I'm used of having body guards and personal maid around, since I reached seven years old I think. At first, it was okay with me, I'm good with it. I don't think it's a bad thing. But growing up and being mocked by my classmates for being so "maarte", they say, I developed a kind of pain and loneliness I think no one would understand.
Hindi ko kasalanan na ganito ako, na mayaman kami at sobrang protective ng pamilya ko sa'kin. Gusto ko rin maging normal lang, ordinaryo, tulad ng mga kaklase ko. Pero ayaw akong lubayan ng body guards na inatasan ni mama. Para nga akong bata na palaging may nakabuntot na yaya.
I wished to grow up fast so I could hang out with my friends without being guarded. Kasi nga minor at bata pa. But the thing is, I have no friends. Not at all. I feel so sheltered that it's frustrating me sometimes.
"Your big brother is in the same school, perhaps I'll lessen your body guards since he's there to look after you."
When I heard what mom said, my heart pounded in joy. Agad ko siyang tinignan habang nakangiti, natigil ako sa pagkain dahil sa narinig. Ilang linggo ko na 'tong hinihingi sa kaniya, hindi ko akalaing pagbibigyan niya ako. Para akong pinagpala sa saya dahil sa wakas, magagawa ko ng gawin ang ginagawa ng mga kaklase ko nang hindi binabantayan.
"Talaga po? Babawasan niyo sila?" Masigla at gulat kong tanong.
Ngumiti si mommy at tumango, kumindat si daddy sa'kin, halatang sinasabi na nakumbinsi niya si mommy. Biglang lumakas ang gana ko sa pagkain dahil sa balita. Gusto ko na talagang mabawasan ang bantay sa'kin. Imagine having four body guards and one assistant, you'll feel like you're being babysit.
"Ako na ang bahala kay Hinata sa skwelahan, kahit hindi na sumama ang assistant niya, mom," si kuya.
Magkatabi kami kaya agad ko siyang nilingon at nginitian. Ngumuso ako nang hindi man lang siya ngumiti sa'kin at nagtaas lang ng kilay.
Vince Carter Sariego, my only brother. Siya lang ang tanging ka-close ko sa pamilya, maliban sa palaging busy sina mommy ay hindi ako nakikigala kasama ang mga pinsan namin. Mula pagkabata ay palagi niya akong kinakampihan kaya malapit kami. Unlike the other siblings out there, he's sweet. Probably the sweetest. However, I sometimes envy his freedom.
"Thanks, kuya."
"Yeah."
I said he's sweet, but sometimes he's pretending he's not. Ngumisi ako at pinagpatuloy ang pagkain. Matapos ay umakyat ako sa kwarto at tinignan ulit ang gamit sa skwelahan. Magsisimula na ang klase bukas pero nang isang buwan pa ako handang-handa. Kung ang iba ayaw muna magpasukan, ako gustong-gusto ko na. Kapag may klase lang kasi ako nakakalabas ng madalas.
Nang walang klase, bahay, mall at resort lang ako. Hindi na rin ako nag-e-enjoy kasi paulit-ulit lang naman. Ni-hindi ako nakakasama sa outing ng kaklase ko. Kahit sa field trip dati.
"Hinata, nandiyan ka ba?"
Narinig ko ang malalim na boses ni kuya bago ang ilang katok. Mabilis akong tumayo at pinagbuksan siya.
"Bakit?" Sumilip lang ako.
"It's time for your exercise and medicine, come out."
As much as I want to frown, I forced a smile at him. Medicine again. Exercise again. I'm so tired of those things.
"Give me a second, I'll change into my outfit."
"Alright, I'll wait for you downstairs."
Tumango siya kaya sinara ko ang pinto, sumandal ako sa likuran ng pinto at sumimangot sa kawalan. Tinatamad akong gumalaw ngayon pero wala akong magagawa, kailangan ko talagang mag-ehersisyo. Tinatamad akong nagbihis at bumaba sa pool. Nadatnan kong nakatayo si kuya sa harapan ng thread mill, naka itim na gym shorts at muscle shirt saka sapatos. While doing stretching.
BINABASA MO ANG
Engraved In His Parameter (Specialization Series 10)
Fiksi RemajaSaka na, na-mental block ako, e.