BillySmile13 (March 17, 2015)

232 14 19
                                    

Date: March 16 2015 2:03am

Penname: billysmile13

1.      Introduce/describe yourself…

-          Isang lalakeng tamad na wattpad na lamang ang sinasalong buhay. Haha!!!

-          Amateur Writer, Trying hard English speaker (kaya ko to!!), Graphic Artist (masasabi ko na! Haha practice pa), and more possibly title that can surely fit within my katauhan. Emotional.

2.      When did you start writing?

-          Exactly October 4, 2012 nung una akong maregister sa wattpad. Then kinabukasan I posted my first synopsis and prologue hehe.

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          Sobra!!!! literal na tinranslate ko pa ang sinabi ko into ingles haha. Ang inspirasyon ng aking username ay isang englishera din. Si Avril Lavigne yung Smile song niya ay naging iconic siya sa personality ko na hindi naman ako crazy b**** (part ng lyrics yan haha) pero dahil sa mb niya na once a broken heart has been remove, smile! Haha (broken pa naman ako sa panahon na yun haha) so SMILE. Ang billy naman is name ko. Ayoko ng bill kasi ang seryoso haha. Ang 13 is that age ko naramdaman ang firsts, heartbreak, love at first sight, ay basta! So namulat ako sa madness ng reality sa numerong iyan haha (makwento din pala ako haha)

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Sumuka ako! Haha. Naoverwhelm sa sobrang kasiyahan dahil too big siya for me na di ako makapaniwala na pwede siyang mangyari sakin! At that time, independence day yun d2 sa US so it is definitely indepedent na magkakaron na talaga ng freedom ang story ko na hindi lang siya sa sakin maiistuck, kundi sa publiko na din na makikita na ng sambayanan haha. But ayun, in health cause, I acted like I had a bulimia or something dahil sinuka ko ang lahat ng kinain ko nun dahil sa sobrang excitement with matching talon at dabog with hapiness haha. Midnight yun at that time so wala akong pakelam kung nambulabog man ako ng kapitbahay nun haha

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          Si SGWANNAB talaga ang bumugaw sakin sa totoo lang haha. I mean ang girl and i kasi ang unang story na nabasa ko sa wattpad na sinulat niya. My step sister introduced me that story then it clicked into my soul! Kaya nung nasa gitna ako ng kalungkutan ko noon sa pagiging alone ko sa new school ko, ginawa ko yon bilang inspirasyon para makapagsulat ng sarili kong imahinasyon haha. Iba ang feeling nung ginawa mo yung pinakauna mong character, at pinakauna niyang traits na related sa pagkatao mo.

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-          Kailangan hindi ako antok! So dapat matutulog muna ko. After non, gawin na ang temptations na maaaring makaputol sa routine mo sa pagsusulat para sa writing session ay tuloy tuloy na. Mas nakakapagfocus ako kapag gutom (oo weirdo ako haha) or konting snacks lang dahil pag nangingibabaw na ang pagiging emosyonal sa pagsusulat ay nakakalimutan na ang gutom. Getting busy can full your tummy. Ang sobrang pagkain ng marami ay nakakaantok kaya tatamarin na ko haha.

-          Kailangan may music din ako. Depende sa mood ng iaupdate ko.

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          Ito lang yan e. Readers gonna read. Haters gonna hate. Bashers gonna bash. Edi magiging editor gonna edit ako para matahimik sila. Pero may once na nagsabi na ang panget ng story ko under epilogue ko, ay nagpasalamat lang ako sa kanya. At least binasa niya at tinry niya. To see is to believe lang kung nasa gitna kana ng pangyayaring mabibigay kana ng opinyon mo.

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          Graphic Designer, and currently pursuing it! Mas hasa talaga ako with art (kahit na nalubayan ako sa hilig ko sa drawing skills ko dati, ay go pa din). Gusto ko rin maging kpop star haha! Dahil lang sa looks dahil ang galing nilang magmaintain ng white skin tsaka ng slim body! Haha kakainis.

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Yung ano!!!!!! Artificial Intelligence! Hindi siya book. Movie siya, pero kasi natuwa ako sa storyline at sa pagkascific niya. Napakaemotional pa so kudos to the writer of that, kung sino ka man!

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

- As for now, dahil in sa bandwagon si Bob Ong, ay siya na din! Di nakakasawa ang genre niya, i mean ang realistic kasi. Para bang masasabi mong may touch of experience yung mga book niya. Lalo na yung abnkkbsnplako. Sobrang natuwa ako sa story dahil relatable siya bilang ako, isang studyante na hinaharap ang eskwelahan.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

- Wag ah? Haha. Sa life itself. Yun bang realization madalas. Tapos naaapply ko siya sa story ko. Lalo ba ang paggrow mo as a writer, dun din ang inspirasyon. Yung trials and happiness. Minors would be on movies, musics, sitcoms.

 

12.  Titles of your published and to be published book…

-          That Elementary Jerk! (Soon to be published)

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          Wow! Nakakahiya sobra sa inyo. Nahiya na nga ang wattpad na pinapapasok pa rin kayo kahit buntis o may anak na kayong pumasok dito. Haha pero wattpad is for fiction purpose only. It ain't a club or motel kung san kayo nagladlad ng rason sa pagbuntis niyo non.

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          All in fantasy! Scific fantasy ayan. The thing is, bilib ako sa mga taong fantasy writer dahil ang hirap kaya ng mga scientific word through impossible things. At isa pa, parang may limit talaga ako sa mga words kaya ang hirap para sakin ng fantasy. I tried it once kaso palya!

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Clichè quotable sentence to our aspiring writers "Magsulat lang ng magsulat" o sa ingles, "write write write to the fullest". Wag nating gawing quotes lang yan. Iapply natin yan sa sarili natin. Writer tayo at hindi nasusukat sa skills ang pagiging magaling na manunulat. Ang pagtitiwala sa sarili na nakakapagsulat ka ang mas nangingibabaw. Puso lang. Plus hindi rason ang walang oras sa pagsusulat dahil ang pagsusulat ng isang storya ay makapaghihintay. Siya ang humihintay sayo kaya may oras ka at hihintayin ka niya pang habang buhay. Spill most of your words and start telling some stories through paper and pen. O sa makabagong teknolohiya, type! 

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon