24: Tell Me

50 7 8
                                    

Jansen's POV

"Good, Afternoon po. Atty Simson." Magalang kong bati pagkatapos kong makapasok dito sa office ng dad ni Jessica 

"Good, afternoon din po." Nakangiti kong saad, at sinenyasan nya kong umupo. Kaya naman umupo ako

Tumingin ako kay jessica na nasa tapat ko, nag iwas lang sya ng tingin saakin at ganun din ako sakanya

"Maraming salamat naman at pinaunlakan mo ang pagaanyaya ko, nga pala. Kamusta ka na hijo?" Tanong ni Mister Simson at nakangiti naman akong tumango sakanya

"Maayos lang naman po ako," Nakangiti kong sagot

"Maayos pang-asar kamo," Binalingan ko ng tingin si jessica at inirapan ko

"Hijo, dederstuhin na kita. Una, nag papasensya ako sa ginawang kasumpaldahan ng anak ko. Aaminin ko,  sinabi ko nga sakanya na wala na ang pamilya ng lolo mo noon dahil hindi na namin nakita ang mga kamag anak nya."

"Naiintindihan ko po, pero...kaya po talaga ako pumunta dito sa converse city para imbistigahan ang kaso ng napatay kong lolo. Actually po, polsci student ako dito. Balak ko din mag take ng law, pagkatapos gusto kong buksan ang kaso ni lolo--"

"Sinasabi ko na kaagad sayo, Jansen. Mahirap gawin ang gusto mong mangyari. Hindi hit and run ang nangyari sa lolo mo, sinadya syang patayin."

"A-alam ko po, nakita mismo ng mga mata ko pero kapag sinasabi ko. Walang naniniwala saakin." Napahinto si Mr. Simson dahil sa sinabi ko

"Sino po...satingin nyo po, sino ang pumatay sa lolo ko." Seryoso kong tanong kay attorney simson

Nagkatinginan muna silang dalawa ni jessica bago nya ako sagutin

"Tinitignan namin ito, Hinihinala ko na din to dati pa. Ang kaso wala akong mahanap na ebedensya, iniisip ko na si Mayor Henry Santiago ang totoong nag tatag ng notorouise na gang dito sa city na to." 

"Hinihinala din po namin yan."

"Namin?" Kunot noo nyang tanong

"Opo, nag iimbistiga din po kami tungkol dyan. Yung kapatid po kase ng kaibigan ko, si Harold....yung kapatid nya, isa sa mga inenjectionan at pinag-experementuhan nung gang na tinutukoy nyo din po."  

"Sabi ko na, kailangan lang atin ng sapat na ebedensya para malaman lahat ng yan----"

"Iniisip ko po, kung...pwede nyo po kaming tulungan---"

"Matanda na si dad, hindi na nya kaya yon---" Pinutol nI atty ang sinasabi ng anak nya

"No, jessica. Kung hindi ako ang tutulong sakanila...pwedeng ikaw." Nagkatinginan kaming dalawa ni Jessi at agad lang naman syang nag iwas ng tingin.

Looks like, magiging team kami'

~*~

"Oh!? Bakit....kasama mo si reporter?"  Tanong ni Jicel pagkapasok namin ng detectibe faculty

Nakasara naman ang mga bintana at kurtina, simbolo na may mahalaga silang pinag uusapan.

Isinara ko ang pinto at malawak na ngumiti sakanila

"Si, Reporter Simson kasama na natin si Jessica sa pag iimbistiga simula ngayon." Nakita kong nagulat sila Rose dahil sa mga reaksyon nila

"Talaga? Paano?" Tanong nI Sandy 

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon