C12

15 4 0
                                    

C12
Something's not right

"Vhen?!" Takang tanong ko.

Anong ginagawa niya rito? Sa lahat ng lugar na maaari ko siyang makita, bakit dito pa? As far as I can remember ay apo siya ni Dean kaya bakit siya napadpad ngayon dito at naging waiter namin?

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba busy ka ngayon?" Tanong kong muli. Niliingon niya ako at tinaasan ng kilay.

"I am not allowed to answer personal questions, ma'am. Can I now take your orders?" Nilingon ako ni Suna at nilakihan ng mata kaya hindi nalang ako nagsalita.

"I'm sorry about that. We'll order this." Singit ni Suna at itinuro ang nasa menu. Siya na lamang ang nag-order ng aming makakain.

Pinagmasdan ko naman si Vhen na nasa aming harapan. Nakasuot siya ng red polo shirt na naka tucked in sa kaniyang black jeans. Naka-cap din ito ng kulay red. May hawak siyang maliit na notebook at ballpen kung saan niya isinusulat ang mga orders namin. Hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang nasa harapan namin ngayon.

Ang unfair! Bakit kahit ang simple lang niyang tingnan ay ang lakas pa rin ng charm niya? Pogi siguro lahi nina Dean.

Umalis na siya sa aming harapan at dumiretso sa counter para ibigay ang mga orders.

"Shy, close kayo ni Vhen?" Tanong muli sa akin ni Emma.

"Oo." Sagot ko. Close naman kami sa school. Magkatabi kami ng upuan kaya malapit kami sa isa't isa.

"Really?!" Nanlalaki ang matang singit ni Gidi. "Kilala siya bilang cold hearted."

"Yes, true ka diyan, Gids. Si bebe Arlo lang ata ka-close nun." Saad ni Emma.

"Bebe?" Takang tanong ko.

"Oh! He's my b-boyfriend." Mahinang sagot niya naman. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mukha. Ang cute! Parang hotdog.

"Now I think your brain should be checked as well." Naiiling na wika ni Suna.

Ngumuso si Emma at ipinagtanggol ang kasintahan. Si Suna ay nakataas kilay pang nakikinig sa sagot ni Emma. Si Gidi naman ay dedma at nakatutok lang sa phone niya.

"Rest room lang ako." Paalam ko sa kanila. Ni hindi man lang nila ako nilingon kaya tumayo na ako at dumiretso na sa left side ng resto kung saan matatagpuan ang rest room. Pagkapasok ko sa loob ay dumiretso na ako sa isang cubicle at hindi nagtagal. Hinugasan ko na ang aking kamay at naglakad na patungong pintuan. Nang akmang bubuksan ko na ito ay biglang tumunog ang phone sa bag ko dahil sa isang tawag.

~Come along with me
And the butterflies and bees
We can wander through the forest
And do so as we please~

Patuloy na tumugtog ang aking ringtone kaya hinanap ko ito sa bag ko pero hindi ko mahanap. Binuksan ko ang pinto ng rest room at habang naglalakad ay patuloy kong kinakapa sa aking bag ang aking phone.

Asan na ba kasi 'yun?

Habang patuloy pa ring kinakapa ay biglang may nakabunggo sa akin kaya napaupo ako sa sahig. Narinig ko naman ang naglaglagang mga babasaging baso at nakita ang napakaraming bubog sa aking harapan.

"For Pete's sake, watch where you're going, will you?!" Sagot ni Vhen habang nanlilisik ang mga matang tumitingin sa mga bubog na nasa aking harapan. Naku namam, Shy!

"Sorry, tutulungan na lang kita." Sabi ko at akmang pupulutin isa-isa ang mga bubog ngunit hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Aray!" Daing ko dahil sa sakit.

Linuwagan niya ang hawak sa aking kamay at nilingon ako gamit ang nakataas niyang kilay. Sinulyapan niya naman ang aking kamay at nakita ang malaking pasa ko roon. Kumunot ang noo niya pero naging blanko rin kalaunan.

Untamed Demons From Within(La Verde Series 1)Where stories live. Discover now