Chapter 09 (Family)

20 3 0
                                    

---

"A-ANONG GINAGAWA MO DITO?" malakas na sigaw ko.

T__T

Bakit pa siya bumalik? Masaya na kami.

"A-anak huminahon ka muna" sabi ng magaling kong Ama.

"Wag mo akong tawaging anak. Matagal na akong walang Ama. Simula nung iwan mo kami. Dahil lang dyan sa babae mo. Tapos ano! Ano... Babalik ka dito? Guguluhin mo kami? ANO?!" Nagagalit na sabi ko.

"A..anak. Huminahon ka" sabi ni Mama.

"Ma, paano ako hihinahon nandito yung sumira ng pamilya natin?" Naiiyak na ako.

"A-anak mag papaliwanag ako"

"Mag papaliwanag?! Hindi ko kailangan yan. Wala akong pakeelam sayo. Kaya umalis kana dito. Wala kang kwentang Ama"

Nagulat naman ako ng sampalin ako ni Mama.

Ouch. Ngayon niya lang ako nag buhatan ng kamay.

T___T

"A-anak s-sorry hindi so sinasadya" sabi ni Mama. Hihimasin niya na sana yung kanang pisngi ko pero tumakbo na agad ako sa kwarto ko.

Pag pasok ko nang kwarto humiga agad ako sa kama ko.

Hindi ko na napigilang umiyak. Bakit ginawa ni Mama yun?

Hindi ako maka paniwala.

Naramdaman ko naman na may umupo sa kama ko

Shit! Hindi ko pala nasara yung pinto.

"Anak pabayaan mo munang magpaliwanag ang Papa mo" makaawa ni Mama.

Hindi padin ako humaharap sa kanila.

"Anak, mali ka nang akala" naguluhan ako sa sinabi ni Papa?

Bumangon ako para tanungin siya

"Anong Mali?"

"Anak Hindi ako nang babae kahit kailan kayo lang ng mama mo ang mahalaga sa buhay ko. Oo, alam kong mali ako. Pero anak, maniwala ka hindi ako nambabae nag trabaho ako para sa inyo. Kaya ko ginawa na iwan kayo para pag dating ko may ipapa mukha na ako sayo. Anak ginawa ko lahat para yumaman para mabigayan ka nang magandang kinabukasan" naluluha na sabi ni Papa.

"Pero bakit ang tagal mong bumalik?" Naiiyak na sabi ko.

Nagkatinginan muna sila ni Mama bago sumagot.

"Naaksidente ako 3 years ago. Ilang buwan ako sa hospital. Kaya hindi ko maasikaso yung company ko kaya hindi agad ako nakabalik"

"Teka! Anong company?" naguguluhang tanong ko.

"Diba anak sabi ko pag balik ko mayaman na tayo ,eto na. Nakapag tayo na ako ng sariling nating company"

Wowww..

"Natin?" Ako.

"Oo natin. Sayo ko pina ngalan yung name ng companya. Tsaka sana anak! May hingi lang akong favor sayo?"

"Ano po?"

"Pwede ba kitang yakapin"

Napa ngiti naman ako. Akala ko talaga nambabae siya eh.

"Oo naman po"

Yumakap naman eto sa akin ng mahigpit ganun din ako.

"Ehemm" si Mama.

"Hahaha. Tara dito Mama" sabi ko at niyakap ko silang tatlo.

Ang saya. Akala ko talaga Hindi na mabubuo pamilya namin eh.

Pero ngayon. Ang saya ko!

***

"Love or Hate?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon