Chapter 37

55 6 0
                                    

Isang oras pa ang ibinyahe namin bago makarating sa mansyon nina Dale. Agad na sumalubong sa amin ang mommy ni Dale. Isa isa silang binati, ang huli ay ako at si Zeleina.

"Iha! Louise, I'm so glad you're here. Where's my apo?" She politely asked. Sa dami ng nangyari ay hindi ko inaasahan na ganito niya ako sasalubungin. Kaya naman hinila ko ng dahan-dahan si Zeleina na nasa likod ko para makita ng lola niya.

Tita is so emotional. Kita ko ang pangingilid ng luha niya, ganun din si tito. Sinalubong siya ng yakap ng lola at lolo niya. Maging ako ay naluluha sa senaryong nasasaksihan ko ngayon. Pakiramdam ko ay napakalaki ng kasalanan ko nang itago ko sa kanila ang tungkol kay Zeleina.

"You look exactly like your father. You look so beautiful and charming. How I wish I met you sooner," ramdam ko ang pangungulila sa boses niya.

Pinahid ko ang luhang tumakas sa mga mata ko. If only I could turn back time.

"Mom, mapipirait na yung anak ko sa higpit ng yakap mo," reklamo ni Dale so tita slowly move Zeleina.

"Now that I have a granddaughter, when is the wedding?" She suddenly asked.

"Mom bakit ang atat nyong lahat na magpakasal kami ni Louise? Hindi ba pwedeng maghinay-hinay muna?" Dale answered.

"Ngayon pa kayo maghihinay-hinay kung kailan may anak na kayo. Wala ka pa naman sigurong nobyo Louise, 'di ba?"baling ni tita sa akin.

"Wala po tita," sunud-sunod na pag-iling ang ginawa ko.

"Wala ka din namang nobya Dale. Ano pa ang hinihintay nyo? Bakit ginagawa niyo pang komplikado ang mga simpleng bagay?" Well may point naman si tita kaso ano namang gagawin ko kung ayaw pa ni Dale. Ayoko namang magmukhang desperada.

"Kailan ba balak pumunta ng mga magulang mo dito Louise o kaya sa US na natin sila puntahan para sa pamamanhikan." Dagdag pa ni tito. Hay nakakaloka.

"I am not sure po if mommy and daddy will be going here."nahihiyang pahayag ko bago tumingin kay Dale.

Nilapitan ako ni Dale, "mom, we'll get there soon, but not now. I promise you darating ang araw na yan. Tara na sa loob kasi gutom na po talaga ako," ani Dale na may paghawak pa sa tyan bago ako inakay papasok.

"You like that idea huh?"  Nagtatakang napalingon ako sa kaniya?

"What's wrong with you?" Naiinis na tanong ko pinipigilan na tumaas ang boses.

"Nothing honey. I just love..... .teasing you," pambibitin niya at talagang asar na asar na ako sa kanya.

"Talaga ba Dale? Umayos ka kasi konting konti na lang ang natitirang pasensya ko. You won't like it when I'm mad," nanggigigil na saad ko sa kaniya.

"Oh honey, I'm so scared," ngayon ko lang nalaman na may ganitong talent pala siya. Napakagaling. Ang galing mambwisit.  Napairap na lang ako sa kanya. Humanda ka sa 'kin mamaya. Tingnan natin.

NAGSIMULA kaming kumain. Mabuti na lang at malawak ang kusina nina tita dahil sa sobrang dami namin.

"Will you all spend the night here?" Tanong ni tita habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon