"Ate gusto kong makausap ang anak ko! Papasukin mo ako sa loob. Anak ko siya kaya may karapatan ako sa kanya! Ano kakampi ka na rin ba sa kanila ha?!" sigaw ni Annie sa nakakatanda niyang kapatid.
Hindi na nakapagtimpi pa si Nanay Emma kaya sinampal niya na ang nakababatang kapatid. Ang aga aga pero nag eeskandalo na agad ito sa labas ng bahay niya.
"Annie ano bang nangyayari sayo?! Bakit ka nagkakaganyan? At ano itong sinabi sa akin ni Brix?"galit nitong sabi.
"Walang katotohanan ang sinabi niya sayo. Sa tingin mo magagawa ko yon, ate? Mahal na mahal ko ang pamilya ko." sabi ni Annie habang nakahawak sa pisnging nasampal.
"Pati si Akiesha ay ganun din ang sinabi sa akin. Ang bata ay hindi nagsisinungaling. Ngayon ko lang nakitang nagkaganon si Brix at alam kong nagsasabi sila ng totoo." saad ni Nanay Emma.
"Bakit mo pa ako tinanong kung hindi ka rin naman maniniwala sa akin. Ilabas mo na lang ang anak ko. At Uuwi na kami sa mansion!" nawawalan na ito ng galang sa nakakatandang kapatid.
"Hindi! Hindi mo isasama ang pamangkin ko! Dito lamang siya! At paano mo nasisikmurahan na hindi sabihin sa asawa mo ang totoo? Labis na Labis na pagmamahal ang ibinigay ng asawa mo kay Akiesha tapos hindi niya naman tunay na anak! Hindi ko inakalang magagawa mo ito!"
"Mommy umalis na po kayo! Huwag na po kayo gumawa ng gulo dito. I won't go home na! Naaawa na po ako kay daddy kasi hindi niyo po sinabi ang totoo! Hindi niyo na po ako magagamit para hindi siya makipaghiwalay sa inyo. Dito na lang po ako kasama si Tita Emma at kuya Brix." naiiyak na sabi ni Akiesha sa kanyang ina. Inaaya nito ang tiyahin na pumasok na sila sa loob ng bahay.
"Anak sumama ka na kay mommy, hindi totoo yung mga sinabi ng lalaking yun sayo. Hindi siya ang daddy mo si Richard lang ang daddy mo siya lang. Kaya please sumama ka na sa akin anak. Malulungkot si mommy doon wala siyang kasama sa mansion. Gusto mo bang malungkot si Mommy, anak?" sabi ni Annie sa anak niya Ngunit hindi na siya nito pinansin.
"Umalis ka na lang dito Annie! Hindi mo ba makikita na nahihirapan na ang mga anak mo dahil sayo?! Hindi mo alam kung gaano sila nasasaktan lalo na ang panganay mo! At bilang kapatid mo pakiusap lang huwag ka ng gumawa ng gulo pa."
Lalong napaiyak si Akiesha dahil nagtatalo ang ina niya at ang tita niya. Pero alam niya na ang mommy niya talaga ang may mali at ang may kasalanan.
Nakatingin lang si Nanay Emma sa kapatid habang naglalakad ito sa paalis hanggang sa makalapit ito sa sasakyan. Pagkatapos noon ay hindi na nila ito nilingon pa. Mabuti na lamang at wala si Brix sa bahay at nasa trabaho na ito.
"What the hell are you thinking bakit mo sinuntok yung pader? Wala namang ginagawa sayo yung pader ah." sabi ni Zyrelle sa kanya. Nasa loob sila ng opisina nito at ginagamot nito ang sugat niya.
"Naglalabas lang ng sama ng loob." sagot niya dito, nabigla siya ng higpitan nito ang hawak sa kamay niya kaya sumakit.
"Zyrelle!" saway niya dito. Inismidan lang siya nito tsaka tinuloy ang ginagawa. Napagpasyahan niya sasabihin niya na mamaya sa ama ang lahat lahat.
"Don't do that again! Pwede mo naman sabihin sa akin ang mga problema mo at handa akong makinig. Kaya sa susunid Huwag yung pader ang suntukin mo hindi naman yun lalaban sayo eh." tumawa na lamang siya. Ang cute kasi ng mukha nito.
"Brix don't laugh. I'm being serious here. I dont want you to be hurt just like that." kalmado nitong sabi sa kanya. Ang swerte niya talaga na siya ang boyfriend nito.
"Gusto mo Sama ka sa akin." sabi niya dito. Gusto niya itong isama sa pupuntahan niya.
"Sa company ni dad may kailangan kasi akong sabihin sa kanya."
"Kailan? You know I can't ditch my works in here. Kuya Zach will be mad at ilang araw din akong nawala diba, kaya marami pa akong gagawin at tatapusin." seryoso nitong sabi sa kanya.
"Saglit lang tayo don. Promise. Samahan mo lang ako." hindi niya kasi alam kung kaya niya ba yun ng mag-isa. Paano niya sasabihin ang lahat ng iyon sa ama niya? Parang nahihiya pa siyang harapin ito.
"Well if that's the case okay sasamahan kita. Gusto ko rin makita ang kompanya ni Tito Richard." sabi ni Zyrelle pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya. Tumayo ito upang yakapin siya. Habang siya ay nakaupo pa rin sa bangkuan sa harap ng table nito.
Isang ngiti lang nito ay parang nawala na ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. Zyrelle is his happiness. In the world that full of darkness she becomes his light. Ito ang nagbigay kulay sa buhay niya.
"What the hell are you doing here?! Get out of my house!" sigaw ni Annie ng makita niya ang lalaki sa mansion nila at prente pa itong nakaupo at nakasandal sa sofa nila.
Inis na inis na nga siya dahil hindi sumama sa kanya ang anak tapos dadagdag pa ito.
"Alam mo kaya gustong makipaghiwalay ng asawa mo ay dahil sa ugali mong yan! Look at you Annie talong talo ka ng ex niya. What Is her name? Ah oo Scarlett, model yun diba? Wala kang kalaban laban sa kanya! Tsk. Tsk. Tsk." pang-iinis pa nito.
"I don't want to hear any of your words Allen! Umalis ka na nga lang! Get out of here! Kasalanan mo ito lahat. Bakit ba kasi bumalik ka pa ha? Sana hindi ka na lang bumalik. Mas ginulo mo lang ang lahat. Pati mga anak ko ay galit na sa akin! Get the hell out of my life." galit na galit niyang sabi dito."It's not my fault honey. Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Kaya huwag ming isisisi sa akin ang mga kasalanan mo. Isipin mo Maghihiwalay na kayo ng asawa mo tapos iniwan ka pa ng mga anak mo. I'm so pitty of you. Nakakaawa ka naman. Lahat sila galit sayo." ang lalaking ito ay mayaman din.
But she doesn't love him dahil si Richard lang ang mahal niya. Hindi niya nga alam kung ano ang pumasok sa isip niya kaya may namagitan sa kanila noon.
"Kung noon palang kasi ay ipinakilala mo na ako sa anak ko edi sana hindi na mangyayari ang lahat ng ito. Kung ako na lang sana ang pinili mo at hindi ang walang kwenta mong asawa edi masaya ka na ngayon. Sila masaya habang ikaw nag-iisa. Kawawa ka naman." tumayo at lumapit sa kanya.
"I won't let them to be happy! Hindi ko sila hahayaang maging masaya! Lahat sila. I will make their life miserable! Kung meron mang dapat maging masaya dito ako lang yon! At hindi sila." May diin niyang sabi. Tumawa lamang ito. She knows that Allen can help her with that.
"Ohh honey sobrang sama naman ng iniisip mo. But how paano mo magagawa yon?"
"Tutulungan mo naman ako diba?" tanong niya rito.
"Of course but in one condition." sagot nito.
"At ano naman iyon?" taas kilay niyang tanong. Mabuti na lamang at pinagday off niya lahat ng katulong kaya walang nakakarinig sa usapan nila.
"Sasama ka sa akin st kasama na rin ang anak natin." walang halong patumpik tumpik nitong sabi.
"Sige deal basta gusto ko lang matapos ang kasiyahan nilang lahat. Dahil pati Brix ay nasa kanila na rin. I want them to feel the worst feeling ever!" pagkatapos ay sabay silang tumawa.
Author's Chika: Nakahanap na ng kakampi ang bruha😏 omo mag-iingat na kayong lahat.
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.