Chapter 1

5 2 0
                                    

Clover's POV

What the?!

Hindi ako tanga para hindi malaman na ako ang pinag uusapan nila. Dahil limang buwan nalang mula ngayon ay tutungtong na ako ng 18.

Agad akong pumasok at nagulat naman si Tita.

"Hindi ho ako papayag!" Sigaw ko.

"C-clover, hindi mo naiintindihan." Utal na sabi ni Tita.

"Tita ayaw ko ho. Magkano po ba ang utang? Magta trabaho nalang po ako para mabayaran iyon. Ayoko pong makulong habang buhay sa kasal na yan" pag-tutol ko.

"Hindi n-natin kayang bayaran ang nautang hija. Makinig ka m-muna" umiling ako at pumasok sa kwarto.

Nagulat ako ng makita kong umiiyak si Nova. Nilapitan ko ito ay pinunasan ang luha niya.

"A-ate" pag hagulgol niya. "Dahil saakin to. K-kasalanan ko kung bakit ka galit."

"Shhh" pag papatahan ko dito. "Wala kang kasalanan. Hindi galit si Ate. Tahan na"

Ilang minuto din ay tumahan na siya kaya pinakain ko siya at pinainom ng gamot.

Nakatulog na din siya di kalaunan. Narinig kong bumukas ang pinto at sumilip si Tita.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Mahinang tanong nito.

Tumango ako at lumabas. Umupo ako sa kahoy na upuan namin na nakaharap sa inuupuan ni Tita. Wala na din yung matandang lalaki kanina.

"Tita kung tungkol po iyan sa kasal ay hindi ho talaga ako papayag."

"Alam ko. Pero malaki ang nautang natin sakanya anak. Hindi mo kakayaning bayaran iyon."

"Susubukan ko ho." Napabuntong hininga siya at yumuko.

"100k ang utang natin." Nabigla man ako ay tinatagan ko ang aking sarili.

"Pakisabi ho sakanila na bago pa man umabot ng kaarawan ko ay mababayaran na natin ang utang. Ititigil ko po ang pag aaral ko at magtatrabaho muna."

"Pero gagraduate ka na. Sayang naman iyon"

Oo nga, sayang din. Pero ok lang naman saakin na tumigil muna.

"Buo na ho ang pasiya ko. Ikaw nalang ho muna ang mag alaga kay Nova. Mag tatrabaho ho ako simula sa sabado."

Tumango nalang si Tita at niyakap ako. Para din ito kay Nova.


Kinabukasan...

Sabado na bukas. Pumasok ako ngayon para magpaalam lang sa mga kaibigan ko.

"Totoo? Hindi ba to prank? Nasaan ang camera?!" Hinanap hanap ni Jett pero wala naman.

"Totoo to mga lukaret."

"Sayang naman! Dapat sabay-sabay tayong mag ka-college eh" malungkot na sabi ni Violet. Naluha kami at nagyakapan.

"Shunga! May summer class naman. Ang O-OA niyo talaga." Pambasag trip ni Lori.

"Epal ka talaga!" Inis na sabi ni Jett at sinabunutan si Lori. Tawang-tawa naman kami Violet na nanonood sa rumble ng dalawa.

"Basta kung kailangan mo ng tulong andito lang kami." Bulong ni Violet kaya tumango ako at ngumiti.

Nang lunch na ay nilubos lubos ko na ang pag ubos sa mga pagkain nila na parang hindi ko sila makikita ulit.

Nang hapon sa klase namin ay pinagtripan ni Lori ang teacher namin na crush niya.

"Witiwiw! Sexy ni sirrr!!!" Sigaw niya at bigla siyang kunwaring nagsusulat ng lumingon si sir sa pwesto namin.

Kami naman nila Jett ay kunwaring inosente pero nagpipigil na ng tawa. Pero ng marinig namin si Violet.

Debt feeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon