CHAPTER 7

165 1 1
                                    

CHAPTER 7

Pagkaupo ko sa upuan biglang nagsalita si Jazer, hindi sya nakatingin pero alam nya pala ang mga nangyayari

"galing mo ah," sabi ni Jazer na patuloy pa rin sa drawing

"hinulaan ko lang yun," sagot ko

"Oo ang galing mong manghula haha," sabi nya

Hindi ko pa matantsa si Jazer pero parang weird syang tao, hindi ko alam kung papetiks petiks lang sya o nag-aaral ng mabuti, may time na lumilingon sya sa harap, ewan ko kung nakikinig sya pero mukhang mas focus sya sa pagdadrawing ng kung ano, ewan pero parang anime haha, pero blanko ang utak nya habang ginagawa ang multi-tasking nya

Pero nagulantang ako ng magpa-quiz na si ma'm, 1whole sheet of paper daw eh naiwan ko pala sa bahay yung isang pad ng yellow paper ko, ang aga ko yatang mag-ulyanin ah

Pero hindi ako nag-iisa, mukang wala ring papel si Jazer, bitbit nya lang yung manipis na notebook na pinagdo-drawingan nya sa likod, ganun din yung mga katabi ko, mga wala ring dalang papel pero mukhang may mas diskarte sila sa buhay, nakahingi sila ng papel dun sa unahan namin, manghihingi sana ako dun sa pinaghingian nila pero ubos na daw

Si Jazer hindi pa rin kumikilos, gusto kong tanungin kung meron syang papel pero parang nahiya ako ng konti, balak ko ng lumabas para bumili na lang pero pinigilan nya ako ng hawakan nya yung uniform ko

Lumingon ako sa kanya at nakita kong umiling sya, ayaw nya akong paalisin kaya bumalik ako sa pagkakaupo, pagkatapos nun pinakita nya yung notebook nya at saka binalasa, nakita ko yung mga nakaipit na yellow paper nya, nakatupi ito ng 1/2 crosswise, magkakahiwalay yun sa bawat pahina kaya di halata na may nakaipit, palingon lingon pa sya na parang tinitingnan kung lahat ay may papel na

Pagkatapos ay pasimple syang humugot ng isang papel at inabot nya sa akin "oh sayo na tong isa," sabi nya

"oy salamat," sabi ko

"sshh wag kang maingay, baka may manghingi pa,"

"huh?"

"itinago ko nga para walang manghingi eh, madamot na kung madamot pero madamot talaga ako,"

Halata nga na madamot si Jazer pero nagpapasalamat pa rin ako kahit papaano di nya ako pinagdamutan haha, ang problema na lang ngayon yung isasagot ko, wala akong natutunan eh

Isinulat na ni ma'm sa whiteboard yung sasagutan namin, 10 items na yung puro x and y yung problem, napag-aralan na ito ng highschool kumbaga binabalikan lang namin ngayong college, pero nakalimutan ko na talaga sya kaya wala akong masagot

Kinopya ko na lang yung mga problem para magmukhang may laman yung papel ko, pagkatapos ay napalingon ako kay Jazer, medyo nasilip ko na marami ng laman yung papel nya, pero tama naman kaya yung sagot nya, gusto kong kopyahin yung sagot nya kaso nakaharang yung kamay nya dahil kanan yung ginagamit nyang pansulat, eh nasa kanan ako eh

"walang kopyahan ha," sigaw ni ma'm Grace

Napatingin ako kay ma'm akala ko nahuli nya ako pero hihintayin ko pa bang mangyari yun, syempre hindi na, tinanggap ko na lang na maging itlog yung score ko may iba pa namang pagkakataon d=__=b

Pagkatapos namin sagutan yun ay nakipagpalitan kami ng papel sa kabilang row para check-an, eh kamusta naman yun, parang highschool lang diba, nakakahiya pero pinasa ko na lang

"lagay nyo ng corrected by, para pag mali yung nagcheck minus one sa kanya," sabi ni ma'm Grace

Aba dapat pala galingan ko ang pagcheck dahil baka magkaroon pa ng negative one na score haha, XD

Natapos na namin check-an ung mga papel, kaso hindi pa pala tapos yung kalbaryo at tatawagin pa isa isa yung mga pangalan namin para sabihin yung score, parang gusto kong mag-cr that time para lang matakasan ang kahihiyan pero buti na lang yung taong nagcorrect ang magsasabi ng score mo, at least pangalan mo lang madudungisan haha, baket kilala ba nila si Dark

Gaya nga ng ineexpect ko nakazero ako sa quiz nung banggitin yung name ko, nabadtrip lang ako dun sa nagsabi ng score ko dun sa kabilang row, ang lakas ng boses, babae pa naman buti na lang di na mention ni ma'm yung score ko haha

Pero mas bumilib ako kay Jazer nung tawagin yung name nya, naka nine correct sya out of ten, matalino pala si Jazer di man lang namahagi ng sagot pero parang di sya masaya sa score nya

( teka paano naging nine yun? )

Yun ang nasa isip nya na palingon lingon dun sa kabilang row kung saan kami nakipagpalitan ng papel, hindi ko alam kung bakit pero baka nakatsamba lang sya at hindi makapaniwalang naka nine sya kaya ganun

Pagkatapos mairecord ni ma'm yung mga score namin, binalik na sa may ari yung mga papel at nakita ko yung papel ko na puro ekis hahaha

Pero nung makuha ni Jazer yung papel nya, napakamot pa sya ng ulo tapos bigla syang tumayo at tinitingnan yung mga nakasulat sa whiteboard parang tinitingnan nyang mabuti kung tama yung sagot nya o hinde, pero nagulat ako ng may sabihin sya

"teka ba't mali ito, eh tama naman yung sagot ko ah," sabi ni Jazer

Eh diba isa lang mali nya, so ibig sabihin perfect score pa gusto nya

ITUTULOY. . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon