CHAPTER 23- Concern

268 41 3
                                    

VERONICA'S PoV

"A-aww ang s-sakit ng ulo k-ko." Daing ko. Hindi ako makamulat ng tuluyan dahil sa sobrang liwanag.

Nasan ba ako?

"Grace? Ayos ka lang ba?" Tanong ni  Vladymyr. Ba't siya nandito?

"Nasaan tayo?"

"Nasa hospital tayo."

"Huh? Eh parang umuwi na ako kagabi ah?"

"Hindi ka nakauwi dahil nahimatay ka , nakita ka ng mga nurse na natumba kaya nilapitan ka nila agad. Buti nalang bumalik ako dito kagabi."

"Bat ka bumalik?"

"Nakalimutan ko yung wallet ko."

"Thank you." Sambit ko sakanya.

"Para saan?"

"Ah wala basta." Nakangiting sabi ko.

"Kumain kana ba?" Dagdag ko.

"Hindi pa , bibili palang sana ako kaso nagising ka naman." Saad niya.

"Samahan na kita." Suhestyon ko. Babangon na sana ako ng inihiga niya ako ulit sa hospital bed.

"No need , kaya ko naman ang sarili ko. Saka magpahinga kana lang muna , sabi kasi ng mga doctor masyado ka daw stress kaya nahimatay ka kagabi. At ang sabi pa niya , wag ka daw masyadong mag-isip ng mag-isip ng mga bagay na makakaapekto sa kalusugan mo. Kaya mas mabuting magpahinga kana lang."

"Hmm , sige. Ingat ka ah?"

"Yes ofcourse. Magpahinga kana muna , babalik ako agad saglit lang naman ako." Pagpapaalam niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka tuluyang lumabas ng kwarto. Feeling ko talaga napakasafe ko kapag siya ang kasama ko. Ganon din naman yung feeling ko kapag kasama ko si Laurent at Leigh , pero yung kay Vladymyr kasi iba eh.

Pero wala na naman akong ibang nararamdaman pa sakanya , at wala din akong intensyon na maging karelasyon siya. Mas gusto ko siyang maging kuya , napaka-perfect niyang maging kuya dahil sobrang matured niya mag-isip at protective pa.

Tama na sakin yung gantong sitwasyon sa pagitan namin ni Vladymyr.

Thankful ako kasi nakilala ko sila kahit na puro kamalasan yung nangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi naman magiging ganito yung buhay ko kundi dahil sa Blaze na yun! Tahimik na sana ang buhay ko. Pero dahil sa mga kagagahan niya , minamalas ako.

AYOKO NA SIYANG MAKITA!

NAIIRITA AKO SAKANYA!

SOBRANG SAMA TALAGA NG UGALI NIYA!

ANO BANG PINAKAIN NG MAGULANG NIYA SAKANYA. TSK TSK TSK!

Sana talaga hindi ko na siya makita..

Biglang bumukas ang pinto , bumungad sa akin si Blaze na may dalang pagkain.

Nagkunwari ako tulog.

Naramdaman kong nasa tabi kona siya kaya kinabahan ako. Hindi ko alam pero ang lakas talaga ng dating niya sa twing lumalapit siya sakin , yung tipong kinakabahan ako kahit wala namang nakakakaba. Pero syempre di ko pinapahalata , kasi baka isipin niya na natatakot ako sakanya.

"Open your eyes , alam kong gising ka kaya wag ka ng magkunwari pa huling-huli na kita." Saad niya. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko.

"What the fvck are you doing here?"

"Agang-aga kumukulo na agad yang ulo mo." Nakangising sabi niya. Umupo siya sa upuan na katabi ng kama ko.

"Paanong hindi iinit yung ulo ko? Kung ikaw naman itong nakikita ko?!" Masungit kong sabi. Tinalikuran ko siya.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon