4. Fate?

524 9 10
                                    

~.~.~.~.~.~.~

"Why are you crying?" Sabi ng lalaking nasa harapan ko..

Sabi ng lalaking kinaiinisan ko..

Sabi ng lalaking niloko ako,

Sabi ng lalaking sinaktan ako...

At sabi ng lalaking mahal na mahal ko. Si Ice.

"Bakit ka nandito?" Sabi ko sa kanya, wag mong sabihing--

Umupo siya sa tabi ko. Aba! Close kame? Oo, close kame kaso... "Di mo pa sinasagot yung tanong ko, bakit ka umiiyak?" Pinahid ko yung mga luha sa mata ko.

"As if you care." At umusod ako ng kaunti, para magkaroon ng space samin.

"I still care, were... friends." Friends? Muka niya!

"No your not my friend, your my ex."

"Hana, please, Kahit wala na tayo sana maging magkaibigan parin tayo." Tingin niya ba ganun lang kadali para sa akin na kalimutan lahat ng nangyari?

"Its not that easy." Sabi ko nalang, pero hindi ako tumitingin sa kanya, awkard kaya noh, try niyo.

"Hana, can you still forgive me?"

"Maybe... Pero hindi ngayon." Siguro as time passes by mapapatawad ko na siya, at maybe we could be friends.. 

"I understand, alam kong nasaktan ka ng dahil sakin, kaya I'll wait hanggang sa mapatawad mo ko." Bakit ba ganyan ka Ice? Makikipagbreak ka sakin, bago makikipagkaibigan ka bigla... Ang dami kong di alam, kung bakit ka nakipag-break, kung sino yung babaeng kasama mo noon...

"Bakit ka nandito?" Sabi ko.

"I'm going to study here, for my fourth year. Ikaw?" What? O__O How can I move on!? Shete lang teh

"What? I guess makikita parin pala kita lage."

"So, dito ka rin mag-aaral...?" Di parin ako tumitingin sa kanya, pero alam kong nakitingin siya sakin on my peripheral vision.

"Oo, Unfortunately, nag-transfer ako dito para makamove-on, kaso mukang mas lalo akong mahihirapan." Lalo na't dormitory school to, mas matagal ko siyang makikita... Haaay.

"Ah, ganun ba..." Yun lang ang nasabi niya.

Tumayo na ko mula sa pagkakaupo, "Well, I better get going, its getting late."

Tumalikod na ko pero napatigil ako ng bigla siyang magsalita, "Ingat ka.." Di na ko lumingon pa, at bumaba na ko sa hill di naman siya ganun kataas siguro mga 3 storey building lang ang taas ng hill.

Nang makabalik ako sa dorm, ginulat lang naman ako ni Yanna, "Bruha! Bakit ang tagal mo!? Shocks, bakit mugto yang mata mo?!" Sabi niya sakin. Habang pababa kasi ako ng hill pabalik sa dorm, di ko na napigilan yung luha ko eh.

Niyakap ko nalang siya at umiyak ulit. Anubeyen, walang katapusang iyakan. -_____-'

"Nandito siya Yanna.."

"Huh? Sino?" Nagtataka niyang tanong, kumalas na ko sa yakap niya.

"Si, Ice, dito siya mag-aaral."

I saw shock in her eyes. "OMAYGULAY! This is Fate! Destiny! Kyaaaah!" Sabay tili pa niya. Fate? TSSS!

"Napaka-supportive mong bestfriend hah! I was expecting na dadamayan mo ko kanina pero di pala! Hmpf."

"Uy, bes. Joke lang naman, di ka na mabiro." Joke pa yun sa lagay na yun huh?

"Bes, Pano na ko makakapagmove-on niyan?" Nag-aalala kong tanong..

"Ganyan talaga ang buhay dapat ka nang masanay, wala ring mangyayari kung laging nakikibagay..." ABA'T KINANTAHAN LANG AKO! BWISIT! Ano to? Joke?

"Shut up. Nakakatulong ka grabe."

"Eh, sa wala akong masabe eh! Okay lang yan girl. Tiis-tiis onte, keri mo yan! Hahaha!" Tignan mo to, mukang timang lang, tinatawanan pa ko ngayon. UGHHH! Binabawi ko na yung sinabi ko nung nakaraang chapter na maswerte ako sa kanya! Hmpfffff!

"Ewan ko sayo!" Pumasok nalang ako sa kwarto, at nag facebook. Pag stressed ako nilalabas ko sama ng loob ko sa status ko eh.

Hana Samantha Pierro: Bakit ka pa kase nandito? Panu na ko makakalimot niyan? :(

Pinost ko agad. Shocks, idaan nalang sa wattpad ang ka-depresan ko. -____- 

Ayun, nag-search ako. Ang napili ko e, He's My Ex-Boyfriend, mukang makaka-relate ako sa storya eh. Hahaha! Kaloka, bakit eto pa binasa ko? Naalala ko tuloy si Yelo :(

Tapos, nag-scan nalang ako sa facebook. Tumingin ng notifs, hay ang daming comment dun sa last status ko hah. Hahaha. XD

Teka, bakit screen saver ko parin pala yung picture naming dalawa ni Yelo? Naka-akbay pa nga siya sakin eh, Pinalitan ko nalang ng iba, yung ako lang mag-isa :(

Tapos, may 2 friend requests ako, Yung isa nakalagay Yellow Anah, Inaccept ko nalang kahit di ko kilala, ganun naman ako e, Kahit 1 mutual friend lang. Gora! Kaya nga na-ban ako isang beses ng fb, dahil sa ganyan ayan tuloy di ko ma-add yung gusto kong i-add for 1 week. Shocks.

Yung isa naman, Troy Saavedra, Hmm. Troy? Hindi kaya ito yung sa mall nung last week? Inaccept ko, bago tinignan ko yung profile picture, eto nga! Eto yung gwapong nagpahiram sakin ng panyo.

Bago biglang may nag pop-out galing chat.

Troy Saavedra: Hello, Remember me?

Yellow Anah: Hi :)

Huh? Sabay pa talaga hah.

~.~.~.~.~.~.~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon