Aden's POV"I don't get it" pagtatakang sagot ko kay kuya.
"That's the reason why I kicked him out sa grupo. At kung bakit galit na galit ako sa kanya" sabi naman nya.
"And? Bakit ka galit? As if he did something to me para paalisin mo sya sa grupo nyo? Like dahil lang sa 'brocode' shit? Seryoso ka ba?" I answered him.
"Ayokong mapunta ka sa kanya Aden. Hindi ako papayag. Ayokong mapunta ka sa ganong tao" kuya said.
"Bakit? Ano ba si Calix? Anong klaseng tao sya? Kagaya mo rin naman sya ah? Pareho lang kayo. Oh so I guess takot ka sa sarili mong multo!? Tama ba ako?"
He punched me at muntik nang matumba dahil hindi ko inakalang sasapakin nya ako.
"Okay na? Gumaan na ba pakiramdam mo?" Sabi ko sa kanya at hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Never akong sinaktan ng kuya ko kaya hindi lang pisikal na sakit ang nararamdaman ko ngayon, masakit din sa damdamin.
Halatang nagulat din si kuya. Magsasalita pa sana sya pero agad akong umalis at tumakbo palabas ng bahay.
Laking gulat ko ng pagkalabas ko ay nandon si Calix. Naka-sandal sya sa motor nya habang hawak ang helmet nya. Nanlaki ang mata nya nang makita nya ako.
"S-sorry, I was passing by but–"
"Shut up. Let's go!" Hindi ko sya pinatapos sa pagsasalita at agad kong kinuha ang spare helmet.
"Saan tayo pupunta?" Tanong nya habang ini-start ang motor.
"Kahit saan. Please, ilayo mo ako sa realidad" sagot ko.
At pinaandar na nya ang motor. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng byahe namin ni Calix, pero ang alam ko lang ay hindi nya ako pababayaan.
--
"We're here" sabi ni Calix pagkababa namin ng motor nya.
Ang ganda. Overlooking ng city.
"Ang ganda dito. Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Antipolo lang naman 'to. Pasensya na dito lang kita nadala" sabi naman nya.
"I never been in Antipolo. So it's great! Pero bakit parang walang mga tao?" Pagtataka ko.
"Pinakataas and pinakasulok na ng Antipolo 'to. Usually mga motor lang ang umaakyat. Pero sa spot na 'to, ako lang nakakaalam neto." Paliwanag nya sa akin.
"I see. Ilang babae or lalake na kaya nadala mo dito?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko lang naman syang asarin.
"Believe it or not, wala. This is my safe space, my comfort zone. Dito ako pumupunta kapag stressed out na ako sa mga bagay. And hindi ako nagdadala ng kahit na sino kahit yung gang hindi ko pa nadadala dito. Coz I want to sustain the sentimental value of this spot." Paliwanag nya habang nakatingin sya sa overlooking ng city. I can feel the sincerity sa mga mata nya.
"Then why did you bring me here?" I asked.
He looked at me. Then hugged me.
"Because this spot is my comfort zone, but you Aden, is my home"
I became emotional sa mga sinabi ni Calix.
"And I am sorry for all the pain na binigay ko sa'yo but please believe me na totoo na yung nararamdaman ko. Mahal kita hindi dahil sa anong pustahan, mahal kita dahil yun yung sinasabi ng utak ko at nararamdaman ng puso ko. I've waited forever just to be yours and you to be mine" sabi na while crying.
At syempre umiiyak din ako dahil sa mga sinabi nya.
"I know na masyadong mahaba ang 7 years, Calix" sabi ko.
Napakunot ang noo nya.
"Sinabi na sa'kin ni kuya. Lahat ng dahilan kung bakit wala ka na sa gang nila. Is it true? You love me since high school ka?"
Nakita kong nabigla sya sa mga sinabi ko. Hindi sya nakasagot at tumango lang sya bilang pag-oo.
"Hahah siraulo ka Elementary pa lang ako 'non. Ayos ka lang?" Tawang tawa kong sabi sa kanya.
"Eh bakit ba? Childhood crush kita eh" sabi nya. Natameme ako sa sinabi nya.
"Ohh bakit namumula ka? Kinilig ka 'no?" Pang-aasar nya sa akin.
"Ggo. Ewan ko sa'yo" sabi ko sa kanya at tsaka umupo para pagmasdan ang overlooking.
"Thank you, Calix"
"For what?"
"Sa paghihintay."
"You are worth the wait, Aden"
I really had a roller coaster of feelings today. Pero mas nangingibabaw yung saya. Kase kasama ko si Calix. Parang lahat ng sama ng loob is nawala nung nakita ko sya.
"Aden, may gusto sana akong sabihin sa'yo"
"Yes? Ano 'yon?" Sagot ko.
Naghubad sya damit. Nagulat ako sa ginawa nya pero hindi ko pinahalata.
"C-calix? Anong ginagawa mo, baka lamigin ka nyan" sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingen.
"Bakit iniiwas mo pa tingen mo? Nakita mo naman na bawat parte ng katawan ko. Nakain mo pa nga yung iba" sabi na.
"Tangna mo! Bastos!" Sabi ko sabay tawa. Napakamanyak talaga ng lalaking 'to.
"Pero seryoso. Look." Sabi nya. Sinunod ko naman sya at tiningnan kung ano bang meron.
He's showing me his scar. That scar sa likod nya.
"I remember, nung nasa team building tayo, I know nakita mo 'to. Hindi ka ba nagtataka kung saan ko nakuha 'to?" Sabi nya.
"Ay oo! Nakita ko nga yan. Pero bakit ko naman aalamin kase kung ano nangyari dyan eh naiinis nga ako sa'yo that time. Kaya pinabayaan ko na lang. bakit? Ano bang nangyari dyan?"
"Nakuha ko 'to nung high school ako." Sabi nya.
"I knew it, si kuya rin maraming peklat. Ano ba kaseng nakukuha nyo sa pakikipag basag-ulo? Wala naman kayong nakukuha bukod sa scars and sugat tapos sakit ng katawan. Hays" sabi ko naman.
"No. Ibahin mo yung scar na 'to. Hindi 'to basta nasugatan dahil sa pakikipag-away." Sabi naman nya.
"Paanong naiba? Eh kung nakuha mo yan sa pakikipagbugbugan mo, ganon na rin 'yon." Sabi ko.
"I was stabbed" sabi nya.
"What? Omg" nagulat ako sa sinabi nya.
"Paano? Kailan??" Dagdag ko.
"Again, it happened nung high school ako. The time na na-kidnapped ka" sagot nya.
And at this moment. I can't feel a thing. Nakatitig lang ako sa kanya. No way. Sabihin nyong nananaginip lang ako.
"We rescued you, ikaw dapat yung masasaksak but–" hindi nya tinuloy ang sinasabi nya.
"But... you saved me instead, Calix" I said while tears keep falling in my eyes.
"I'll always protect you at all cost, Aden" dagdag nya.
"All this time, ikaw 'yon? Ang tagal kong naghintay kung babalik ka pa, pero ngayon nandito ka na sa harap ko" sabi ko naman.
"Superman" sabi ko sabay halik sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Best of Both Worlds
RomanceThis story will show us how Aden, a fine arts college student handles the different world of his brother and his lover while dealing with his own world.