Ejhay's POV
"Hello.." I answered a phone call in my laziest tone. Yes. Laziest. Today is Sunday and it's supposed to be a rest day. "Ejhay are you ready na?" I heard Vanna's voice then I looked at my clock. Shit! It's Nine am! Saka lang nag sink in sa utak ko kung anong meron ngayong araw.
Ngayon nga pala ang balik ni Gem from Paris. Its been years. Ilan taon din siyang nawala at walang communication sa isa't isa. Hinayaan ko muna na ganoon yung set up namin. Binigay ko yung space na hiningi niya noon para makapag isip siya. Maganda na din yung naging desisyon niya, atleast nagkaroon kami ng time para ayusin ang mga sarili namin. Ayusin yung mga di magandang nangyari. Lalo na yung nangyari sa amin ni Kurt.
He's my best friend so dapat lang siguro na magkaayos kami. Natanggap na din naman niya yung naging desisyon ni Gem. Hindi na siya umaasa na magiging sila ulit, pero ako? Umaasa ako na isang araw babalik siya sa akin at magsisimula kami ng bagong love story. Yung happy lang, walang ending.
"What the?? Tsk!" Bulong ko sa sarili ko habang nagmamadali na naghahalungkat ng mga damit sa cabinet. "Hey! Don't tell me na nakalimutan mo?" Napakamot ako sa batok. "Eh kung ganyan pala na kinalimutan mo, eh di kami nalang ang sasalubong kay Gem."
"Sorry na talaga. Okay sige mauna na lang kayo!" Medyo tumaas yung boses ko. Nakakainis naman kasi, bakit ba nawala sa isip ko yung pagdating niya ngayon. Inihagis ko yung phone ko sa kama tsaka nagmamadaling pumasok ng bathroom.
=====
Vanna's POV
"Wow ah! Ikaw pa masungit diyan? Hanggang ngayon di ka pa din nagbabago! Mabasted ka sana!" Mukha akong tanga na nagsisigaw sa phone kahit na alam ko naman na hindi na niya yun maririnig. "Oh! Puso mo Vanna.. Chill lang! Ano ba sabi niya?" Natatawang tanong ni Nelson. Umayos muna ako ng pagkakaupo bago nagsalita. "Kagigising lang.." Mahinahon ko namang sagot sa kanya.
Naiiling habang natatawa si Nelson at Kurt sa sinabi ko alam kasi nila na sakit na talaga ni Ejhay ang hindi pag gising ng maaga. "Eh di mauuna na tayo sa airport?" Tanong ni Angel na nasa driver's seat. "Malamang. Mauna na lang talaga tayo." Si Marco ang sumagot, siya ang may hawak ng manibela. Hindi ko na nasabi kay Ejhay na nasa labas lang kami ng bahay niya dahil pinatay niya agad yung phone niya.
Nilingon ko si Kurt na nakaupo sa bandang likuran ko at napansin ko yung maaliwalas niyang mukha. Kumpara noon, alam kong naka moved on na nga siya sa nangyari sa kanila ni Gem. At alam ko din na handa na niya harapin ngayon si Gem.
Kung ako naman kakamustahin niyo, well okay na din naman ako. Kinalimutan ko na yung mga kalokohang ginawa ko noon, pati na din yung kay Ejhay. Tanggap ko na din na magkaibigan lang talaga dapat kami at hanggang doon nalang yun. At sa lahat naman ng nangyari noon, meron naman din na magandang nangyari. At ano nga yun? Ayun, si Angel at Marco na pala. Di namin inakala noon na magiging sila.
Eh paano naman kasi, ang babaero kaya ni Marco. Mabuti nalang talaga at tanggap ni Angel lahat ng naging nakaraan ni Marco, ang sabi pa niya mas importante ang ngayon. Iba din magmahal ang babaeng yun, nalaman namin na matagal na din pala siyang may pagnanasa este pagtingin kay Marco pero hindi niya lang sinasabi sa amin. Hindi namin akalain na dahil sa unli rice, magkakalabasan na sila ng totoong nararamdaman nila sa isa't isa. Nakakatuwa no?
Biglang natigil ang pag t-throwback ko nang maramdaman kong pumulupot yung mga kamay ni Nelson sa braso ko. So heto nga yung lalaking mahilig yumakap sa mga braso ko. Isa pa sa mga pinanghihinayangan kong nangyari ay yung kay Rhea at Nelson. Naalala ko pa nga kung paano nag sakripisyo si Rhea nung maaksidente sila ni Nelson sa Korea. If i were in Rhea's shoes, baka hindi ko kinaya yung nangyari.
Yun bang nagka amnesia yung boyfriend mo tapos naaalala niya lahat pero ikaw at yung memories niyo hindi niya maalala. That was just the sad part, the saddest is when he already remembered you but you already moved on. Yung iba na yung laman ng puso mo. Alam ko naman na masakit naman yun sa part ni Nelson, nakita ko din kung paano siya nalugmok. Nakita ko sa kanya si Kurt at Ejhay.
Nakakatawang isipin na nagulo yung buhay ng tatlo kong kaibigan dahil lang sa dalawang babae.
======
Rhea's Pov
Agad kong pinahid ang mga luha ko nang maramdaman ko ang pagtulo nito sa pisngi ko at pinilit na ngumiti habang hinahalo ko ang tinimpla kong kape. Hindi ko naiwasan na maalala si Nelson, this was his favorite. When I was her girl.
I gasped when I felt Alden's small kisses on my nape. "What took you so long honey?" Iniharap niya ako sa kanya saka mabilis na dinampian ng halik ang mga labi ko. "Iinumin mo ba yung coffee or papapakin mo ako?" Biro ko sa kanya. Napahalakhak siya sa sinabi ko na iyon. His laugh were just one of the few things that I love about him. Madadala ka kasi kapag tumatawa siya, yun bang pati ikaw nahahawa ng nararamdaman niya.
"Iinumin ko yung coffee tapos ay papapakin kita." He answered using his bedroom voice. "Enough with that! Let's go!" Niyaya ko na siya sa sala. "Its snowy outside." Narinig kong sabi niya kaya naman bahagya kong hinawi ang kurtina para makita ang labas .
Nasa Tokyo kami ngayon dahil sa Japan Tour ng banda nila Alden. Naalala ko nanaman si Nelson. Tsk! Erase that! Okay naman na siguro siya ngayon.
"Hey, what's bothering you? Kanina ka pa mukhang may iniisip ah?" Narinig kong tanong niya. "Ahh.. wala, naalala ko lang si Gem." Dahilan ko. "Here." Agad niyang inabot yung phone ko. "She's calling." At sakto naman ang pagtawag ni Gem kaya naman excited kong sinagot yun.
"Hello bessy! Flight ko na!" Agad na bungad niya sakin.
"Have a safe flight bessy, sorry I can't be there.." May panghihinayang sa tono ng boses ko.
"Thank you pero nagtatampo ako sayo hmp!" Napangiti ako nang ma i magined na naka pout lips siya ngayon.
"Goodluck bessy! Ayiee.. Magkikita na sila ulit!" Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang line.
"Tse! Ayie ka diyan!"
"Why? So tell me now bessy, is it Ejhay or Kurt?"
"Bessy naman eh! Sino pa nga ba?"
"Eh? Sino nga? Si Mr. Nerdy guy or si Mr. Famous?"
"You will know soon bessy.." Maiksi niyang sagot.

BINABASA MO ANG
Flavor Of Love (Miss Famous Book 2)
قصص عامةKaibigan at pagkaka-ibigan. A story written by: Marissa Aniban All Rights Reserved©2015 (Ongoing Series)