~12~ The truth

134 5 2
                                    

"PINAGLALARUAN mo ba ako?" Seryosong tanong nya. Ilang araw na din silang ganun, araw araw nasa bahay nila si Clint at kung ano anong effort ang ginagawa para mapaniwala lang sya.

"At bakit mo nasabi yan?" Kibit balikat na tugon nito, patuloy nitong nilalaro ang aso nyang si Mimi.

"Kasi halata sayo. Pwede ba? Nag-break na tayo di ba? Ano to? Bakit gumaganito ka pa. How can i move on if ganyang lagi kang nagpapansin saken." Iritableng sagot nya.

"Sa pasukan, 2nd sem na natin sa university." Malayong sagot nito sa sinabi nya.

"And what is exactly are you trying to say? Na lilipat ka na ganon?"

"Ganun ba kalaki ang galit mo saken Mikail? Parang wala ng traces na minahal mo ko, why? Kasi dahil don sa lalakeng classmate mo? Is that so?" Inosenteng tanong nito.

Hindi nya alam kung matatawa o maiinis sa sitwasyon, pero sa tingin nya sya pa ang may ginawang mali."Nagka-amnesia ka ba para hindi maalala mga ginawa mo saken? O nag-collapse na yang mga brain cells mo nung narealized mo ang mga pinag-gagawa mo saken."

"I know all of it. Sa maniwala ka at sa hindi, aware ako. Kung iniisip mong pinagpalit kita, sige oo sabihin na natin. Its just, nag-aadjust ako sa new environment naten. Andyan yung times na nahihiya ako kapag tinatawag mo akong boyfriend. Tapos, yung feeling na may kasama kang popular kid sa department nyo. Lahat bago saken Mikail."Tila kinakausap nito ang sarili sa paraan ng pagsasalita nito.

"So ako lang yung luma? Kaya sa sobrang pag-adjust mo, nakalimutan mong may Mikail sa buhay mo?" Tumayo sya sa pagkakaupo nila. "Clint hindi na kita kilala, ni wala akong naintindihan ni isa sa mga sinabi mo. Ang alam ko lang, nag-iba ka. Sige umuwi ka na bago ka pa maabutan na naman ni Mommy." At pumasok na sya sa loob ng bahay.

She didn't know what's going on. She didn't know whats gotten into Clint. Pero hindi katulad ng dati, hindi na nya gaanong iniisip ang mga nangyayare. Totoo nga siguro ang sabi nila, the less you care, the less you may get hurt. 

---------------------------

"A white rose, for a pure innocent woman." Untag ni Kiel sa kanya.

"Oh, hey. Sabi ko magtetext ka muna diba?" Simangot nyang bungad dito. Nasa garden sya, at malaya na palang nakapasok ito sa bakuran nila.

"Pss, nagtext po ako." At inginuso ang cellphone nya.

"Sorry, i was out of my mind lately. Napadalaw ka?"

"I just wanted to see my birthday girl." At ngumiti ito ng pagkabongga-bongga.

"I see somebody been stalking my facebook page." Napangiti din sya.

"So whats your plan lady? How would you like to celebrate your 17 birthday? By the way, hindi pa ako pwedeng mag-exceed sa limitation ko beyond kissing and hugging. So if you want beyond that, forget it." Mahabang litanya nito.

"Ugh, mahiya ka nga. Medyo nakakadiri ka talaga eh no." Hinampas nya ito sa braso. 

Nagpatuloy lang ang masayang kwentuhan nila ni Kiel. Hindi na naman nila namalayan ang pagdating ng isa pang bisita.

"Eherm.. Nakakaistorbo yata ako?"

"Oh? Nagkabalikan na kayo Missy?" diretso ang tingin ni Kiel sa kanya, ni hindi man lang tinapunan ng tingin si Clint.

"What are you doing here?"

"Magbibigay lang sana ng merienda, my Mom made it for you." Saka iniabot ang sandwiches.

"Just in time, gutom na ako. Eto naman kasing lalaking to, dadalaw na lang wala pang dalang pagkain. My roses nga, wala namang chocolates. Sandali lang kukuha lang ako ng juice." Tumayo sya at nagtungo sa kusina.

"Why? Akala ko, itsura ko pa lang ulam na eh." Pabirong sabi ni Kiel na ikinahalakhak naman ni Missy.

"Uhm Pare, would you mind if you leave?" halata ang disgusto sa boses ni Clint.

"Ako ang nauna pare, at saka hindi naman ikaw ang binisita ko." Saka umayos ng upo.

"Since kanina ka pa naman nandito, baka pwedeng ako naman?" 

" Bakit kailangang ikaw ang magpaalis saken? Aalis lang ako when Missy told me to." Sakto ang dating ni Missy. Naputol ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Here's the Juice. Pakisabi kay Tita salamat."

"Kanina pa yata kayo ni Kiel magkausap Mikail. Baka pwedeng ako naman ang kausapin mo?" Nakatingin ito ng masama kay Kiel.

"H-huh? A-ah. Pwede naman tayong mag-usap kahit nandito si Kiel eh. Kaibigan ko sya."

"Its about us. Unless involved na sya about US." Ipinagdiinan nito ang salitang "us".

Nagpanting ang tenga nya sa narinig, hindi nya nagustuhan iyon. Dahil para sa kanya, there's no more US para sa kanila."Then should i call your girl too?"

Napahagikhik si Kiel sa sinabi nya. Siniko nya ito dahil alam nyang mapapahiya pang lalo si Clint.

"No, theres no need. Im leaving anyway." At dali-dali itong tumalikod sa kanila.

Ang hindi mapigilang tawa ni Kiel ay sumabog sa hardin nila."Busted."

"Oy, wag ka ngang bad. Wala akong intensyong masama sa kanya. Lumabas lang sa bibig ko yun."

At totoo yon, hindi nya tuluyang isinasara ang pintuan ng relasyon nila. They been through heaven and hell, good and bad times. At kahit papano, para sa kanya ito pa rin ang nag-iisang Boyfriend nyang Baduy. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Boyfriend kong BaduyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon