Chapter 1
"Aimee!"
Sigaw ng bestfriend ko, napatingin ako sa kanya dahil na disturbo nya ang tahimik kong pagsusulat ng love story. Maingay pala ang classroom, ngayon ko lang napansin siguro dahil sa masyado akong hooked mahsulat at gusto ko na ring makatuntong sa kalagitnaan para mabasa na ng kapatid ko.
Hindi ako masyadong pala-salita hindi naman 'silent type' yun nga lang ayoko ng masyadong maingay kasi masakit sa tenga. At isa pa too much talk will bring you trouble so avoiding talaga ako.
Umupo sya sa front desk ko na para bang may ichi-chika sakin.
"Aimee! Narinig mo na ba yung hot issue for the day?" Kung ako tahimik ng konti, eto namang bestfriend ko madaldal at laging may ichi-chika.
Napa-taas ang isa kong kilay. "Talaga? Alam mo namang hindi ako interested pagdating jan eh.. Sabihin mo na lang yan dun sa mga chismosa nating classmates." At binaling ko na ang tingin ko sa pagsusulat. Narining kong napa-buntong hininga sya.
"Makinig ka nga muna kasi, para nang sa ganun hindi ka tatanga-tanga pag dumating sya."
"Darating sino?" This time tumingin na ko sa kanya at mukhang may interest na ko.
"O dba? interesting ? Kaya nga Hot Issue for the Day eh".. Simangot naman nya sakin, napangiti naman ako.
"Kilala mo ba si Arlan?" Napansin nyang na-coconfused ako at mukhang hindi ko talaga ma-gets kung sino yun.
"Si Arlan Lopez... Yung hunk-" Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya.
"Yung Mayabang? Yung feeling gwapo? Playboy? Heartbreaker? Manloloko? Troublemaker? Yun ba yun?"
Napatawa sya ng konti sa sagot ko.
"Hahaha, alam mo puro negative naman napansin mo sa kanya. Tsk tsk.. tanggalin mo na lang yung sa feeling kasi gwapo naman talaga sya noh. As in hello? Ilang beses na ba sya nanalo ng Mr. Pogi? Eh wala na ata yung sinalihan na hindi sya nanalo eh. Kaya ganun talaga level ng mukha nun. Yun nga lang nakakatakot fans nya, mukhang nangangain." At kinindatan nya ko.
Napangiwi na lang ako sa pinagsasabi nya.
Biglang tinawag sya ng mga chismosa girls sa kabilang row dahil malamang hihingi na naman yung mga yun ng news feeds. Napatingin sya sakin at nag-mouth sign na 'Later'.
Umalis na sya sa pagkaka-upo at at mabilis na tumakbo sa mga chismoso girls.
Binaling ko na ang atensyon ko sa pagsusulat. Gusto ko na ring matapos to at hindi ko na makayanan ang cute face ng sis ko na araw-araw nag mamakaawa sakin para lang tapusin ko to.
Ano kayang magandang way na magkakakilala si bidang girl at sa bidang boy? Hmm.. magkakabangga na lang sila, pwede rin yun.
Nagsisimula na kong magsulat ng biglang naghiyawan na lamang ang mga babae sa klase ko at nagtitilian na. Anyway, sanay na ko sa ganito kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat.
"AHHHH!!!! ARLAN!! GWAPO MO TALAGA!!" Ahh.. kaya pala maingay, si Arlan na pala kasi dumating na sa room namin.. pero wait.. bakit sya nandito? Ewan, anyway why do i care? Not interested.
Kinuha ko ang ipad ko at sinuot ang earphone. Hindi na ko maka concentrate dahil sa sobrang ingay na nakakabasag na rin ng concentration at tenga.
Nagpapatuloy na ko sa pagsusulat at damang-dama ko na naman ang kapayapaan sa aking utak.
Maya-maya lang ay may naramdaman akong umupo sa tabi kong desk seat. Pinabayaan ko na lang dahil nga ayokong masira ang concentration ko na naman.
Nagpapatuloy ako sa pagsusulat ng may nagtanggal ng earphone ko.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
Teen FictionTahimik at payapa lang ang highschool life ni Aimee. Pagsusulat ng story habang nakikinig ng romantic songs ang isa na ata na nagpapasaya sa buhay nya. Malayo sa gulo at ... ingay na hindi nya nakasanayang tanggapin. Ngunit masisira ang lahat dahil...