Bukal ng Dugo sa Daan

4 0 0
                                    


Pauwi na ko galing sa may kanto sa labasan dala-dala yunng mga pinamili kong meryenda ng may makita akong kakaiba sa daan na nilalakaran ko. 

Napahinto ako sandali para titigan yung isang biak sa konkreto.

May bumubula na parang asid ng softdrinks sa biak at habang tumatagal ay may lumalabas na parang dugo.

Di ko alam kung mamamangha ako sa nakikita ko o matatakot pero isa lang ang gusto kong gawin: lapitan at hawakan yung bumubula na yun. 

Tinabi ko saglit yung mga pinamili ko sa gilid ng daan at lumapit ako dun sa parang maliit na pulang bukal. 

"Wag mong hahawakan yan"

Nagulat ako sa narinig kong boses kasi wala namang tao sa paligid eh. Pero nung hahawakan ko na yung bukal may narinig ako ulit na boses:

"Wag mong hahawakan yan"

Pero dahil walang tao sa paligid ko, kinabahan na ko kaya dumakot na lang ako ng buhangin sa gilid ng daan at tinakpan yung bukal tska ko tinapak-tapakan para di na bumulwak yung kung ano man yun. Pagkatapos ay dumeretso na ko pauwi.

Pag uwi ko ay diretso meryenda na ko at pasok na sa trabaho. Naka-work-from-home ako kaya wala nang hassle ng kung ano-ano pang seremonyas.

Habang nagtatrabaho ako sa harap ng computer ko ay may narinig akong parang nasusunog pero wala naman akong naamoy kaya di ko na lang pinansin.

Pero di rin nagtagal ay di na ko napalagay at hinanap ko na rin kung saan nanggagaling yung tunog. 

Wala akong makita sa loob ng bahay pero pag bukas ko ng pintuan ay nakita ko kung saan nanggagaling yung tunog.

Yung tsinelas ko parang nilulusaw ng asido!

Doon ko naalala ulit yung bukal ng dugo sa daan kanina baka yun ang dahilan kung bakit natutunaw yung tsinelas ko. 

At di nalalayo sa tsinelas ko eh may mag malilit na bukal ng dugo papalabas sa may daanan namin at may parehong tunog ng nasusunog.

Nagsimula na rin silang mapansin ng mga kapitbahay ko kaya nagsimula na silang mag labas ng mga smartphone nila at i-live stream yung mga bukal. 

Hindi na ko nakisali sa mga kaganapan sa labas kaya pumasok na lang ako ulit sa bahay. Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung original na bukal na nakita ko sa daan. 

Lumipas ang gabi at dumating ang kinabukasan at mas lalong lumala ang sitwasyon, may grupo ng mga tao na kumakatok sa labas ng bahay ko.

"Rudy!~ may mga taong naghahanap sayo" sabi ng kapitbahay kong tsismosa.

"Rudy may mga media na gusto ka daw interview-hin" dugtong pa niya.

Ayokong lumabas ng bahay kasi ayoko ng ganitong atensyon sa tao, pero mukang wala akong ibang pagpipilian kundi ang lumabas para matapos na ang komosyon na to.

Nagpalit lang ako ng damit tska nagsuklay ng kaunti at dumeretso na palabas ng bahay.

Pero bigla akong napatigil ng buksan ko yung pinto.

May isang malaking halaman na umusbong sa kinalalagyan ng tsinelas ko.

Sinabi kong halaman pero mas muka siyang isang malaking piraso ng karne kaysa halaman.

Napa-tangina! na lang ako sa nakita ko.

Ang unang pumasok sa isip ko ay bumalik sa loob ng bahay at maghanap ng pangtatakip ko sa haLAMAN na yun. Kaya kumuha ako ng labahan na kumot at tinakpan ko yung halaman sabay inayos ko yung sarili ko at dumeretso na palabas ng gate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Di Ko Maipaliwanag Eh! Basta Yun Na YunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon