Mahal Kita (Short Story)

23 5 0
                                    

Bata palang kami may lihim na kong pagtingin kay Nash. Ang bestfriend ko. Hanggang ngayon wala paring pinagbago ang nararamdaman ko para sakanya mas lumalala pa nga habang tumatagal. Pano ko nalamang mahal ko na siya? Ewan ko rin eh. Basta nagising nlng ako isang araw na mahal ko na pala sya. Di ko sya maalis sa isipan ko, masaya ako pag nakikita ko sya, bukambibig ko sya pero lahat ng yan di nya alam kasi ayaw ko masira ung pagkakaibigan namin ng dahil lng sakin.

Pero... Isang araw nalaman ko nlng na may girlfriend na pala sya. Nagulat ako syempre. Pero mas nasaktan ako kasi ung bestfriend kong mahal na mahal ko may mahal palang iba. Ang mas malala pa an girlfriend nya ay si Anika. Si Anika na bestfriend ko. Sabagay ano ba naman ako ni Nash? Bestfriend nya lng naman ako diba?

Kaya pala may time na ang sweet sweet nila kasi pala parehas nilang mahal ang isa't isa. Pero kahit na nagyari yun ay naging supportive nlng ako para sakanila kasi kaibigan ko sila.

Wala naman kasing magagawa ang pagsesenti mode ko at pag iyak ko kada araw dahil nakikita ko sa kanilang dalawa. Kitang kita mo sa mga mata nila kung gaano nila kamahal at gano kahalaga sila kahalaga para sa isa't isa.

Ano pa nga laban ko kay Anika? Ano pa nga ba magagawa ko? Eh yan na yan eh. Sila na. Ano bang laban ko? Parehas nilang mahal ang isa't isa. Habang ako? Ako lng ang nagmamahal. Pag ba sinabi kong 'Nash, mahal na mahal kita. Matagal na, pwede bang ako nalang din ang mahalin mo?' ang selfish ko naman ata kung sabihin ko yan. Di naman nya ko mamahalin pag sinabi ko sakanya yan baka nga magmuka pa kong baliw na baliw para sakanya eh.

Araw-araw. Gabi-gabi. Oras-oras. Minu-minuto. Inggit. Yan ang nararamdam ko kada araw na nakikita ko silang magkasama.

Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayong. Masaya silang nag uusap habang ako naman op na op na dahil parang di nila ako kasama ung tila bang di ako nag eexist.

"Mag c-cr lng ako" paalam ko ngunt para lamang akong nakipagusap sa hangin

Hindi naman talaga ako nagc-cr dahil gusto ko lng naman talagang umalis don kesa naman sa mapanis ang laway ko at magmukang tanga na pata akong multo o hangin.

Simula nung araw na yon napagdesisyinan ki ng dumistansya. Kasi baka sabagal lng ako sa relasyon nila. Paunti-unti akong dumidistansya sakanila hanggang sa isang ihlap nawala na ang lahay. Hindi ko na sila kinakausap ni pinapansin. Wala lng sakanila ang paglayu ko. Ang masakit nga dyan baka hindi nila alam na lumalayo ako eh.

Ganun ba sila kamanhid para hindi maramdaman at malaman na lumayo ako sakanila? Feeling ko tuloy di naman talaga ako mahalaga at ni di nila ako tinuring na kaibigan. Baka nga ako pa naging tulay nila para umabot sa ganyan ang relasyon nila eh. Ako kasi ang nagpakilala sakanila sa isa't isa.

Kahiy mahirap at masakit ay unti-unti kong sinamay ang sarili ko ng wala sila, ng mag-isa. Dahil sa buhay ang taong hinding hindi ka iiwan at nandyan para sayo ay ang sarili mo.

Sabi nga nila. Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong di kanaman talaga mahal at alam mo sa sarili mong di ka talaga kayang mahalin.
Sabagay, muntik ko ng makalimutan kaibigan nya nga lng naman pala ako. Kaibigan nya lng ako.

Isa nalamang ang nais kong gawin bago ko sya kalimutan, bago ko kalimutan si Nash na mahal na mahal, si Nash na pinakamahal ko...

Pumunta ako sa lugar kung saan kami una nag kakilala ni nash, sa lugar lung saan kami palaging nakatambay ni Nash. Siguro nga dapat ko na talaga syang pakawalan kahiy na alam ko na wala namang kami. Wala eh. Naging asyumera ako. Kaya eto ung napala ko. Ang akala ko kasi parehas kami ng nararamdaman.

Pero bakit ganun? Si Anika parin? Kasi in the first place ako naman talaga ang nauna! Ako ung unang nakilala ni Nash. Ako ung unang nagmahal kay Nash bago pa sya mahalin ni Anika! Ako din ung unang tumanggap kung ano at sino si Nash. Bawat mali ni Nash ay tanggap ko. Ako ung palaging nandyan kay Nash pag kailangan nya ng masasandlan. Pero bakit sya pa?

Mahal KitaWhere stories live. Discover now