"Wakey wakey, sleepyhead"
Ano ba ito. Panay sundot sa pisngi ko. Alam na natutulog ako eh. Panira naman 'to ng moment.
"Gising na mahal na prinsesa~. Kung hindi, hahalikan na kita."
Huh? Anong sabi niya? Nababaliw na ba 'to?
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. At aking nasilayan, ang aking Kuya Raffy na papalapit sa mukha ko. Nahihibang na talaga itong kuya ko na 'to! Sa aking pagka-bigla ay sumigaw ako ng malakas, sumandal sa uluhan ng aking kama at hinila ko ang aking kumot at itinakip sa aking katawan.
Ako na pala si Dahlia. DaDa for short. Dahlia kasi, ito yung paboritong bulaklak ni Mama. And since malaman ni Mama na babae na yung pinagbubuntis niya noon - at ako yun, ay nag-isip na siya kaagad ng magandang ipapangalan sa akin. Naaalala ko noon, laging sinasabi sa akin ni Mama, na kaya niya daw ako pinangalanan na Dahlia, para kapag tatawagin at makikita niya ako, mapapangiti siya, kasi nakikita niya sa akin ang ganda ng paborito niyang bulaklak.
At ito namang mga kuya ko ang nagbigay ng pangalang DaDa sa akin. At ang istorya na ito ay tungkol sa mga kapatid kong sobrang protective sa akin. Pero, wala akong brother complex ah! Siguro minsan mayroon, pero yun lang ang mga times na hindi ko mapigilan ang sarili ko. Dati, natutuwa pa ko sa pagiging protective nila sa akin. Pero iba na ngayon, minsan na lang ako natutuwa sa kanila, madalas, nakakainis na. Tinuturing pa rin kasi nila akong bata! At saka, wala akong kalayaan. Para akong isang mayamang sosyal na kailangan ng mga bodyguards kapag aalis. Minsan pinagsasabihan ko sila na huwag nang masyadong mag-alala sa akin. Pero ang lagi lang nilang sinasabi, "tungkulin namin ang protektahan ka." Nye nye. Ang swerte ko naman oh. Dati. Ngayon, hindi na.
"Ano na naman ang ginagawa mo kay DaDa?!" singhal ni Kuya Zeke. "At saka, ano na naman iyang suot mo? Nakakasuka ka talaga!" dagdag niya.
"Ahh~ ito ba? Well, ito ang aking bagong gawa na damit. Ang ganda di ba?" sabi ni kuya Raffy habang kinukusot ang kanyang tenga dahil sa kanyang pagka bingi sa sigaw ko kanina.
Suot-suot ni kuya ay isang maid outfit na kulay black at kulay puti naman ang apron. At mayroon pang idinagdag na kung anu-anong kolorete sa damit. Yup! Si kuya Raffy nga pala ay isang Fashion Designer at mahilig mag-Cosplay. Err, more like magsuot ng mga damit na gawa niya. At madalas, puro mga pambabae ang isinusuot niya. No. Hindi siya bakla. Tinanong ko na siya noon tungkol dyan. At sinabi niya sa akin na passion lang talaga niya ang paggawa ng mga damit at suotin ito.
Belle Création. Si kuya Raffy ang nagpatayo at nagpapatakbo nito. Isa sa mga sikat na fashion designer itong si kuya. Madalas siyang nandito sa bahay. Pumupunta lang siya ng kanyang trabaho, kapag kailangang-kailangan na siya. Or kapag may event show na magaganap.
Iba ang personality ni kuya Raffy dito sa bahay at doon sa kanyang opisina. Dito, yan! Isa siyang, di mo malaman kung nanay ba o tatay. Kung kuya ba o ate. Pero siya ang namamahala at nag-aalaga sa amin dito sa bahay. Simula nang namatay si Mama ay siya na ang nag-aruga at nagpalaki sa amin. Si Papa naman palaging umaalis ng bansa dahil sa trabaho niya. At dahil panganay sa aming lima, siya ang naatasan na mag-alaga sa amin. Kaya nga mas gusto niya pa na dito sa bahay at pinagsisilbihan kami, kaysa doon sa trabaho niya na siya ang boss.
Sa opisina naman ni kuya. Naku! Ibang-iba ang personality niya kapag nagta-trabaho na siya. Sobrang seryoso. One time nga, nakita ko siya na puspos sa pagta-trabaho. Sobra ang pagkasubsob niya sa kanyang ginagawa at ang seryoso ng mukha niya. Naisip ko nga noon, si kuya Raffy ko ba ito? At dahil sa sobrang kaseryosohan niya ay natatakot ang kanyang ibang assistant na i-approach siya. Para bang natatakot sila na baka kainin na lang sila bigla ni kuya. Pft. Di nila alam, napakabait ni kuya. At talagang seryoso lang siya sa trabaho niya.
BINABASA MO ANG
My Overprotective Brothers
Teen FictionI am Dahlia and this story is about my four brothers with a different personalities. I'm the only daughter in our family. Since our Mom passed away and our Dad's been spending more time on his work, my brothers became my parent. Kuya Raffy, the elde...