---On the way na kami nila Mama at Papa sa Schaller U.
May aasikasuhin lang daw sila Papa dun eh.
~
Pagbaba ko nang kotse. Tinginan naman yung mga ka school mate ko.
Eh. Kasi naman pinasuot ako ni Mama nang fitt na damit. Tapos inayusan pa ako. Curly padin yung buhok ko. Tsaka naka shade pa ako. Yung hindi pang nerdy ah.
Naka high heels din ako. Hindi naman masyadong mataas. Okay lang para makalad ako nang maayos.
"Bye Ma Pa" sabi ko tsaka naglakad papuntang gate.
Pagpasok ko hinarang ako ni ateng guard. Remember? Yung nuon unang pasok ko siya ang naka usap ko. Yung nilait pa ako.
"Miss. Bago ka lang ba dito?"
"No" sabi ko.
Hindi ko nalang siya pinansin kasi late na ako.
Habang naglalakad ako. Hindi parin nawawala yung mga titig nila sa akin yung parin 'bago ba to'
Pagpasok ko nang room. Buti wala pa si Ma'am.
Pero nasa akin ang tingin nila.
"Who are you?" Sabi ni Aira.
Seryoso hindi nila ako kilala?
Tsk. Ang layo nga nang pinagbago nang itchura ko.
Tinanggal ko yung shade ko.
Napanganga naman sila sa gulat.
"SANDARA?"
"Oo ako nga. Hello. Sorry nalate lang ako. Hehe. Buti wala pa si Maam" sabi ko.
Naupo na ako sa upuan ko. Ganun parin sila gulat.
Pati si Kylie.
"Hey. Ikaw ba talaga si Dara?" gulat na sabi ni Kylie.
"Hehe. Oo. Hindi ba bagay yung ayos. Tsk. Sabi ko kay Mama wag nalang akong pasuotin ng ganito eh" sabi ko.
"Ano kaba? Ang ganda mo. Sobra! Hindi kita nakilala" Kylie.
"Salamat"
Nilibot ko yung room namin. At saktong napatingin ako kay Nathan na nakatingin sa akin.
Nagkatitigan kami ng 15 sec.
Buti nalang nandyan na si Ma'am.
Inalis ko na yung tingin sa kanya at umupo ng maayos.
"Where's Miss. Mendoza?" tanong ni Maam.
Tinignan naman ako ni Maam na nagtataka.