Chapter 1

282 12 2
                                    

Xyrene's POV

Nandito na ako sa kwarto na tinutukoy ni Azu. Halos maiyak pa ako ng makita ko ang isang malaking frame ni Zayn. Ang sarap niyang titigan habang nakangiti.

Kaya lumapit ako at napayakap sa malaking frame. Para pa akong tanga dahil naiiyak na ako. Nakakainis dahil hindi ko man lang siya magawang mayakap noon tulad ng ginawa ko ngayon.

Wala na akong magawa kundi ang matitigan siya mula sa larawan. Kung noon bihira ko siyang nahahawakan dahil sa pag-iinarte ko, ngayon malaya na pero hanggang tingin nalang. Masakit isipin na marami akong  sinayang.

Parang bangungut parin sa akin ang mga araw na nangungulila ako sa kaniya. Pero kailangan kong magpakatatag para sa anak namin, hindi pa tapos ang mundo pwede pa akong gumawa ng panibagong yugto kasama ang anak ko kahit wala na siya.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at inayos ang frame na nagulo ko. Lumapit pa ako sa ibang larawan at nakita ko doon sina Marven, Bryan, Josh, Azu, Azi at Zayn na ang lalaki ng mga ngiti. Kaya napangiti nalang 'din ako.

Balak ba ni Azu na paiyakin ako ngayon? Pinapunta niya ako dito para makita ang mga larawan ni Zayn. Pero aaminin kong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga nakita ko ngayon.

Panay ngiti pa ako ng maagaw ang atensiyon ko sa isang malaking frame na may pulang telang nakatakip na dumoble ang laki sa frame ni Zayn na yinakap ko kanina. Napalunok pa ako dahil kinakabahan ako sa  pwedeng kong makita 'dun.

Habang papalapit ako sa misteryosong frame na nakaagaw ng atensiyon ko ay ganun nalang ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan. Pakiramdam ko parang may nag-uudyok talaga sa akin na dapat kong makita ang nasa loob 'nun.

May pakiramdam akong may kinalaman 'yun sa akin. Nang makalapit na ako pinagmasdan ko muna saglit, bago ko dahan-dahang inalis ang takip.

Habang nakatitig ako sa larawan ay unti-unting nagiging pamilyar sa akin ang dalawang bata na naglalaro sa buhangin. Hanggang sa may naalala akong pangyayare sa buhay ko na hindi ko makakalimutan.

(Flashback)

"Xy, bakit ka malungkot? Wala 'din ba 'yung mga magulang mo." Tanong ng kaklase kong si Zayan. Ang totoo niyan hindi  talaga 'yan ang pangalan niya iniba ko lang.

"Oo e. Nandun kasi sila sa venice may inaasikaso. Ikaw ba?" Palagi nalang wala sila mommy at daddy tuwing may program kami sa school. Naiintindihan ko naman pero naiinggit parin ako sa mga kaklase ko na may mga magulang na umaattend.

"Wala 'din e. Sanay naman ako dahil lage nalang silang wala at naiintindihan ko naman sila dahil para 'rin naman sa amin ang ginagawa nila. Kaya wag ka ng malungkot pareha lang naman tayo hindi ka nag-iisa." Sabi niya na kinagulat ko. Napangiti pa ako dahil pakiramdam ko hindi na ako nag-iisa.

"Nakakaawa naman tayo, wala tayong mga magulang na umaattend tuwing may program tayo sa school." Malungkot kong sabi habang tumayo na si Zayan sa tabi ko at naglahad sa akin ng kamay na pinagtataka ko naman.

"Okay lang 'yan, wag ka ng malungkot. Sumama ka nalang sa akin may pupuntahan tayo." Sabi niya. Hindi 'rin ako nakatanggi kaya malaya kong tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin.

Hinayaan ko nalang siyang dalhin ako kung saan para naman maibsan 'yung lungkot na nararamdaman ko.

Dinala niya ako sa likod ng paaralan namin. Hindi ko alam kong anong gagawin namin doon, e puro damo naman ang makikita namin. Ano kayang trip niya?

New Life With The Mafia Boss [ONGOING]Where stories live. Discover now