Hi readers! gusto ko lang pong ipaalam na may konting changes po sa mga last chapters... may nilipat po akong ibang part ng every chapter to other kaya po if nalilito na po kau just read the chapters before this. thank you!
--------------------------------------------------------------
Xyrene's POV
"Xyrene~!!!" sigaw ni...
"mmm?" tipid kong saagot
"Xy naman eh! ba't ba ang tipid mong magsalita? sabihin mo, ilan ba ang maximum rate of words na kayang ilabas ng bibig mo??" pagmamaktol ni Zee. tinaasan ko naman siya ng kilay "biro lang, 'to naman..napansin ko lang kasi parang masaya ka simula nung mga nakaraang linggo" saad niya.
"hmm? pano mo nasabi?"sagot ko
"hayy,, salamat nagsalita ka na rin ng matino-tino, pero napansin ko talaga na masaya ka" sabi niya..
"eeehh? masaya e di naman yan nagsasalita ng maayos." singit ni Myckel "kasama ko kaya yan parati... " Myckel.
"ganon ba? magkaiba lng siguro tayo ng napansin" Zee
"siguro... sige, una muna ako sainyo, may gagawin pa ako eh" paalam ni Myckel. tumango naman ako ganon rin si Zee.
"Xy," Zee.
"oh?" ako
"sino?" Zee
"anong sino?" ako
"wala, tara na baka malate tayo" hyper niyang sabi at niyakag ako papuntang classroom.. ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? weird niya ahh..
Zylarah's POV
napansin kong masaya si Xy simula noong mga nakaraang linggo. kahit ibang mukha ang ipinapakita niya, makikita mo pa rin sa kanyang mga mata na masaya siya. Iba kasi 'yang si Xy eh, kapag masaya yan normal face lang siya but when you look into her eyes makikita mo kung no talaga nararamdaman niya, kapag naman malungkot iyan, grabe aakalain mong napakamasayahing tao dahil kung maka ngiti wagas eh di naman yan palangiting tao, kapag galit naman siya, 'di yan iimik hanggang sa makalma na niya ang sarili niya. weird right? pero ganyan talaga siya, kilalang-kilala ko na yan, mula sa dulo ng buhok niya hanggang sa pinakadulo ng kuko niya ay alam ko na ang ibig sabihin. para ano pa't naging bestfriend ako di ba? pero maiba lang, sino kaya yung nagpapasaya kay Xy? kung sino man siya sana naman 'wag niyang saktan si Xy, di na talaga siya sisikatan ng araw pag nagkataon!Xyrene's POV
andito kami sa friendship area ngayon, standby, pagkatapos kasi ng announcement ng adviser namin ay umalis na ito, next rin kasi ng sched niya samin ay vacant na namin at pagkatapos ay lunch narin kaya mahaba-habang oras 'to.
"Xy, may date ka na sa Christmas Ball?" tanong ni Zee na kasama ko ngayon. yuung kasi yung announcement kanina, this week daw ang panahon ng ma boys to ask girls to be their partner. umiling-iling naman ako bilang tugon sa tanong niya "ahh, ako ba 'di mo tatanungin?" tanong niya at umiling akong muli "Grabeh ka ah! anong klase kang bestfriend? wala ka na ba talagang pakialam sakin? paano kung mamamatay tao yung nagyaya sakin at pumayag ako?? makakayanan mo bang mapahamak ako ng dahil sa hindi mo inalam kong sino date ko?" pagdadrama ni Zee na may fake tears pa.
"tsss tigilan mo nga 'yan." inis kong sabi "kahit na 'di kita tatanungin kong sino date ko alam ko na rin naman kung sino yun, di karin mapapatay nun dahil sabi mo mahal ka nun. di ka rin kaya papayag maging date siya kung di mo kilala ang nagyaya sayo at sinabi ko bang di ko alam kung sino date mo? di naman di ba? di ko rin sinabing wala akong pakialam sayo kaya itigil mo na yang drama mong yan!" dire-diretso kong sabi sa tunong naiinis. habang siya ay ganito ang mukha ----> (OoO) para bang di makapaniwala sa narinig niya.....
"WOW... Xy, may nakain kaba?" tanong niya sakin na parang walang narinig sa mga sinabi ko kanina
"anong nakain? burger, pizza, cake at ice cream lang naman nakain ko" (dami kong nakain no? pagpasensyahan nyo na, gutom yung tao eh) sabi ko na parang nag iisip kung ano pa ang nakain ko "bakit?" tanong ko
"papakain ko sayo araw-araw para magsalita ka lagi! san bang burger stall mo nabili yung burger? yung pizza? san mo nabili? yung icecream saang ice cream parlor nanggaling yun at ng mapuntahan natin lagi.. yung cake? saa----ARAY!" binatukan ko nga "(OoO) my gosh that's so not you Xy! kailan kapa nangbatok?"
"tumahimik ka nga! napipikon na ako sayo ah" saad ko
"oo nga tatahimik na, pero saan mo nga nibili yung ca---- OK, OK! TATAHIMIK NA! RELAX KA LANG! ANG PUSO BAKA MAHIRAPAN AKO PA MAY KASALANAN. mpapagalitan pa ako ni Vhenzel nito." sabi niya dahil tinapunan ko ng nakakatakot kong tingin ngunit may binulong siya sa huli pero di ko rinig. di ko narin pinansin.