“AH- T-Tu---b--------ig..” kahit pagsasalita nahihirapan ako. Sana kaya kong sabihin kung anong nasa isip ko ngayon.
Yung dating makabasag pinggan kong boses, ngayon naikukubli na lang. Wala na akong masabi.
Sinubukan kong tumayo. Pero daig ko pa yung lasing, kailangan ko pang humawak at kumapit sa pader at gilid ng kama ko. Wala si mama eh, baka bumili ng makakain.
Siya lang naman ang kumakain kasi hindi ko na kayang ngumuya o lumunok man lang.
Ang hirap magkasakit noh? Lalo kung ganitong sakit.
*BOOGSHH*
ARAY. “M----Ma..”
“Ano ka ba namang bata ka! Tsk tsk tsk.”
Buti nanjan na si Mama. Hindi ako makatayo. Pati yung hawak kong baso nabasag pa. Ayan tuloy nasugat pa braso ko.
“Alam mo namang di mo kayang tumayo eh. Sana hinintay mo na lang ako..” Inakay ako ni Mama pabalik sa kama ko at dinampian ng panyo ang sugat ko.
BINABASA MO ANG
Before I Die
RomanceBEFORE I DIE A short story by jonnyMOMO My mom told me that I always cry my lungs out when I was still a baby. Taking and gaining their attention is what I like. Well, I always succeed regarding that. They love how jolly and energetic I am. That's w...