CHAPTER XXIV

6.6K 148 5
                                    

Pagpasok niya sa kwarto kung nasaan ang mommy niya ay hindi na niya napigilan ang luhang kanina pang gustong kumawala. Nang papalapit siya ng papalapit sa mommy niya ay mas lalong nagpapatuloy ang pag agos ng luha niya lalo na ng makita niya ulit ito ng malapitan at muling nahawakan ang kamay nito. Naupo naman siya sa upuan na nasa tabi ng kama ng mommy niya.


"Hi mommy" Nakangiting bati nito habang nilagay sa pisnge nito ang kamay ng mommy niya.

"Tagal na natin hindi nagkita, miss na miss na kita" Iyak pa rin ng iyak na usap ni Mikha sa mommy niya, "Hindi ko alam kung nakita mo na akong nakauniporme kagaya ni Daddy, pero sigurado ako na kung hindi nawala si daddy malamang sa malamang proud na proud ka sa akin" Nakangiting usap pa nito

"Halos araw-araw akong nasa taas, hinahatid yung mga dapat na ihatid, sunduin yung dapat sunduin, kausapin yung dapat kausapin. Lagi kong kinakamusta si Daddy doon mommy, medyo malapit na ako sa kaniya kapag nasa taas ako kaya hindi ako nagsasayang ng oras na kamustahin siya" Umiiyak pa rin na kwento niya sa mommy niya, tumayo naman siya ng bahagya para halikan ang noo nito at nilabas lahat ng sakit na matagal na niyang tinatago.



——————————————

AIAH'S POV

"Lavi, pwede bang maupo ka muna? hilong hilo na ako sayo" Saway sa akin ngayon ni Gelo na nagpapakabusy sa laptop niya. Nasa garden na kami ngayon dito sa bahay ni Kuya Akira, dito na muna kami tumambay kasi rito na raw sa bahay ihahatid ni Colet si Sheena.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pag aalala ko kay Mikha, hindi ko alam pero kanina ko lang siyang nakita na grabe kung mag alala at magmadali para mapuntahan ang mommy niya. Sana okay lang siya, lalo pa't hindi yata sila okay ng mommy niya.

"Oh? hindi pa kayo natutulog?" Takang tanong sa amin ni Sheena ng madatnan kaming dalawa ni Gelo dito sa garden. "Actually antok na talaga ako, wala lang kasama tong si Lavi na hintayin ka kaya sinamahan ko na lang muna" Sagot ni Gelo at tinutok ulit ang atensyon sa laptop niya. Agad naman akong lumapit kay Sheena para kamustahin si Mikha


"Anong balita? Kamusta mommy niya? Okay lang ba siya? May kasama ba siya ron?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya, pero hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatingin sa akin "Bo?" Tawag ko pa sa kaniya, napailing na lang naman siya at huminga ng malalim "Pwede bang kumalma ka? mamaya marinig ka nila Kuya Akira at tanungin pa tayo dahil halatang alalang alala ka" Sagot niya tsaka ako tinarayan. Hinila naman na niya ako papasok ng bahay atsaka umupo sa sofa.

"Nag 50/50 mommy ni Mikha —-

"What?!" Gulat na tanong ko sa kaniya, inis naman niya akong binato ng unan "Sinabing kalma" Pagpapatahimik niya sa akin, umiwas na lang naman ako ng tingin tsaka tumango

"May sakit sa puso mommy ni Mikha, last month, pinatigil na raw ni tita yung pagpapagamot kasi gusto na raw niya makasama si tito" Kwento niya "Nasa heaven na nga rin pala daddy ni Mikha" Usap ko, tumango naman siSheena. "Plane crash din?" Tanong ko pa, umiling naman "Car Accident" Sagot nito. Napaisip naman ako sa mga kwinento ni Sheena. Kung ganon, sinisise pala ni Mikha ang sarili niya sa nangyari sa daddy niya? Kaya siguro ganon na lang ang message sa kaniya ng ate niya sa kaniya. Ano ba talagang nangyari?


"Si Mikha? Kumusta?" Tanong ko, tinitigan lang naman ako ni Sheena. "Bo?" Tawag ko pa sa kaniya. "Tapatin mo nga ako, Bo. May gusto ka ba kay Mikha?" Diretsong tanong niya sa akin, hindi naman ako nakaimik at napatitig na lang din sa kaniya. "kanina ka pa alalang alala, ireremind lang kita ah, mommy niya nasa panganib hindi siya" Usap pa ni Sheena tsaka sumandal sa sofa. Umiwas naman ako ng tingin at sumandal na rin sa sofa

"Tinatanong kita Ai—-

"Oo, hindi, hindi ko alam, hindi rin naman pwede" Inis na sagot ko sa kaniya, napangiti naman siya at pumalakpak. "Bo, nainlove ka?" Tawang tawang sabi pa niya, ako naman ang umirap sa kaniya. "Paano si Gelo? Paano lavi mo?" Tanong pa niya sa akin, napatingin naman ako sa garden kung nasaan si Gelo, matagal na kaming magkaibigan ni Gelo, matagal ko na rin alam na mayroon siyang gusto sa akin, matagal ko na rin alam na gusto siya ni Mommy at Kuya para sa akin. "Baka nakakalimutan mo, soon to be boyfriend mo ang pakilala ni Gelo sa kaibigan ko" Usap pa ni Cassandra, napatingin naman ako sa kaniya

"Hindi ko na alam, Bo" Sagot ko at napabuntong hininga na lang.

"Hindi pwedeng hindi mo alam, Bo. Dalawa lang yan. Pamilya mo at si Gelo ang sariling kaligayahan mo" Seryosong usap pa niya. Bigla naman pumasok si Gelo sa loob kaya parehas kaming natahimik ni Sheena.


"Lavi, one week na lang ako rito, gala naman tayo nila Tita" Usap sa akin ni Gelo, nakangiti naman akong tumango sa kaniya. "Sama ka, Sheena" Nakangiting yaya pa niya kay Sheena, umiling naman Sheena "Busy, alam mo naman pag engineer" Sagot niya, napatingin naman ako sa kaniya pero inirapan niya lang ako at tumayo na "Una na ako, masyadong maraming nangyari ngayon araw" Paalam niya sa akin at umalis na sa harap namin. Alam kong concern lang siya sa akin, pero ano bang magagawa ko? kung yung kaligayahan ko, bangungot sa pamilya ko.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon