Laxxus POV
KINABUKASAN, galit na galit sa akin si Aling Berna na sumugod sa aking tinutuluyan nang malaman ang aking trabaho. Pinasundan pala ako nito kagabi kaya ganoon na lamang ang kaniyang reaksyon nang makita akong umuwi pasado alas sais ng umaga. Ang aga-aga at masakit ang ulo ko dahil sa nainom ko kagabi at ito ang bubungad pa sa akin.
"Hindi ba ang sabi ko, magbagong buhay ka, Laxxus?" naluluhang paalala niya sa akin. "Hijo naman! Sinabi ko sa iyo na magbagong buhay ka hindi ang maging prostityut sa Club na pinapasukan mo!" galit na singhal niya sa akin.
Napahilot ako sa aking sentido. "Huwag ngayon, Aling Berna. Masakit ang ulo ko kaya bukas na lang tayo mag-usap." mahinahon kong sambit.
"Ayokong ganiyan ang buhay mo, Laxxus! Oo at hindi mo ako tunay na Ina pero nagmamalasakit ako sa iyo!" sigaw niya.
Dahil sa wala pa akong maayos na tulog at masakit ang aking ulo. Masama ko siyang tiningnan. "Huwag niyong pakialaman ang buhay ko! Hindi ko kayo magulang para pagsabihan ako!" malamig kong usal sa kaniya.
Nabigla siya. Lumapit sa amin si Carlo na may bahid ng galit sa kaniyang mukha. Hindi ko siya pinansin bagkus sinamaan ko lang siya nang tingin.
"Huwag kang bastos, Laxxus. Maayos ang ipinakita sa iyo ni Nanay Berna kaya huwag itrato mo siya nang maayos!" sigaw nito.
Kumunot ang aking noo. Dahil sa matinding inis at galit, nahila ko ang kaniyang kwelyo at sinuntok ang kaniyang mukha. "Sino ka para pagsabihan ako ng ganiyan? Kaibigan lang kita pero wala kang karapatan para pakialaman ang buhay na pinili ko."
Tinulak niya ako, nagkagulo sa loob ng aking tinutuluyan. Nagsuntukan kaming pareho at hindi kami maawat ni Aling Berna. Ayaw ko sa lahat ay ang pinapakialaman ang mga bagay na ginagawa ko para sa aking sarili.
"Hindi ko kailangan ang opinyon mo!" sabi ko sa kaniya at muling sinuntok. Gumanti rin ito sa akin ngunit naiwasan ko iyon.
"Binibigyan ka lang ng leksyon para matuto ka na sa pagkakamali mo! Ang kapal rin ng mukha mo, Laxxus!" sigaw niya.
Naitulak ko siya nang malakas kaya natumba ito at napahiga sa sahig. Matalim ko silang tinignan nang dinaluhan siya ni Aling Berna.
"Wala kang utang na loob..." galit na sabi ni Aling Berna, "paano mo naaatim na pumasok sa ganoong trabaho, Laxxus. Hindi ko alam pero kung iyon ang mas pipiliin mo kaysa sa pagbibigay namin ng opinyon, mabuti sigurong huwag ka na naming pakialaman." mahinahon ang boses nito ngunit ramdam ko ang inis doon.
Malamig ko pa rin silang tinitigan. "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo," tumigil ako, "higit sa lahat ayaw ko na pinapakialaman ako patungkol sa paghahanap buhay ko." dugtong ko.
Aalis na sana ako para umakyat sa aking silid pero napatigil ako nang muling magsalita si Aling Berna.
"Huwag mo kaming lalapitan kapag may nangyaring masama sa iyo... 'yan ang pinili mo kaya resolbahin mong mag-isa kapag nagka-problema ka." sambit nito na may hinanakit.
"Akala ko hindi mo sisirain ang tiwalang binigay namin sa iyo... pero maling akala lang pala iyon dahil muli mo na namang tinibag ang matinding tiwala na ipinagkaloob namin sa iyo," mahabang litanya ni Carlo.
Hindi ako nakapagsalita, tanging yabag lamang ng kanilang paa ang aking narinig bago muling lumingon sa pintuan ngunit tuluyan na silang nakalabas at hindi ko na nasilayan ang kanilang bulto.
Napahilot ako sa aking sentido at inilibot ang paningin sa sala. Imbes na magpahinga ako ay iniligpit ko ang mga nagkalat na gamit. Sobrang sakit ng ulo ko para isipin pa ang mga salitang binitawan sa akin ng matalik kong kaibigan at ni Aling Berna.
Nang matapos ay umakyat ako sa aking silid. Nagpalit ako nang damit dahil tinamad na akong maligo. Humiga ako sa kama at pumikit. Sinubukan kong alalahanin ang bawat salitang binitawan sa akin ni Aling Berna. Paulit-ulit iyon sa aking isipan hanggang sa ramdam ko na lang ang pagtulo ng aking mga luha.
"Fuck this tears... fuck this life!" singhal ko sa aking sarili. Napabangon ako bigla, sinabunutan ko ang aking buhok. Hindi ko alam pero tila nag-ibang tao na naman ako.
Sinampal ko ang aking sarili. "Gumising ka sa katotohanan, Laxxus." sambit ko.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang ginagawa mo," bulong ng utak ko.
Sinampal-sampal ko ang aking sarili na tila isa akong baliw. Hindi ko alam ang gagawin ko pero naisip ko ang mga salitang binitawan ko kay Aling Berna. Alam kong labis ko siyang nasaktan at pati ang tiwala nito'y muli ko na namang nasira.
Sa labis na kalungkutan, tulala na lamang ako sa aking silid. Maghapon akong hindi lumabas ngunit sa pagsapit ng dilim, nakarinig ako nang katok mula sa labas.
"Laxxus, si Manang Nez mo ito, maghahapunan na hijo!" pagtawag ni Manang Nez sa labas.
Sumagot ako, "M-Mauna na lang kayo, Manang. Hindi po ako nagugutom!" sigaw ko pabalik.
"Kumain ka na lang kapag nagutom ka, may iiwan akong ulam sa ibaba."
Hindi ko na siya muling narinig na magsalita. Tila bumaba na ito kaya nakahinga ako ng maayos. Humiga ulit ako sa aking kama. Ipinikit ang mga mata at tuluyan na akong hinila ng kadiliman.
Aling Berna's POV
Hindi ko sukat akalain na ganoon ang magiging trabaho ni Laxxus rito sa Maynila. Pumasok siya sa kapit sa patalim na trabaho, ang maging prostityut sa isang High Class na Club rito sa Maynila ayon kay Carlo.
Hindi ako lubos makapaniwala sa biglaang pagtaas niya ng boses sa akin. Sobra na ba ako? Pinapakialaman ko na ba masyado ang buhay ng batang itinuring kong tunay na anak?
"Ayos lang ba kayo, Nay?" kapagkuwan ay tanong ni Carlo.
Nginitian ko lamang siya nang pilit. "Ayos lang..." sagot ko, "hindi lang ako makapaniwala sa trabaho ng kaibigan mo," dugtong ko pa.
Hinagod nito ang aking likuran dahil babagsak na ang aking mga luha.
"Hayaan na lang natin siya, Nay. Trabaho niya iyon at pinili niya iyon kaysa sa tiwala natin sa kaniya," usal niya.
Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay bigla na lamang nagsilabasan. Humagulgol ako sa balikat ni Carlo dahil sa hindi ko matanggap na katotohanan. Kararating pa lang namin rito sa Maynila ay ganoon na lamang ang bumungad sa akin-sa amin.
Maghapon kong inisip ang posibleng mangyari kay Laxxus sa kaniyang trabaho. Ilegal iyon pero dahil siguro sa kapit nila sa itaas ay hindi nahuhuli ang mga taong may pakana sa prostitusyon sa Club na iyon.
Mahirap ang trabahong pinasok niya, binebenta niya ang kaniyang sarili para lang makakita ng malaking pera. Alam ko kung gaano kahalaga ang pera ngayon rito sa lungsod pero hindi naman niyon ibig sabihin ay kakapit ka sa patalim paral lang lumuwag ang buhay mo. Naniniwala ako na kaya mong umangat kahit hindi kapit sa patalim ang trabaho ng isang tao.
"Sana mapanindigan mo ang desisyon na 'yan, Laxxus." mahinang sambit ko. "Batid ko ang karangyaan na idudulot sa iyo ng prostitusyon sa hinaharap..." muli kong bulong sa hangin.
At sa pagsapit ng iyong madilim na karanasan, sana ay may lapitan ka pa at kakapitan.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)
Подростковая литератураPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING) Defiant Youth Series #12 (A COLLABORATION SERIES) COMPLETED Years ago, there's a guy named-Laxxus Harris who was being addicted to alcohol and cigarettes. He's just a high school student back then when his friend...