Chapter 8: 1st day :)CASEY POV
"Sa wakas guys! New school! New Life! And maybe New love life to us!" Im so excited to meet new girls in this school
"Asus! Sey! Babae na agad inatupag mo. Hoy! Aral muna bago landi" sabi naman sakin ni Trevor
Bwiset talaga yung lalaking yun napaka mapang asar!
"Serious na guys. Bakit nga ba tayo lumipat dito eh maganda naman na yung dati nating school ah" nakakacurious talaga eh
"Casey mamaya ka na magtanong malalaman mo din yan" sabi ni keiran
"Tama si keiran kaya tara na kailangan na natin makita si kuya zethus" sabi naman ni Daniel
Habang naghahanap kami nung office daw ni kuya zethus napapansin namin na parang wala man lamang kaming nakakasalubong na mga students. Sabagay baka nasa mga rooms na sila. Sayang naman hindi man lamang nila makikita ng malapitan ang mga gwapo naming muka -.-
GAVIN POV
Sobrang curious na talaga kami kung bakit kailangan pa namin lumipat ng school eh maayos naman kami sa dati naming school. Hays! Sakit naman sa ulo mag isip kung bakit lumipat kami! Hindi bale andito naman na kami sa tapat ng office nung kuya zethus daw sabi ni Daniel. Malalaman na din namin kung bakit. Im excited to this new school
ZETHUS POV
*FLASHBACK*
"Senyorito may bisita po kayo nasa sala na po sya" sabi ng katulong namin
"Sige po susunod na ko. Nga po pala paki bigyan sya ng meryenda tska pakisabihan ang mga kapatid ko na aalis kami after 2 hours"
"Ok po senyorito"
Umalis na ang katulong kaya nag ready na ko para lumabas.
"Good morning Daniel" bungad ba bati ko sa aking bisita
"Good morning din Kuya Zethus" magiliw na bati nya sakin
"May gusto akong sabihin sayo at importante to kaya kita pinapunta dito"
"Sige po tungkol po ba saan to?"
"Didiretsuhin na kita. Gusto ko lumipat kayo sa Dermont Academy"
"At bakit naman po namin kailangan lumipat sa Dermont Academy masaya naman na po kami sa school namin"
"Lumipat kayo sa Dermont at gusto ko harangin nyo lahat ng performance ng Goddesses at ako na bahala sa inyo"
"Goddesses? Ano naman po kinalaman namin sa kanila? "
"Lalaki kayo at mas madali kayo maka attract ng fans. Kesa sa mga girl groups. Oo goddesses gusto ko kalabanin nyo sila"
"Parang clash kuya? Madali lang samin yan lalo na babae pa sila"
"Oo parang clash nga. Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. "
"Sige kuya. Yun lang po ba?"
"Hindi lang yun sa monday na ang pasukan nyo at gusto ko mag perform kayo sa mismong opening ng school year"
"Ok po. Masusunod. Mauna na po ako para masabihan ko yung ibang kasama ko" paalam nya sakin"Nga pala dumiretso na din kayo sa boutique ng school para makakuha kayo ng uniform nyo" pahabol kong sabi
*END OF FLASHBACK*
XANDRINE POV
"Girls ano ok na ba kayo?" Tarantang tanong ko kasi naman si zeira nung friday lang samin sinabi na mag peperform pala kami sa opening ng school year. Tuloy 2 days lang kami nag practice pero ok lang kasi yung pinili naman naming ipeperforn eh kabisado na namin kaya konting ayos lang kailangan