YAMD 11

820 33 0
                                    

Chapter 11

-----

It was a busy day that time.Kakagaling lang namin ni Ira sa gym para magpraktice ng cheer dance kasama ang Pep Squad.

Ngayon nandito lang kami ni Pipay,Ira,Arvin,Angel at Jiian sa cafeteria,tamang kwentuhan lang before going home. Wala sina Dex, may ball practice, sorry hindi ko nasabi na Varsity sila ng campus.

Masaya kaming nagkekwentuhan at tawanan dahil si Pipay at Arvin ang nag aasaran. Well, birds with the same feather,eat birds together! XD

"Kamusta naman ang sulotera't mang aagaw?" napalingon kami sa malakas na boses ng babae.

Si Jean,kasama mga alipores nya.

"Jean?" sabi ko, samantalang ang tropa tahimik lang.

"Enjoying the bed with Dex huh? Sa ngayon pagbibigyan kita,dahil hindi magtatagal ay magsasawa sya sayo at babalik sya sakin!" mataray na sabi pa ni Jean. Napayuko ako dahil sa sobrang hiya, alam ko samin na nakatingin lahat ng tao dito sa cafeteria.

"anong karapatan mo pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan ko?" mataray na sagot ni Ira,

"insecure ka ba? Wala ka kasing sex appeal kaya ka iniwan ni Dex" dagdag pa ni Pipay, nilingon ko sila at pinigilan, kita kong tumaas na din ang kilay ng kambal.

"Hindi kayo mga kausap ko mga tanga, Oh,and by the way, hindi porket nasa Pep squad ka at kilala ka ng lahat ay aatrasan kita, nagkamali ka ng binangga Honey Alegre!" mataray na sabi nito,kita sa mga mata nito ang galit. Wala ako nagawa,ayoko sumagot,ayoko ng away, nanatili lang akong nakayuko at walang masabi. Hinagod ni Pipay at Ira ang likuran ko.

Bigla humalakhak si Jean bago nagsalita "Oh wala ka masabi? Kasi totoo,kawawa ka naman, and dont worry hindi pa ito ang huli, hindi pa ako tapos"

Tatalikod na sana si Jean ng bigla sya hablutin ni Angel at sapakin. Nagulat ako pati sina Ira at Pipay pati mga taong nanood.

Napasadsad si Jean sa sahig at napa atras ang mga alipores nya. Wow! Ang tapang ni Angel!

"Masyado kang madaldal,nakakairita na nga ang pagmumukha mo,nakakairita pa ang boses mo!" kalmadong sabi ni Angel, wow Darna lang?!

"Ang kapal ng mukha mo! Magbabayad ka!" tumayo ito at akmang gaganti ngunit nahawakan agad ni Jiian ang kamay nito.

"Miss,kung may natitira ka pang respeto sa sarili mo,umalis kana kasama mga alipores mo at huwag mo ng guguluhin ang kaibigan namin" mahinahong sabi ni Jiian.

"And before I forgot,kahit tingin wag na wag mong gagawin sa kaibigan namin kung ayaw mong ikaw ang magbayad" naka ngisingi, walang sabi sabing lumabas ng cafeteria si Jean kasama mga alipores nito.

Palakpakan naman at hiyawan mga tao sa canteen habang ako tulala sa pangyayari.

"okay ka lang?" Jiian at Angel.

"oo,shocked lang ako" sagot ko, napahagikgik ang kambal.

"ang galing ng ginawa mo Angel! Pakiramdam ko kanina ang tingin ko sayo naka Darna costume! Nasan ang bato?" ani Pipay, kahit papano natawa ako sa banat nya.

"haha! Baliw,hindi lang ako sanay sa madaming satsat,kairita" -Angel at umupo na ulit sa harapan ko.

"baka isumbong ka nya at mapapunta ka sa guidance office" nag aalala namang singit ni Ira.

"haharapin ko parusa,ang mahalaga eh ngayon takot na sya" - Angel

"at saka si Daddy na bahala dun" dagdag ni Jiian.

"kayo na mayaman" nasabi ko na lang at nag ngitian kami.

Kahit papano naman nakahinga ako ng maluwag. Napaka swerte ko sa mga kaibigan ko at hindi ako pinapabayaan kahit pa mga baliw ang mga to.

"Nasan si Arvin? May sasabihin ako eh" biglang sabi ni Pipay.

"baka nag CR" - ako.

"Ayan na pala si Arvin, kasama na sina Dex" ani Jiian sabay turo sa labas. Kita ko naman na nagmamadali si Dex papasok sa cafeteria.

"Okay ka lang babe? Nasaktan ka ba?" sabi ni Dex sakin ng makalapit, agad akong niyakap "sorry" dugtong pa nya.

"okay lang ako huwag ka mag alala" at hinalikan ko sya ng mabilisan sa lips, napangiti na lang si Dex. Gawd! How I love this man!

"sinundo ko sila" ani Arvin samin, as usual naka akbay sa kanya si Kevin xD

"Kaya pala nawala kang impakto ka"- Pipay.

A/N ~ Try ko ulit mag update later, tatapusin ko na po ito agad para masimulan ko na yung new story, sa Compshop nko gagawa para mkagawa at upload na din ng cover photo,baka pag may cover photo na may mga mag comments at read na hihi ka frustrate ih :) see you later po! Mwa! :**

YOU ARE MY DREAM (Short Story) ~FIN~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon