[KLEIN'S POV]
"Goodmorning, handsomes." Bati ko nang dumating silang tatlo.
"Fuck you, Klein." Inis na bati ni Pablo.
Natatawa nalang akong napa-upo sa upoan ko saka iniharap ang sarili sa computer. Kagaya ng inaasahan, ay pumasok kami sa araw ng linggo. Imbis na pahinga namin ngayon ay kinailangan naming magtrabaho. Naiinis man ay natawa nalang rin sa sitwasyon ang tatlo ko pang kugtong na kaibigan. Tsh.
"Nagpadala nalang ako ng gift kay Mom, sinabi kong hindi ako makakapunta dahil may meeting." Kwento ni Pablo, "Nagtatampo na sa akin 'yon, panigurado."
"Kalokohan mo, Klein." Naupo narin si Terrence sa sariling upoan.
Napagpasyahan naming taposin muna nila ang natitira sa mga kailangan nilang trabaho-in, pagkatapos ay tutulongan nila akong taposin ang mga dapat kong gawin. Sa ngayon, ay ang pagtapos ng mga gawain ko nalang ang dapat kong problemahin. Dapat ay matapos ko ito bago pa man magtanghalian, dahil aminado akong hindi ko rin gusto ang pagiging rason ko para hindi makadalo si Pablo sa birthday ng Mommy n'ya. Idiot.
"You're here." Dinig kong boses ni Kuya.
Kasama na naman n'ya yung assistant n'yang mukhang hindi naliligo, ang babaeng 'to ang rason kung bakit kami nandito ngayon. Inis akong nagiwas ng tingin sa babae nang hindi man lang ako tingnan nito, saka ako tumingin kay Kuya.
"Yeah, I was not able to finish my works yesterday. I'm planning to finish it before lunch." Walang gana kong tugon.
"This job is tiring, isn't it?" Tumikhim si Kuya saka ako muling tiningnan, "Finish it before lunch, ipapa-sanitize ko na ang buong lugar mamaya."
"Hindi ba pwedeng sa bahay ko nalang 'to gawin?" Inis kong tanong.
"Pwede naman." Tugon ni Kuya, "Kung makakaya mong bitbitin 'tong kompanya pauwi."
"What?" Inis kong tanong.
Narinig kong magtawanan ang mga kaibigan ko sa likod. Ngunit ang mas kinainisan ko ay ang pagpipigil ng tawa ng assistant ni Kuya, nakatakip ang kamay n'ya sa bibig habang nakayuko. Tiim bagang ko s'yang pinukol ng tingin.
"What's funny?" Tanong ko rito.
Nawala ang tawanan ng mga kaibigan ko sa likod, ang babae namang ito sa harapan ko tila hindi napansing s'ya ang tinatanong ko. Nakaramdam ako ng inis, para itong walang kaalam-alam sa ano maan kaganapan sa paligid n'ya. Is she deaf?
"Are you deaf?" Naisatinig ko ang kaninang tanong ko sa isip.
"P-Po?" Gulat n'yang tanong sa akin.
"What's the matter?" Inis kong tanong.
"Anything that has mass and occupies space is called matt—"
"What?" Mas lalo akong nainis sa sinagot n'ya.
Malakas na tawanan ang bumalot sa paligid, pati si Kuya ay natawa ngunit ayaw ipahalata. Bobo ba 'to? Inis kong tanong na naman sa isip habang masama ang tingin sa babaeng nasa harapan ko.
"Wala ka pala Klein, eh." Pambubuyo ni Maynard sa akin habang tinatawanan nila Pablo at Terrence.
"Shut up." Inis ko silang nilingon.
Agad naman nilang naitikom ang bibig saka kunwaring nagtuloy sa ginagawa.
"Bakit ka tumatawa kanina?" Seryoso kong tanong.
BINABASA MO ANG
THE MOMENT WE FALL: (Tiktok Story - 'Ninong')
Roman pour AdolescentsSinuong ni Jai ang hirap sa lungsod ng Maynila para lamang matustosan ang pangangailangan ng pamilya maging ang pagpapagamot ng kan'yang Ama. Ngunit sa hindi inaasahang kamalasan ay napadpad s'ya sa isang kumpanya kung saan mas papahirapin ang sitwa...