Ace's POVNanatiling naka-upo lang ako sa mahabang couch ng opisina ni boss ng biglang may kumatok. Kaya dali-dali ko namang binuksan at iniluwa neto si Miss Thea na nakangiti.
"Hi Ace! By the way, where's babe?" Bati neto sa akin saka hinanap si boss.
"Nasa private room may mahalagang tao lang na kausap." Nakangiti kong sabi kay Miss Thea. Kausap kasi ni boss si Mr. Chua sa private room.
Si Mr. Chua kasi ang major holder ng kagami empire. Kung saan nabibilang ang mga sikat na personalidad sa negosyo. Si boss naman ang big boss ng kagami na hindi alam ng marami.
"Okay! Hihintayin ko nalang siya dito, malapit naman siguro silang matapos." Sabi neto saka umupo sa swivel chair ni boss. Hinayaan ko lang siya dahil wala akong masabi. Magdedate lang naman siguro sila mamaya, matagal pa naman mangyare ang pinaghahandaan namin.
Bumalik ulit ako sa pagkaka-upo ko sa couch kanina saka kumuha ng sigarilyo at sinindihan.
Ilang minuto lang at lumabas na sila Mr. Chua at boss galing sa private room. Kahit nga si Mr. Chua hindi alam kung sino ang tunay na big boss ng kagami.
Nagpaalam muna si Mr. Chua saka lumapit si Miss Thea kay boss na ginawaran ng halik at yakap.
"Babe, can we go now?" Masayang sabi niya kay boss.
"Where and why?" Diretsang sabi naman ni boss na bakas ang inis sa boses. Hindi ko nga alam kung manhid ba talaga si Miss Thea o ano. Halata namang ayaw ni boss sa kaniya, pinagpipilitan pa talaga ang sarili niya.
"Remember you promise me that you're going to date me now." Sabi niya habang nakangiti. Maaawa na sana ako sa kaniya pero naiintindihan ko din naman si boss.
"Yeah, sorry I forgot. Let's go." Sabi ni boss na naging malambing ng kunti. Kaya walang masidlan ang saya ni Miss Thea.
Lumabas na sila ng opisina at ako nalang ang naiwang mag-isa. Aalis 'din naman ako pina-una ko lang sila boss, may aasikasuhin 'din akong utos ni boss. Matagal ko 'din namang sinusunod ang mga utos na yun kaya lang hindi pa natatapos. Si boss lang ang nakakaalam kong kailan.
Xyrene's POV
Sa limang taon na lumipas marami ng bagay ang nabago't nawala. Hanggang ngayon buhay parin sa akin ang mga ala-ala ni Zayn na may halong pagsisisi.
Kung alam ko lang na mangyayare 'yun sana minahal ko nalang siya ng maaga. Hindi sana naging kawawa ang anak naming si Calibre. Napakabata pa niya pero wala na siyang matatawag na daddy.
Ilang araw na 'rin ang nakalipas 'nung dumalaw kami sa puntod ni Zayn. Parang nawawala ang pangungulila naming mag-ina kapag dinadalaw namin siya.
Araw-araw kong pinapaalala sa anak ko na mahal na mahal siya ng daddy niya. Para kahit papaano maramdaman niya ang pagmamahal ng daddy niya.
Napapangiti pa ako sa tuwing naaalala ko ang nakaraan naming dalawa. Gusto nga niya noon na mabilis na lumabas si baby para 'daw may kasama siya.
Nakakalungkot lang na ngayon na malaki na si baby, wala naman siya. Kung pwede lang sana ibalik ang dating nandiyan pa siya sa tabi ko na pinapasaya ako, gagawin ko ang lahat mangyare lang 'yun. Pero hindi na pwede, marami ng lumipas na hindi na pwedeng ibalik.
Napasinghap pa ako ng hangin ng may yumakap sa akin sa likuran. Sa mga kamay niyang cute alam kong siya ang anak kong si Calibre. Humarap ito sa akin na may pagtataka.
"Mommy, why you look so sad? I think I know the reason mommy, it's because of daddy again. Am I right, mommy? Mom I missed daddy also but please control your emotion mom. That's not good on you. I'm here I can be like daddy Zayn if you want, mommy." Mahabang sabi niya na nakapagpanganga sa akin. Paano niya nasasabi 'yun e limang taong gulang pa lang siya.
YOU ARE READING
New Life With The Mafia Boss [ONGOING]
No FicciónDisclaimer : This story is the Book 2 of Kidnapped By The Mafia Boss. Since, I also don't know why I end the story like that (tragic) , so that's why I make book 2 to make it all clear. Let's all witness Xyrene's life having a New Life With The Mafi...