Huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.
~Hebreo 4:16 MBBKapag guilty tayo sa isang bagay kadalasan tayo'y nag-aalinlangang lumapit sa taong nagawan natin ng kasalanan. Iniisip natin na baka husgahan tayo o ipagtabuyan kaya naman mas pinipili nating lumayo na lamang.
Ngunit ibahin natin ang Diyos sapagkat laging nakaabang ang Kanyang mga bisig upang tayo'y salubungin ng mahigpit na yakap ng pagmamahal. Hindi natin kailangang magpanggap na okay o maaayos tayo bago lumapit sa Kanya. JUST COME AS YOU ARE! Dahil higit kaninuman Siya ang higit na nakakikilala sa atin. Bilang Ama nais Niyang sa panahon ng ating kahinaan at pagkalugmok ay sa Kanya tayo lumapit. Hindi natin kailangang mag-alinlangan pa sapagkat handa niya tayong tulungan upang muling makabangon.
He's more that willing to forgive us dahil sapat na at higit pa ang Kanyang kagandahang loob kung marunong lamang tayong lumapit, magpakumbaba at humingi ng tawad.
YOU ARE READING
Pursuing JESUS
SpiritualThis book is all about encouragements for those Christians who are pursuing Jesus. May the content of this book help you to continue your journey and finish the race. Marami tayong pagdadaanan sa ating paglalakbay ngunit sama-sama tayong magpapatulo...