Be thankful! ♥

118 10 1
                                    

Nakamove on ka na ba talaga?

As in yung wala ng bitter factor?

Sus. Baka naman kunwari lang na move on na para lang maipakita sa lahat na okay ka na?

Mahirap naman talaga magmove-on. Mahirap kalimutan yung mga taong minsang naging parte ng buhay mo at hindi natin maitatanggi na napasaya nila tayo.

Pinasaya nila tayo tapos iiwan?Ang gulo ng mga tao ngayon diba? Sabi nga dun sa kanta, "MINSAN OO, MINSAN HINDI". Oo pinasaya nila tayo, Pero hindi kasi sila para sa atin. Wag natin isipin na loko sila kasi bigla na lang tayo iniiwan. Kasi dalawa lang naman yan e, either, "MAY IBA NA SIYA" or "HINDI NA SIYA MASAYA SAYO"

Hindi mo naman masisisi yung mga taong umaalis. Minsan isipin din natin yung pagkukulang natin. Tsaka HELLO! Hindi pa end of the world. At kung mangyayari man yun, sigurado akong naihanda na ni Lord yung para sayo. Yung taong hindi ka iiwan nang basta basta.

"Better things are on the way" .

Alam kong masakit magmove-on, pero ayaw mo ba na magkaroon ng next chapter ang buhay mo?Dalhin natin yang sakit hanggang sa huli. Yeah alam kong kalokohan kung dadamahin mo pa yung sakit hanggang sa huli. Pero kasi minsan kapag mas niyakap mo yung sakit, mas nararamdaman mo yung saya. Saya?

Saya, kasi may natutunan ka. Saya, kasi ready ka na for the next chapter of your life with your smile. Sabi nga sa kantang JOY by Planetshakers "I can smile again". Kung nakaya ng iba na sumaya after the pain, syempre kaya mo rin yun in a way.

Try mo magpasalamat sa taong nang-iwan sayo. Magpasalamat ka kasi kung hindi dahil sa kanya, siguro ngayon naiwan ka ulit o umasa ka ulit. Paano kung hindi ka niya pa nasasaktan tapos mahal na mahal mo na siya? Edi hindi ka pa ready masaktan ng todo kapag iniwan ka na niya? At least ngayong pinaramdam niya yung sakit, kung mangyayari man yun, handa na yung sarili mo. Magpasalamat ka rin sa nanakit o nang-iwan sayo, kasi kung hindi dahil sa kanila hindi mo makikita yung deserve ng mga taong tulad mo. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka magiging better person. Kasi masarap tingnan yung sarili mo na okay na ulit, normal na ulit matapos mong mag-emote.

Better Person:

*Tinatanggap lahat ng mga nangyayari.

*Hindi gumaganti para sa sariling kaligayahan.

*Yung kinakaya lahat

*Yung kahit imposible, nagiging posible pa rin sayo.

*Yung nakadepende kay Lord.

GOD IS BIGGER THAN OUR PROBLEMS

Better not BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon