Karl's P.O.V
Waaaaah!! Ansaya talaga. Woooo. Kakalaglag panteeeeeeh!! Pwede na ko mamataaaay!! De joke lang. Kailangan magcelebrate! Kailangan!! d(-^____^-)b
"Tol!! Dahil masaya ako ngayon, sa bahay tayo manood ng UFC!!! Libre pagkain, libre pamasahe, libre lahat!!"
Oo, ganito kami magcelebrate ni Spider. UFC or PBA marathon. Mga adik kasi kami. Minsan naman, kapag brokenhearted siya, ganito rin ginagawa namin. :)
"Sure, sure."
"Uy ayaw mo ba?"
"Gusto..."
Alam n''yo ba normal response ng gagambang yan? Ganito oh: "OHHHh sheeeeet. C'mon let's go tol!!! Gusto ko Goya with almonds ang pulutan ah. Hahahahaha. !!!! Sleep over ako para all night marathon!!!! Dalhin ko ba bago kong DVD?" *Results may vary depending on things or money*
Tapos ngayon ang reaction nya: (=____=) "Sure, sure." Labo ah.
"Ba't ang tamlay mo?" Nilapitan ko siya. Nakaupo kasi kami sa may bench sa labas ng school.
"Wala.."
"Oh sige, puro fights nalang ni Dan Henderson panoorin natin or puro games ng Talk n Text!!!! Kasi favorite mo yung mga yun, di ba?"
"Okay.."
*WAPAK*
"Pota naman tol!!! Bangag ka ba?? O natatae ka?? Anu ba problema mo?" Sa sobrang lakas ng sigaw ko, pinagtinginan kami ng mga tao pero wala akong pake.
"Wala nga eh! Ang kulit mo. Uuwi na ako." Tinabig nya yung kamay ko na nakahawak sa balikat nya at umalis na.
Wow. Naspeechless ako ah. First time akong winalkoutan ng bestfriend ko. Baka nga natatae lang yun. Lumakad na lang ako kaso biglang may humarang sakin.
"Hoy, ang yabang mo rin no!!!" sabi nung damulag. Teka, kilala ko 'to ah.
________________________________________________________________________________
Spider's P.O.V.
Tuwang-tuwa si Karl dahil sinave siya nung Art na yun... Naunahan lang naman ako eh. Ako dapat yung naging savior nya. Badtrip lang.
"Tol!! Dahil masaya ako ngayon, sa bahay tayo manood ng UFC!!! Libre pagkain, libre pamasahe, libre lahat!!" sigaw n'ya sa tenga ko. Tangena, kailangan manigaw?!
"Sure, sure." Wala ako sa mood. Kahit ritual na namin 'to tuwing may icecelebrate, wala pa rin akong gana.
"Uy ayaw mo ba?"
"Gusto.." Ayaw!
"Ba't ang tamlay mo?" Kasi nagseselos ako. Joke. x.x
"Wala.."
"Oh sige, puro fights nalang ni Dan Henderson panoorin natin or puro games ng Talk n Text!!!! Kasi favorite mo yung mga yun, di ba?" Hay nako, eto secret weapon niya kapag alam niyang badtrip ako. Must. Resist. Temptation. >.<
"Okay." SIGEEEEEEEHHHHH!!!!!!!
At bigla nya akong sinapak.
"Pota naman tol!!! Bangag ka ba?? O natatae ka?? Anu ba problema mo?"
"Wala nga eh! Ang kulit mo. Uuwi na ako." Tumayo na ako at umalis. Ugh. "Di ko rin maintindihan sarili ko.
Pinasak ko na lang yung earbuds ko at nakinig ng music... Tae, favorite song nya pa nagplay. -____-
Castle of Glass by Linkin Park (http://www.youtube.com/watch?v=ScNNfyq3d_w)
**A/N: Favorite band ko po**
^^Take me down to the river bend
Take me down to the fighting end
Wash the poison from off my skin
Show me how to be whole again^^
Bestfriends lang naman kami di ba? Ba't ako nagagalit nung niligtas siya ni Art?
^^Fly me up on a silver wing
Past the black where the sirens sing
Warm me up in a nova's glow
And drop me down to the dream below^^
Normal lang naman di ba, na magtampo ang tao sa bestfreind nya kapag may di sya nagustuhang bagay na ginawa nung bestfriend nya?
^^'Cause I'm only a crack in this castle of glass
Hardly anything there for you to see^^
Pero sino ba naman ako para magalit? At bakit nga ba ako magagalit? Ano ba dahilan kung ba't ako nakakaramdam ng ganito?
^^For you to see^^
And I was lost in my train of thoughts....
__End of Chapter 3__
**Haaallllo ulit :) comment kayo. enjoy*
BINABASA MO ANG
Yet another story
Novela JuvenilMinsan kahit nasa harap mo na...di mo pa rin makikita. Minsan kung kailan huli na...bago mo pa malalaman.