CHAPTER 10.LET'S TALK

39 13 4
                                    

Tama kung hindi dahil sa lalaking iyon hindi sana mas lalong magalit sa akin si Ana.Kasalanan niya ang lahat nang ito.
Hindi ako natuto sumakay ng kalabaw.Napagalitan pa ang mga pinsan ko dahil sa akin.At ngayon may pilay pa ako.Kung makita ko ulit siya makakatikim talaga siya sa akin ng mura o suntok.

"Hoy!!Kelly tulala ka na naman diyan?Iniisip mo naman ang lalaki na yon ano?Nakakahalata na kami ah.Type mo ba siya?".

"Huo type ko siya!!!",pabitin kong sabi tinitingnan maging reaksyon nila lalo na si Bash. Nakita ko kung paano magsalpukan ang mga kilay niya at paghigpit ng hawak niya sa paa ko..Nagseselos ba siya.Hay naku assuming ka girl kastigo ko sa sarili ko..

"Ohhh...no..",rinig kong sabi nila.

Napatawa ako sa mga reaksiyon nila.Nagbibiro lang naman ako..

"Type ko siya sakalin at lunurin sa sapa pagnakita ko siya uli,hahaha ",sabi ko sabay tawa.

"Aysus grabee na ang reaksyon ng iba dito nagbibiro  ka lang pala kas,"sabi ni Clayde.

"Huo nga kung di lang napapahalataan eh selos na selos na ang iba diyan,"dagdag na tukso ni Enzo habang nakatingin kay Bash.

"Kailangan yata ng pampalakas ng loob ng iba dito para umamin na at baka maunahan pa ng iba diyan",bwelta na sabi ni Matthew.

Nakakunot ang nuo ko na napatingin kay Bash.Naninigurado kung totoo ba ang sinasabi ng mga kaibigan niya .Mahirap na kasi mag assume baka mapahiya lang ako.Ngunit wala naman akong nakikita sa mukha niya o magaling lang talaga siya magtago ng feelings niya.

"By the way bestie kwento mo naman bakit ka nga nahulog sa kalabaw.Kanina ka pa namin kinukulit ayaw mo magsabi.Ano ba ginawa ng lalaking iyon at nahulog ka?",pangungulit na sabi ni Airah.

"Ayaw ko nga magkwento kasi naiinis ako na maalala iyon eh.Huwag kana kasi makulit Ai",inis kong sabi.

"Bakit kasi ayaw mo ikwento para alam namin kung ano nangyari at napilayan ka.Is he special to you o pinagtatanggol mo lang siya",seryosong sabi ni Kate.

"Hindi naman sa ganun Kate at bakit ko naman ipagtatanggol ang lalaking iyon.At saka kahit pangalan nun di ko alam eh.Kaya wala akong gana magkwento tungkol sa kanya",sabi ko.

"Ganun naman pala eh.So talk now Kelly about that guy at kanina pa ako nanggigil dito at nasaktan ka ng dahil sa kanya.I want to know the story.So now talk",Bash demand.

Grabe talaga ang lalaki na ito super demanding naman ayaw ko nga magkwento eh.Bakit ba kasi namimilit sila kainis naman.Nakabusangot ako na nakatingin sa kanila.Kaso pagtingin ko kay Bash nakataas na naman ang kilay niya at mukhang napipikon na siya.Mahirap pa naman ito magtampo hirap suyuin.Kaya wala na akong nagawa.Sinabi ko sa kanila kung ano talaga ang nangyari.

"So dahil lang sa hindi mo siya pinansin kaya niya ginawa iyon",tanong ni Clayde.

"Wow grabe talaga ang karisma mo kelly",sabi ni Enzo.

"Bakit ka kasi nagsuplada?Gusto ka lang pala niya makilala eh",dugtong ni Kate.

"Hindi ko nga gusto ang presensiya niya.Iwan basta hindi ko bet na kausap siya.Parang may dark awra na nakapalibot sa kanya.Iyong tipong pagkasama mo siya may mangyayari na masama",sabi ko.

I love you 'till endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon