Expect the Unexpected

25.3K 385 6
                                    

Raine's POV

"Yes! Oo . On the way na ako.  Medyo malapit na .     okay! okay!

Aaayst! Malelate na ako sa lakad namin ni Hannah . Tapos traffic pa. Shit.

Nahampas ko ang manibela ng sasakyan ko dahil sa inis.

Ano ba kasing meron bat traffic dito ?

Binuksan ko ang bintana ng kotse ko at tinanong ang lalaking napadaan.

"Kuya! Ano pong meron bat traffic ?"

"May na aksidente daw po dun e."

"Anong aksidente po?"

Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba ngayon.

"May nabangga raw na kotse yung bus! Yung babae medyo kritikal ang lagay"

Napatango na lang ako. Medyo umandar na yung traffic. Natapat ako kung saan nangyari ang aksidente.

Nakita ko ang babaeng na aksidente. Duguan ang katawan nya at walang malay. Biglang tumigil ang mundo at parang biglang nanghina ang katawan ko.

Si

si

si

Brittannie .

Agad ko itinabi ang sasakyan ko at tumakbo ako palabas papunta sa may ambulance.

"Kuya sandali. saglit lang po"

"Kakilala mo po ba sya ?"

"Opo. kaibigan nya po aKo"

"Ganun po ba ? sunod nalang po kayo sa hospital"

"Sige po"

Bumalik na ako sa kotse ko at sinundan ang ambulansya kung saan nakasakay si Brittannie.

Agad naman syang ginamot ng doctor dahil siguro sa grabeng pinsala na natamo nya.

Naiwan ako sa labas na hinihintay ang pag labas ng doctor. ayoko syang mapahamak.

Mayat maya lang ay lumabas na ang doctor.

"Ku-kumusta po si Brittannie ?"

"Ayos na sya. Buti nalang hindi ganun kalala ang pagtama ng ulo nya dahil malambot na bagay lang ang tinamaan nun. Kaya hindi naging komplikado ang sitwasyon. Wag kana mag alala . Okay na sya. Hintayin nalang natin sya na gumaling at magising"

"Thank You po"

Lord thank you po. Hindi nyo po sya pinabayaan. Hindi pa kami nagsisimula kayat hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kanya.

Pumunta ako sa kwarto kung saan naka confine si Brittannie. 

Nakahiga lang sya at wala pang malay. Hindi ko matanggap. Di baleng mag sungit sya basta okay sya.

Kinuha ang mga gamit na nakuha sa kotse nya at hinanap ang cellphone nya para tawagan ang magulang nya.

Agad ko naman itong nakita saka ko hinanap.

Mommy Ganda :)

Dinial ko agad ito.

Tatlong ring ay may sumagot na agad .

"Hija? where are you ?  Kanina pa kita hinihintay. dapat kanina kapa nakauwi"

"Hi-hindi po ito si Brittannie"

"Who are you?"

"Classmate nya po ako"

"Nasan si Anne ?"

"Andito po kami sa ospital"

"ano nangyari sa kanya?"

"Nabangga po nang bus yung kotse nya"

"WHAT?"

Sinabi ko sa mommy nya kung saang ospital kami.  After mga 20 minutes ay dumating na yung mommy nya.

Medyo hawig sila ng mommy nya. Kaya pala.maganda si Brittannie. Maganda rin yung mommy nya.

"Thank you sa pagbantay sa anak ko"

"Wala po yun. Pwede ko po ba syang bisi bisitahin ?"

"Oo naman"

Saglit na kinuha ng Mommy ni Anne yung cellphone kasi may tumatawag dito.

"Hello. Asan ka ba ha?.    Ano? Ngayon mo pa balak umalis kung kelan na aksidente ang kapatid mo.    Bahala ka sa buhay mo."

Umalis na rin ako. Babalik nalang ako bukas para bisitahin sya.

Lagi akong bumibisita kay Brittannie. Dalawang araw na pero hindi pa rin sya nagigising.  Nag aalala na nga ako e :( . 

Ako na muna ang nag voluteer na magbantay sa kanya kasi may mga aasikasuhin na business yung mommy ni Anne.

Nahiga muna ako sa may tapat nya habang naka upo kasi sobrang inaantok pa ako.

Ako ang magbabantay sa kanya magdamag.

Ang sarap sa feeling na ako ang nag aalaga sa kanya.

Nakaidlip na rin naman ako.

Ashamed Book 1 (SPG) GirlxGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon