ONE SHOT STORY: Remote
Year 2031,
"DEVIIII, ANO BA TUTUTOK KA NA LANG BA DYAN SA T.V? MA L-LATE KA NG BATA KA" napapikit ako sa lakas ng sigaw ni mama galing sa kwarto.
7:15am, hinayaan ko lang ang sigaw ni mama dahil hindi ko pwedeng palagpasin ang last episode nitong Tantei High.
"LAST 15 MINUTES, MA. MATATAPOS NA PO ITO" wala pang isang minuto ay nakatanggap na naman ako ng sigaw mula kay Mama.
"LINTIK KANG BATA KA, WALA KA NG TIGIL KAPAPANOOD NG MGA WATTPAD SERIES NA YAN, WALA KA NAMAN MAPAPALA DYAN, SAKA HINDI IKAW ANG NAGBABAYAD NG BILLS NATIN" yes, sa tinagal-tagal ng taon na dumaan ngayon lang nagkaroon ng WATTPAD CHANNEL, kaya ako ito hindi na masawata sa panonood ng mga wattpad serye.
Mahina na lang akong napahagikhik, ang OA lang ni mama dahil 8am pa naman start ng class ko.
"DEVI, alalahanin mo may exam ka pa---kita mo nang bata ka narito pa ang scientific calculator mo kamuntikan mo na naman makalimutan dahil jan sa kapapanood mo" lumabas si mama ng kwarto at inilapag sa lamesa na nasa harapan ko yung calculator na gagamitin namin for FABM.
"Tao po" nakarinig ako ng pamilyar ng boses.
"Devi, nandyan na si Rina sa labas, tumayo ka dyan at tigilan mo na yang T.V" nangunot ang noo ko, peste itong Rina na ito alam na nanonood pa ako e' palibahasa sa K-Movie addict at hindi sa wattpad.
"Opo" kinapa ko yung notebook kong reviewer habang hindi naalis ang paningin sa t.v. Matapos kong mailagay yung isang notebook ay sunod ko naman kinapa yung calculator na inilapag lang din ni mama sa lamesa. Medyo nakakapanibago sa pakiramdam dahil parang ang payat nong size ng calculator ko, pero hinayaan ko na lang at isinilid ko na rin sa bag ko.
Saktong pagtayo ko ay siyang tapos ng Season 1 ng Tantei High. Aww:< Maghihintay ako for Season 2.
"Ma, ikaw na po magsara ng T.V. Una na po kami ni Rina" sigaw ko at narinig ko naman ang tugon ni mama.
"Ano ba Rina? 7:32 pa lang, jusko napakaagap mo, nanonood pa ako e' buti na lang tapos na" salubong ko sa kanya nang makalabas ako ng bahay namin.
"My apology, you know examination natin ngayon baka mahuli tayo" napairap ako sa hangin habang nagsisimula na kaming mag lakad.
"You know din naman na walking distance lang ang mga bahay natin sa school natin, right?" tatango-tango siya habang napapakamot sa sentido.
Hindi na kami nag-usap at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school.
"Review lang ako ah, ikaw din" sabi niya ng makapasok kami sa classroom at naupo sa respectively seats namin.
"Nag-review na ako kanina" napa-ismid na lang siya sa sagot ko.
7:50am, napalingon ako sa byong klase namin at kompleto na kami si Ms. Rocello na lang ang wala at lahat din ng classmate ko ay nagrereview at dahil hindi naman ako feeling matalino, kinuha ko na lang ulit yung reviewer ko at nag review na din.
~~
"Goodmorning class, put your things inside your bags, NOW" walang ano-anong sabi ni Ms. Rocello pagpasok pa lang ng room.
"Okay, get one and pass" sinimulan na niyang ibigay ang bilang ng test paper sa nasa unahan namin "Pakilabas ng inyong mga Scientific Calculator, ballpen, scratch paper" inantay ko muna na makakuha ako ng test paper bago ko isa-isang inilabas ang mga pinakukuba ni Ms. Rocello.
Pero nong Scientific Cal. na ang kukuhain ko ay hindi ko ito mahanap, unti-unti nang gumagapang ang kaba sa systema ko hanggang sa may naaninag ako na itim na bagay na nakasuksok isa sa mga notebook ko. Hayst, akala ko naiwan ko sa bahay e'.
Pakiramdam ko ay saglit na tumigil ang paligid ng makita ko sa kamay ko ang isang REMOTE, remote ng T.V namin. Napalunok ako at dali-dali pa hinalungkat ang bag ko, pero walang Scietific Cal. ang nandoon kundi itong REMOTE talaga.
Yung diwa ko ay parang bumalik sa bahay at inalala ang pangyayari.
"DEVI, alalahanin mo may exam ka pa---kita mo nang bata ka narito pa ang scientific calculator mo kamuntikan mo na naman makalimutan dahil jan sa kapapanood mo"
Saglit kong sinulyapan ang paglapag ni mama ng Scientific Cal. ko kalapit ng remote.
"H..hindi kaya.....instead na calculator ko ang nakuha ko ay itong remote?"
"MS. Llevado, why your bag is still open? At ano ang iniimik-imik mo dyan?" natauhan ako sa sigaw ni Ms. Rocello.
"Nothing, Ma'am" itinabi ko na ang bag ko kasama na doon ang remote at kunwaring nagsimula nang magsagot.
DEADS AKO NITO KAY MAMA!
- REMOTE