Maling Akala
Naglalakad na si tan-tan papasok ng classroom. Sa hallway, pinagtitinginan sya ng mga babaeng estudyante pati na rin ng mga binabae. Hindi lang pinansin iyon ni tan-tan dahil ayaw nya sa ganoong attention. Biglang tumunog ang kanyang cellphone at dali dali nya itong tinignan. May text message si Jeff sa kanya.
‘ Wala kang pasok bukas diba. Pasyal tayo? Libre ko.’
Nakangiting binasa ni tan-tan ang message at kaagad itong nag reply.
‘Sige ba, basta sunduin mo ako sa bahay. Hahaha’ sagot ni tan-tan.
Tumungo na sa silid si tan-tan. Pagkapasok nya sa silid ay tumabi ito sa dalawang kaibigang sina Nika at Benjie. Nag kamustahan ang tatlo at nagkopyahan ng assignment. Si tan-tan lang ang bukod tanging masipag sa grupo kaya hindi nya maaasahan ang dalawa sa kopyahan. Bagkus ang dalawa lang ang nagongopya sa kanya.
“Ano ba naman kayong dalawa, ang dali dali lang ng assigment hindi nyo pa ginawa.”
Pabirong medjo inis na sambit ni tan-tan sa mga kaibigan.
“Ehhh, tan-tan alam mo namang single mother of 15 children ako diba. Estudyante ako sa umaga, inahin ako sa gabi. Kaya di ko talaga magagawa yung assigments na yan.”
Wika ni Nika.
“Loko loko ka talaga. Di ka na sumeryoso sa buhay. Wala ngang pumapatol sayo may nalalaman ka pang 15 children jan.”
sagot naman ni Benjie.
“Tumahimik ka nga, akala mo naman may naiambag ka sa assignment natin.”
Sumbat naman ni Nika.
“Magsi tahimik nga kayong dalawa, mamaya mahuli pa tayong nag kokopyahan dito.”
Babala ni tan-tan.
Maganda naman si Nika, jologs nga lang kung kumilos at medjo tunog bakla pag nagsalita. Si Benjie naman ay typical na estudyante lang. Medjo payat at maputla ang balat. Pero may itsura din naman. Nag uumpisa na ang klase ay nag uumpisa na ding antukin ang dalawa. Napansin ito ni tan-tan kaya sinipa nya ang mga kaibigan at sinenyasan na makinig.
Maguuwian na nang naunang magpaalam si Benjie habang naglalakad naman na palabas ng gate sina tan-tan at Nika. Medjo maharot si Nika kaya kung titignan sa malayo ay para silang mag jowa na sobrang sweet. Walang ka alam alam si tan-tan na susupresahin sana sya ng sundo ni Jeff ngunit hindi ikinatuwa ni Jeff ang nakita.
Eto na ang ipinangangamba ni Jeff na kapag binuksan nya ulit ang puso ay mabilis lang itong masasaktan. Naiinis si Jeff sa sarili kung bakit hinayaan nya ang sarili na magkagusto sa isang tao na alam naman nyang hindi normal sa mga mata ng mapanghusgang lipunan.Nagpapasalamat nalang si Jeff na ganito ka aga sya nagising sa ilusyon na nabuo sa imahinasyon nya. Umuwi nalang itong sawi dahil lang sa maling akala na talo na sya.
Kinagabihan ay nagtext ang chinoy.
‘Ahhh tan-tan, wag nalang tayong tumuloy bukas. Medjo masama pakiramdam ko.’
Nabasa naman ito ni tan-tan at ito ay nag alala.
‘Oh sige sige. Teka napano ka ba? Okay ka lang ba? Ano nararamdaman mo? May gamot ka ba?’Sunod sunod na tanong ni tan-tan sa isang text message. Hindi na nagreply si Jeff sa mensahe kaya nag text ulit si tan-tan.
‘Magpahinga ka lang ng maigi. Update mo nalang ako kapag okay ka na ah.’
BINABASA MO ANG
Red Ears
RomanceIsang student athlete si Taniel o mas kilala sa tawag na tan-tan. Si Jeff naman ay binatang anak ng negosyanteng chinoy. Mula sa hindi magandang pagkikita ay umusbong ang hindi inaasahang pag-ibig. Kaya ba nilang panindigan ang pagmamahalan? Gayong...