Jayron's POV
Isang buwan ng nakaconfined si Xeanne dito. Hindi na kami umalis sa tabi niya inaantay namin siyang gumising dahil sabi ng doctor comatose siya.
Incubator na lang ang bumubuhay sa kanya.
Tanging dasal na lang daw ang makakapagligtas sa kanya.
Sabi din ng doctor kung magigising pa siya baka daw magkaamnesia siyang muli.
Yung mga kaibigan ni Xea araw araw nandito pero si Akia galit kay kuya Joaquin. Umuuwi din sila kapag hapon na.
Sila ngayon ang bantay kay Xea kaya naisipan ko ulit magdasal sa kapilya.
Si Kuya Joaquin ay di ko madalas padalawin dito nitong nakaraang araw dahil wala na dito ang kapatid niya na si Lian. Nakauwi na si Lian nung nakaraang araw. Kayaa nakakadalaw si Kuya kay Xeanne ay dahil kunyari pababantayan ko siya at ako ang bibili ng pagkain para sakin.
Nandito ako ngayon sa maliit na kapilya ng simbahan para magdasal.
"Lord iligtas niyo naman po pinsan ko oh, Sana po huwag niyo siya hayaang sumuko kasi madami pang nagmamahal sa kanya. Sana hayaan mo pong maitama namin ang lahat at makabawi sa kanya. Hindi niya po deserve ang ganitong buhay. Sana po ay magising na siya. Iligtas niyo po siya." umiiyak na sambit ko habang nakaluhod at nagdarasal. "Hindi pa po kami nakakabawi sa kanya... Gusto po namin na bigyan siya ng magandang buhay di tulad sa kinalakihan niyang pamilya. Gusto ko pa po siya makasama ng matagal hindi pa po namin siya nakakabonding at hindi niya pa nakikilala ang mga tunay niyang magulang ang totoong pamilya na nagmamahal sa kanya." panalangin kong muli.
Pagkatapos ko manalangin ay pupunta na sana ako sa room ni Xeanne pero nagulat ako ng makita ko si Akia na mukhang may hinahanap.
"Akiaaa!!" tawag ko dito at agad itong lumapit.
"H-hoy si X-xeanne" sambit niya na halatang hinihingal.
'Si Xeanne daw'
"Ano gising na ba siya? Anong nagyari sabihin mo" kinakabahan na sagot ko.
"Si Xeanne dinala muli sa ER dahil biglang nagSeizure ang lagay niya" kinakabahan na sambit nito kaya napatakbo agad ako.
Nakita ko si Xeanne na naghihingalo.
"Doc bilisan niyo po baka mapaano ang pinsan ko please doc gawin niyo po ang lahat" umiiyak na sambit ko.
Tinawagan ko si Kuya akala ko napatawad ko na siya dahil sa nangyari kay Xeanne pero gusto ko magalit sa kanya muli.
"Alam mo kasalanan mo talaga lahat ito eh kapag napahamak si Xeanne kakalimutan kong magpinsan tayo" umiiyak na sambit ko.
"T-teka anong nangyayari kay Xea?" takang tanong niya.
"Nagcritical na naman siya kuya yung critical na pwede niyang ikamatay... ano masaya ka na ba sa paghihirap niya?" tanong ko pabalik sa kanya. "Sana kasi bago mo sinugod nakinig ka muna sa akin hirap Kasi sayo puro galit pinapagana mo" inis na sambit ko.
"S-sorry Xea at Jayron" umiiyak na sambit na nito. "Pupunta ako diyan"
"Wag na baka lalo pang may magtangka sa buhay niya" sambit ko tsaka binaba ang tawag.
YOU ARE READING
Waking up in Misery
AléatoireThere's a girl living in a small village, she's so beautiful and kind but her life seems so opposite in her appearance. She was abandoned by her family and now she's living all alone. She learned to live all by herself, explore about life and faced...