko.

"Ulol." Singhal ko sa kanila, "Ang importante ay hindi nakakabuntis." Natawa ako.

"Lakas mo." Tumatawang sambit ni Pablo, "Magulat ka bigla kang ipatawag kase nasa labas na lahat ng binuntis mo."

"Sira ulo." Ibinato ko sa kan'ya ang nilukot kong papel.

"Gumaya ka dito kay Terrence, loyal sa asawa." Turo ni Pablo kay Terrence.

Agad naman s'yang hinampas nito ng nakarolyong blue print.

"Nagsusustento lang ako pero wala akong asawa." Angal n'ya.

"Palibhasa kase, ang kakati ninyo." Wika ni Maynard habang muling sinisimulan ang trabaho, "Ako ang gayahin ninyo, chill lang sa buhay."

Nagtawanan nalang kaming lahat. Kung may gagayahin man sa aming apat, ay paniguradong wala. Lahat kami ay hindi matino, walang ibang bisyo maliban sa night clubs at mga babae. Simula high school ay gawain na naming apat iyon, dahil sa ganoong bisyo ay nakabuntis si Terrence.

THE MOMENT WE FALL: (Tiktok Story - 'Ninong')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon