This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © 2021
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without the prior written permission of the author.
—-
Prologue
Umupo ako sa sofa katabi ni Lily. Bumuntong hininga ako at tumingin sa ceiling. "Oh, anyare?" Tanong ni Lily. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Wala naman." Sabi ko.
"Sus, wala daw." Pinalo niya ako sa balikat. "Kilala na kita Leana." Sabi niya. Ngumiti ako. "Ayon nga, napanaginipan ko ulit siya." Sabi ko. Tumango siya at sumandal.
"Iniisip mo pa ba siya?" Tanong niya. Umiling ako bilang sagot na hindi. "Bakit ko pa ba siya iisipin aber." Sabi ko. Tumango siya at tumawa. "Oo nga naman." Sabi niya.
Sumandal ulit ako sa sofa at nag-isip. "Hindi kaya't siya ang umiisip sa 'yo?" Hindi sure na tanong ni Lily. Tumingin ako sa kanya. Napaisip ako bigla dahil sa tinanong niya. Paano kung iniisip niya ako kaya ko siya napapanaginipan?
Bumuntong hininga ako at tumawa. "Gaga, bakit naman ako iisipin non diba?" Tanong ko. Tumango siya. "Oo nga 'no. Wala na pala siyang pake sa 'yo kasi may bago na siya." Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi masakit 'te ha, medyo lang." Pabiro kong sabi sa kanya. Tumawa siya at umiling iling. "Nako ka 'te, delikado ka na. Tigilan mo na kakaisip sa kanya jusko." Sabi ni Lily.
"Ilang beses ko na sinasabi sa 'yo na hindi ko na siya iniisip. Swear to God." Sabi ko. Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Dinamay mo pa si God." Sabi niya. Tumawa ako.
"Pero yun nga. Hindi mo na siya iniisip pero deep inside naminiss mo siya." Sabi niya. Tumingin ako sa kanya ng nakakaloko. "May point ka. Pero magulo kasi e." Sabi ko.
"Panong magulo?" Tanong niya. Kumunot yung noo ko tapos umiwas ng tingin sa kanya. "Kasi minsan namimiss ko siya kapag may bagay or may nakikita ako na nag reremind about him tapos minsan nawawala pagka miss ko sa kanya." Sabi ko.
Tumango siya. "Magulo nga." Sabi niya. Tumingin ako sa kanya ng masama. "Pero ito ha. Bakit hindi ka pa mag move on kahit alam mo na wala na talaga?" Tanong niya.
Bumuntong hininga ulit ako. "Hindi ko din alam." Sabi ko sabay kibit balikat. "Parang sa part na 'to. Hindi madali sa akin yung pag momove on kasi parang ayon nga, napamahal ako kahit sabihin mong nasa internet lang 'yon."
"Ang bobo mo kasi e." Sabi niya. Tinitigan ko siya ng masama. "Bakit ka kasi na i inlove sa tao na nakilala mo sa internet." Sabi niya. Tumingin ako ng nakakaloko sa kanya.
"Hoy, parang ikaw hindi ha. Ano ka nga ngayon?" Tanong ko sa kanya. Tumawa siya. "Joke lang." Sabi niya. Inirapan ko siya. Akala mo talaga hindi rin na inlove sa nakilala sa internet.
"Mag 3 months na kayo ni Will 'no?" Tanong ko. Tumango siya at ngumiti. "Hindi ko inexpet na tatagal kayo ng months tapos walang label." Pang-aasar ko.
YOU ARE READING
Dreaming of You (Onhold)
Teen FictionLeana met someone thru internet which is the most unexpected person for her and also the one who hurt her the most more than she expected. She trusted that person for her whole life even tho they just met at internet.