💟EPILOGUE💟

1.9K 32 6
                                    

"Mommy bakit ang tagal pong dumating ni Tita Zyrelle?" tanong ni Khate kay Katherine. Lahat sila ay nasa simbahan na tanging ang bride na lamang ang hinihintay.

"Baka natraffic lang yun baby." sagot naman niya sa anak niya sabay ngiti. Ganitong ganito din ang mga pangyayari noong ikinasal sila ni Zach.

Masaya siya na ikakasal na sina Zyrelle at Brix ngayon. Sino bang mag-aakalang aabot din pala ang dalawa sa simbahan at hindi habambuhay na lang na mag-aasaran.

"Mukhang hindi ka na sisiputin ng kapatid ko ah." Pang-aasar ni Zach kay Brix kaya sinamaan siya naman nito ng tingin. Gantihan lang kumbaga.

Maya maya pa ay bumukas na ang pintuan ng simbahan. Makikita doon ang isang napakagandang bride na kasama ang mga magulang nito.

"My sister is so precious so don't you dare hurt her dahil kapag nangyari iyon ako ang tatapos sayo." Pananakot ni Zach sa kanya.

Ngunit ang kanyang atensyon lang ay nakatuon lamang sa babaeng pakakasalan niya. Parang siya na ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo because he will have Zyrelle Montefalco as her wife, but later her surname will change into Miller. And he excited for that.

~Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak
In that very moment
I found the one
And my life have found
It's missing piece
So as long as I live I love you
Will heaven hold you
You look so beautiful in white, tonight~

"Ang ganda ganda naman ng pamangkin ko." Saad ni Scarlett habang nakatingin sa pinakapaborito niyang pamangkin na manang mana rin sa kanya.

"Ayos ah. Sino mag-aakalang may igaganda pa pala si ate Zyrelle." Manghang wika ni Zaiji habang nakatingin sa nakatatandang kapatid na ikakasal na.

"Ako mismo ang bubugbog kay Brix pag masasaktan si Zyrelle ng dahil sa kanya. Walang kapa kapatid pag nangyari iyon." Sabi ni Khaix habang nakatingin sa pinsan. Kaya mahina silang nagtawanan ni Zaiji.

"Baby Zyrelle are you sure na magpapakasal ka na talaga?" napangiti na lamang si Zyrelle sa tanong ng Mommy niya. Saka pa ito magtatanong kung kailan malapit na sila sa altar.

"Why mom hindi niyo na ba siya gusto para sa akin?" halos pabulong niyang sabi. Mahina na lamang itong natawa. Ang atensyon ng mga tao sa simbahan ay sa kanila lamang nakatuon.

"Nag-aalala lang ang Mommy mo dahil nanalaytay pa rin sa dugo niya ang dugo ni Richard baka matulad siya sa ama niya." Sa wakas ay nagsalita na rin ang daddy niya.

"Dad nagbago na si Tito Richard at kasal na rin sila ni Tita Scarlett. Hindi ka pa rin ba nakakamove on hanggang ngayon Dad."

"Your husband is an engineer madali lang para sa kanya ang gumawa ng magiging bahay niyo and soon aalis ka na rin sa mansion. Si Zaiji na lang ang maiiwan samin." natawa naman siya sa huli nitong sinabi.

Magsasalita pa sana siya pero nasa harapan na pala sila ng altar at ipapaubaya na siya ng kanyang mommy at daddy kay Brix.

"Ingatan mo ang anak namin ha." Yun lamang ang sinabi ng mommy niya. Kapagkuwan ay niyakap nito si Brix. Sobrang saya ang nadarama ng bawat isa sa kanila sa oras na iyon.

"Makakaasa po kayo." Ang naging sagot nito sa Mommy niya. Ang daddy niya naman ay walang sinabi pero may ibinulong ito kay Brix saka mahinang tumawa.

Agad ding umalis doon ang mga magulang niya at nagsiayos na ang lahat.

"Your so beautiful Zyrelle." bulong nito sa kanya.

Alam niya naman na Lagi na siya maganda pero lalo siyang gumanda dahil sobrang naayusan ito. Ang dami kasing kinuha ng Mommy niya na make-up artist. Dahil Kasal daw kasi ito ng nag iisang unica hija nila.

I love you and I hate thatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon