Pagpasok palang ng loob ay kapansinpansin na ang isang malaking staircase sa gitna at mamahalin ang mga kasangkapan. Gusto ko mang libutin ang kabuuan ng mansiyon ngunit kumagat na ang dilim.
“What do you think? Matagal na itong nakatiwangwang, pero napalinis ko na ang kabuuan. I want modernize it to international standard," Sayoko started.
Honestly, I find the place very romantic.
“Ilang kuwarto mayroon dito?”
"Thirty two rooms, eight rooms each floor. Our rooms are on the third floor. Tara na?”
Kumanan kami pagdating sa ikatlong palapag at patuloy sa paglalakad.
At parang may kung anong hindi patag akong naapakan na siyang ikinagulat ko. Kung ano man iyon, naramdaman kong gumalaw ito sa ilalim ng aking mga paa.
“Aaaaahhhhh!!!” I screamed.
Napahawak ako sa braso ni Sayoko sa sobrang kaba at pagpapadyak, ay natalisod ako at nadulas.
But I landed on something sweet smelling… I was lying on top of him!
Pinilit kong tumayo ngunit may mga bisig na pumigil sa akin.
"You're still the same," I heard him whispered.
I can feel his scent. Para akong nalalasing. I closed my eyes.
I felt his lips on mine. Or I was just dreaming?
Binuksan ko ulit ang aking mga mata.
I become speechless, I don't know what to say.
Pinilit ko tumayo.
“Nandito na tayo,” he's now standing in front of the door.
Sinindihan ni Sayoko ang mga kandelabra.
The room is like a small suite. May dalawang pinto sa magkabilang dulo, sa palagay ko ay doon kami matutulog. Siyempre matutulog kami sa magkahiwalay na kwarto.
May mga nakataob na plato at mga pagkaing nakahanda sa mesa.
Nakaramdam ulit ako ng gutom.
“Freshen up, that’s your room. Let's eat in ten minutes, ok?” wika ni Sayoko. “O gusto mong samahan kita?” dugtong niya.
Nang-aasar ba siya?
"Wag na. I’ll be back in ten minute."
Isang four poster bed ang nasa loob at nasa ibabaw na ng kama ang mga gamit ko. May maliit na sofa sa dulo nito.
Bukas ang mga bintana at ramdam ko ang simoy ng hangin na nagmumula sa labas.
Malinis ang banyo.
Pagkatapos maligo ay bumalik agad ako. Nadatnan ko si Sayoko na naghihintay sa dining table.
“Masarap itong iniwan ni Mang Epe na pagkain, sugpo at inihaw na isda. Kaya lang wala atang kutsara't tinidor, hindi ko mahanap,” wika ni Sayoko.
“Eh magkamay. Masarap kayang kumain ng nagkakamay.”
Pinag‐taasan niya ako ng kilay.
"Ano? Kakain ka ba o hindi?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Kumuha ako ng isang salop na kanin at inihain sa kanyang plato. Nagbalat ng sugpo at binabad sa sawsawan, bago inilagay sa kanin, at gamit ang aking kanang kamay ay isinubo ito.
“Are we sharing a plate?” tanong niya.
"Bakit, hindi ba ok sayo?”
Hindi na siya sumagot.
"What's with this place?" I started the conversation again.
"I want to make someone's dream come true," he plainly answered.
Oh I see.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
I remembered the day when he said to me that he wants to build our dream palace that's why he took up architecture.
FLASHBACK.
May iniabot siya sa akin.
Tinanggap ko iyon, it was his printed schedule. I look at it at nakita ko na BS Architecture ang course na in-enroll niya.
I looked at him, confused.
“Why architecture?” nagtatakang tanong ko.
He answered without looking at me, “Because I want to build our dream palace. It was your dream, right Aki? It was OUR dream,” he’s said emphasizing ‘our.’
At pinandar na niya ang sasakyan.
END OF FLASHBACK.
Sino na naman kayang pangarap ang gusto niyang tuparin this time? I laughed at my own thought. Whoever that someone, as if I still care.
Wala na dapat akong pakialam.
At hindi ako bingi, narinig ko kanina, I think he's getting married. That's why he wants to finish renovating this place in two months or as soon as possible.
Sana nga matapos ko na ang trabaho ko in two months or as soon as possible para makaalis na rin ako.
I can't stand being with him for long. It reminds me of a lot of memories. Parang walang silbi ang sampung taon.
Pagkatapos naming kumain naglakad ako ng marahan pabalik sa aking silid.
Nahiga ako sa kama.
So this was all in fulfillment of someone's dream, their dream.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
Oh good Lord, I can still feel his soft lips. O nanaginip lang talaga ako kanina?
Is there ever going to be a chance na mahalin kita ulit, Sayoko? Is it possible that I never stopped loving you?
Or it's time to accept my misfortune: for the second time, he was in love with someone new.
BINABASA MO ANG
Three Kinds of Love (COMPLETED)
RomanceIf A loves B, it's not logical to say that B loves A. But if conditional is true, this I will say; maybe someday, A and B are meant to be. ❤